Cairo's POV
Patungo ako ngayon sa room kung nasaan ngayon si Yna. Itetext ko na lang sana siya kaso baka hindi niya makita kaagad at baka ma-confiscate pa yung phone niya. Mas mabuti na yung personal diba? Tinext na kasi ako kani-kanina lang ni Tayler. Sabi niya na nasa labas na daw siya naghihintay. Doon niya kasi daw pinark yung kotse niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kanina kay Yna kasi nakalimutan ko potek. Tsaka late na kung yayain ko pa yung mga kulugong 'yom, nasa kanya-kanyang klase na nila sila ngayon eh. Nasa alas-kwatro na ngayon ng hapon. Dapat talaga magpapahinga ako ngayon eh kaso si Tayler eh.
Ayos na rin 'to para makapagliwaliw kami ng dalawa. Ang tagal na din kasi nung huling nagbonding kami eh, ilang taon na nakalipas n'on. Eh ngayon, kaming dalawa muna ni Tayler. Ako muna ang bahala sa hari ng mga kulugo. Bahala na kung may mangyaring gulo. Paniguradong magkakaroon ng gulo mamaya, eh si Tayler kasama ko eh. Habulin ng gulo ang isang 'yon kaya hindi na ako magugulat kung magkakaroon man ng gulo mamaya, ready naman ako eh tsaka sanay na ako sa gulo. Himala nga kasi ilang taon na kaming hindi napapasabak sa gulo o away.
Nakarating na ako sa classroom kung nasaan ngayon si Yna. Napatigil yung professor nina Yna ng makita niya ako. Lumapit siya sa akin."Ahm Prof, i'm sorry for bothering you all but can i talk to Yna Laurenn Teronso?"sabi ko sa kanya.
Tumango na lang siya."Yna, Cairo is here."tawag niya kay Yna.
Nakita kong tumayo na si Yna. Pumasok na ulit yung Prof sa loob habang si Yna naman ay palabas na."Bakit Cai?"tanong sa akin ni Yna.
"Magpapaalam kasi ako."sagot ko naman."Lalabas kasi kami ngayon ni Tayler eh. Nakalimutan kong makapagpaalam sa inyo kanina eh. Ikaw na bahalang magsabi sabi ah?"nakangiting sabi ko sa kanya sabay ginulo ko ang buhok niya.
"Kayong dalawa lang?"tumango na lang ako sa tanong niyang 'yon bilang sagot."Okay. Ingat kayo. Text mo na lang ako kung nakauwi kana para hindi ako magalala sayo."sabi niya.
Napangiti na lang ako."Okay. Una na ko. Naghihintay na si Tayler sa labas."paalam ko pa sa kanya. Binigyan ko muna siya ng ngiti pagkatapos ay nauna na akong umalis sa kanya. Agad din naman akong nakalabas ng University. Agad na bumungad sa akin si Tayler na nakasandal sa kotse niya."Ang lakas ng dating natin diyan ah."sabi ko habang pababa ng hagdan.
"Nakapagpaalam kana ba?"bungad niyang tanong sa akin.
"Kay Yna ng lang."sagot ko naman."Nakalimutan ko kasi kanina eh pero sasabihin naman ni Yna sa iba."sabi ko pa.
Hindi na umimik si Tayler. Pumasok na lang siya sa loob ng sasakyan niya kaya sumunod na rin ako. Nagsuot na ako ng seat belt."Saan mo gusto pumunta?"bigla na naman niya akong tinanong.
"Kahit saan."agad din naman akong sumagot."Basta ikaw na bahala. Hindi naman ako mapili eh."sabi ko pa. Nagsimula na siyang magmaneho."Nga pala Mr. Ty, 'diba classmate ni Max yung babaeng madalas mong kasama?"takang sabi ko sa kanya.
"Mmm."
"Baka mamaya eh..."
"I'm contented to Maxine. No one can replace her in my heart. I don't care about the beautiful girls around me. Don't give any meaning why we are together. I'm just helping her. You know me well Cairo, you all know me. I know how to cheat and flirt but i can't do that because i love Maxine so damn much."
Natawa na lang ako at napailing."Eh pa'no kung hindi talaga si Maxine yung baba—"
Natigil ako sa pagsasalita ng sabayan niya ako."Alam kong si Maxine ang para sa akin, sadyang mapaglaro lang ang tadhana."may pagkakadiing sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...