Maxine's POV
Umalis ako ng juice bar dahil kukunin ko yung bag ni Ma'am Andi sa isang store sa mall. Tinanong niya kasi ako kung pwede ba daw na ako yung kumuhu nung bag niya eh sabi ko naman oo, kaya 'yon. Nandito pa ako sa Jeep. Medyo traffic tapos ang init pa pero keri naman. Kanina, bago ako pumasok, tinawagan ko si Tayler. May sasabihin kasi ako sa kanya tungkol doon sa taong hinahanap ko at yung nasa sulat. Nakokonsensya na kasi ako eh. Tsaka baka tama lang na gawin ko 'yun kasi baka matulungan din ako ni Tayler. Alam kong magagalit siya kasi tinago ko rin 'yun ng matagal hehe.
Eh gusto ko rin naman makatulong kahit konti. Tapos sasabihin n'on, "Alam mo bang mapapahamak ka diyan sa ginagawa mo?" Pustahan tayo, 'yun ang sasabihin ng isang 'yon. Basang-basa ko na talaga 'yan si Tayler. Bahala na talaga si Batman. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ko sa mall. Nakababa na 'ko ng Jeep. Dapat pala nagdala ako ng payong. Sobrang init talaga! Pwede ka na ngang magprito ng itlog eh, charot. Pumasok na agad ko sa loob ng mall. Sarap ng aircon shet! Gusto kong magikot-ikot kaso nandito lang ako para kunin yung ibinilin sa 'kin ni Ma'am Andi.
Tinignan ko sa relos ko kung anong oras na."Matagal pa..."sabi ko sa sarili ko. Bigla na lang akong may nabangga."Ay sor—"hihingi na sana ako ng tawad nang bigla akong mapatigil dahil sa taong nakabangga ko."Oh, Yuna anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.
"Namamasyal lang, ikaw ba?"sagot niya naman at tinanong niya rin ako.
Mukha namang wala siyang kasama."Ah may pinapakuha lang sa 'kin yung boss ko."sagot ko sa kanya.
"Samahan kita, gusto mo?"– Yuna.
"Na 'ko hindi na. Maiistorbo lang kita."pagtanggi ko.
Bigla na lang siyang kumapit sa braso ko."Please....? Tsaka pauwi na rin naman ako. Nakakatamad lang kasi wala akong kasama today. Kaya sige na Maxineeee~"pamimilit niya pa.
Napabuntong-hininga na lang tuloy ako. Hindi talaga ako makatiis sa isang 'to."Oh sige."pagpayag ko sa kanya."Sigurado kana diyan ah?"sabi ko na tinanguan niya na lang. Naglakad naman na kami habang nakasabit pa rin siya sa braso ko. Bigla namang may pumasok sa isip ko."Ahm Yuna may itatanong lang ako. Pwede ba?"ani ko.
"Sure. What is it?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako magsalita."Ah eh kasi ano... Gusto ko sanang itanong ulit yung naudlot na tanong ko sayo n'on. Naalala mo ba nung tinanong kita kung may nunal si Levi sa likod ng tenga niya? Hindi mo nasagot 'yon 'di ba kasi dumating siya? Tapos nung tinanong niya tayo kung ano yung pinaguusapan natin, nagsinungaling ako 'di ba?"tumango na lang siya sa mga sinabi kong 'yon."Sandali lang ah? Nandito na tayo eh. Kunin ko lang muna yung bag. Saglit lang 'to. Dito ka na lang sa labas ah?"sabi ko sa kanya sabay pumasok na 'ko sa loob ng store. Agad akong dumeretso sa nagbabantay."Ahm Ms? kayo po ba si Ms. Jentro?"tanong ko dito sa babaeng mahaba ang buhok.
"If i am not mistaken, you're Maxine right?"aniya na tinanguan ko na lang."Wait a minute..."bigla naman siyang may kinuha sa ilalim. Hindi naman nagtagal ay natapos na siya sa ginagawa niya."Here."sabi niya habang hawak yung bag.
'Yon na siguro yung tinutukoy ni Ma'am Andi. Agad ko naman 'yon na kinuha pagkatapos ay lumabas na agad ako ng store."Wow nice bag."bungad sa 'kin ni Yuna habang manghang nakatingin sa bag na hawak ko.
"Tara na."aya ko sa kanya sabay naglakad na kami."Mabalik tayo sa tanong ko hehe. So 'yun na nga... May nunal ba talaga si Levi sa likod ng tenga niya? Sure akong alam mo 'yon kasi magkaibigan kayo 'di ba?"sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...