CHAPTER 230

289 15 0
                                    

Tayler's POV

Nandito pa rin kami sa gubat. Hindi kami makalagpas sa mga kulugong 'to. Parang hindi sila nauubos! Damn it... Habang patagal 'to ng patagal, lalo akong nagaalala kay Maxine. Madami na kaming napatumba habang kami, ilang beses ng nadaplisan ng bala ng baril. Sigurado akong tumatalo na sa tuwa yung taong 'yon ngayon. Sinadya niya sigurong dakpin sina Maxine ngayon dahil alam niyang may injured kami ni Liam. Kung gan'on, matalino din pala siya. Hinding-hindi ko siya tatantanan hangga't hindi ko nababawi si Maxine. Nagpapalitan pa rin kami ng putok dito. Medyo natatakot at nahihirapan pa sina Vizier pero ramdam ko naman na desidido siyang iligtas ang kapatid niya.

May napapansin ako kay Vizier. Parang may masakit sa pang-upo niya (pwet) Hindi ko alam kung ano pero hindi ako interesado na alamin pa 'yon. Mas ipagtutuon ko na lang yung pansin ko dito sa mga kalaban naming hindi nauubos. Hindi ko inaasahan na mas marami pala ang mga alaga niya. Ibang klase. Kahit medyo nanghihina na ang katawan ko, pinipilit ko na lang dahil gusto kong iligtas si Maxine. Naubos na nga ang bala ng mga baril namin kaya kinukuha na lang namin yung mga baril ng mga napatay namin. Medyo napapagod na kami dahil kaninang umaga pa kami nakikipagbakbakan. Sa mukha ni Liam, mahahalata mo na.

Si Justine mukhang kaya pa, sina Damon, Vizier kinakaya pa at ako? Hangga't hindi ako nawawalan ng pag-asa na mailigtas si Maxine, hinding-hindi ako mapapagod. Kahit may isa pa siyang army, makikipagbakbakan pa rin ako. Ang hinihiling ko lang na hindi mangyari ay yung masagad ang pasensya at galit ko. They won't want me to go to my limit dahil kapag nangyari 'yon, mawawalan na naman ako ng kontrol sa sarili ko. Ayokong mangyari ulit 'yon dahil baka makasakit na naman ako ng hindi ko namamalayan. Sinusubukan ko naman na hindi mangyari 'yon. Susubukan ko sanang bumaril ulit pero mukhang nawalan na naman ng bala 'tong baril ko.

"Bwisit."sabi ko na lang sa sarili ko.

"Tayler!"tawag sa 'kin ni Vizier. Napalingon tuloy ako sa pinagtataguan nila ni Damon. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanila. Agad ko naman silang nilapitan dahil tumigil saglit sa pagpapaputok yung bumabaril sa 'kin."May bahay kaming nakita doon ni Damon. Sa tingin namin nandoon sina Maxine."aniya.

"Punatahan na natin."suhestyo ko naman."Justine!"tawag ko kay Justine. Magpapaputok sana siya ng baril kaso napatigil siya nang tawagin ko siya. Sinenyasan ko siya na sumunod na lang sila. Nang ma-gets niya ay binalingan ko ulit sina Vizier."Tara na."aya ko pa sa kanila.

Naglakad na sila. Susundan ko na sana sila pero napatigil ako nang may matapakan ako. Isang baril. Pinulot ko 'yon at tinignan ko kung may bala. Meron pa. Buti naman. Matapos n'on ay hinabol ko na sina Vizier. Nakita kong may babaril sa 'min kaya hinatak ko silang dalawa at nagtago kami dito sa may puno. Nang matigil sa pagputok yung taong 'yon, ako naman ang nagpaputok. Sa isang putok lang ay natamaan ko siya. Napangiti naman ako d'on. Sinenyasan ko sina Vizier na magpatuloy na. Mas mahirap pa pala 'to kesa doon sa may squatter area na pinuntahan namin kanina. Bigla namang tumigil sina Vizier sa pagtakbo.

Nagtago kami dito sa isa pang puno. Sa 'di kalayuan, may natatanaw akong malaking bahay."Yan yung nakita namin. Pasukin na ba natin?"si Damon ang nagsalita.

"Damon, mauna ka. Sa likod niyo lang ako."

Nagtanguan na lang sila sa sinabi kong 'yon bilang pagsang-ayon. Bigla naman akong napaluhod dahil kumirot yung sugat sa binti ko."Ayos ka lang ba?"tanong sa 'kin ni Damon. Hindi ako nakasagot agad dahil tinitiis ko yung sakit."Kung 'wag ka na lang kayang sumama sa 'min ni Vizier. Sa tingin ko naman maliligtas namin sina Maxine. Nanghihina ka na Tayler. Lalo lang magaalala sayo si Maxine."

Parang nagising ang diwa ko nang marinig ko 'yon na sinabi ni Damon."No."pagtanggi ko."I will save her whatever happens."hingal na sabi ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon