"Let's go wifey!" niya sabay hawak sa kamay ko. Wifey daw? Ano? Para akong nabingi sa sinabi niya. "Wifey mo mukha mo!" Inis na sabi ko sa kanya sinubukan ko pang agawin ang kamay ko pero sobrang higpit nito habang nag swing-swing effect yung mga kamay namin. Tumawa siya tapos pinisil ang pisngi ko. "Syempre asawa kita, kaya tawag mo sa akin Hubby." nakangiting sabi niya sa akin.
"Ew! Nakakadiri ka!" Nag-act ako na parang nasusuka. Hindi bagay sa akin tawaging siyang ganon. "Ayaw mo? Bahala ka sa buhay mo." parang nagtatapong sabi niya sa akin. Seriously? What's wrong with this guy? May bipolar disorder ba ito at kung magshift ng mood ay akala mo eh parang switch lang ng ilaw.
Sasabat pa sana ako nang bigla kaming sinalubong ng Family namin. Nagulat ako kasi kumpleto, sa totoo lang nasabik ako, kasi once in a month lang kami nagkakaroon ng time together with my family, they were always busy. Busy sa company, at lagi akong naiiwan mag-isa together with my yaya, that's one of the reason kaya ko napag-isipan kong nagsarili ng condo. Ang laki ng bahay para sa akin. Though, I know na they love me. They do love me, at lagi nilang sinasabi na ginagawa nila iyon para sa akin. Sometimes I wonder how it feels to be poor, I mean, nakikita ko sa ibang story na paminsan mas masaya pang mahirap ka, kasi kahit walang pera may pamilya ka. I wonder how it feels to feel that so called "love" from my parents. Nagalit ako sa kanila pero nang nalaman ko ang sekreto nang yaya ko tungkol sa kanila para bang biglang lumambot ang puso ko. May dahilan sila.
Nandito din si Kuya Paul, ang kuya ni Nathan. Pinakilala sa akin ni Tita si Kuya Paul. Ang gwapo niya. kung pwede siya na lang pinakasalan ko eh, sana siya na lang! Mukha pang mabait! Hindi katulad nitong lalaking katabi ko! May sungay! Invisible na sungay!
"Hoy, wag ka ngang ganyan! Matutunaw kuya ko eh. Taken na 'yan." napangiwi naman ako sa bulong ni Nathan sakin. Pfft. "Care mo ba?" Inirapan ko sya. Umiling lang siya at sinabing "Sa akin ka kasi." sabay wink. Gusto ko talaga sumuka sa pinagsasabi nya. Ewan ko ba kung bakit madaming nahuhulog dyan, eh mas gwapo naman si R- Hay. Bakit ko nanaman siya naalala. "Hulog kita sa bangil eh. gusto mo?" inirapan ko sya. Itinuon ko ulit ang pansin kokila Mom na kausap sila Kuya Paul.
"Ayoko, gusto ko mahulog sayo." Nag-pout siya tapos tumingin sa akin. Ay Leche! "Ay. Feelingero kang palaka." Tumawa siya tapos nakatingin samin yung magulang namin. Yung tingin na nakakaloko. Problema ng mga 'to
"Halika na, Let's eat." sabi ni Tito, lahat kami ay pumunta kagad sa dinning room. Habang nakain kami bigla na lang nagsalita si Kuya Paul. "Ang daya naman Nate, naunahan mo pa ako magpakasal."
"Syempre, sa gwapo ko ba naman na ito eh." nag-pogi sign pa si Nathan sa Kuya niya. Ew. Mahangin! Tapos nagtawanan sila "Joke lang." sabi ni Nathan. Gusto ko sanang sumabat pero buti naman at sinabi niya 'yon.
"Oo nga pala, Paul, kalian ba gagawin yung Engagement party niyo ni Samantha?" tanung ni Mommy. "Tita, I'm planning to do it next week. Baka bukas meron na kayong invitation card." Sabi ni Fafa Paul na nakangiti, mukhang masaya siya.
"Excited na ako makita si Samantha" sabi ni Tita. Napatingin ako kay Nathan parang ang sama ng aura niya at bigla siyang tumahimik. Anong meron? Gusto ko sana siya tanungin pero baka mang asar nanaman siya kaya isinang walang bahala ko nalang ito.
"Nathan, Angeline. Wala ba kayong balak tumira sa iisang bahay? I mean you guys are already married. And I think it's time for you two to live in one house." sabi ni Tito. No way! "WHAT?!" gulat at sabay naming sinabi. "What's wrong with that?" Napakunot ang mga noo nila habang nakatingin sa amin. Agad naman kaming nagkatinginan ni Nathan.
"Ah, Tita, kasi po-" sasagot na sana ako kaso sumabat itong si Nathan. "Walang problema Mom." sabi ni Nathan at kumain ulit. Hala. Walang problema? May problema kaya! May problema! Napangiwi akong iniisip palang na makakasama ko siya sa loob ng isang bahay.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...