Chapter 12

5.8K 129 7
                                    

Matagal tagal bago ako umalis sa pagkakapatong ng ulo ko sa balikat ni Nathan nang nakarinig ako ng isang malakas na tunog, siguro ito ang ringtone ng phone niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya, "Di mo ba sasagutin yan?" Tanong ko sa kanya habang siya naman nakatingin lang sa kalangitan at para bang walang pakialam sa naririnig niya. Ilang sandali huminto ang pag ring ng phone niya at maya maya ay muling tumunog ito. Baka naman importante iyon? Kasi kanina  Nako naman itong malanding lalaking ito!

"Nah. Mangungulit lang naman 'yan. Kung sino man siya." Mayabang na sabi niya. Toinks. Kapal ng mukha akala mo naman napakagwapo. Well.... gwapo siya pero syempre mas gwapo si Jerome! Syempre mas gwapo si Jerome para sa akin! Sarap i-ngudngod lahat ng mga babaero. Bakit nauso sila Ms. Author? Bakit sa mga story laging may babaero? Napakunot noo niya at bumaling sa akin. "Problema mo?"

"Sagutin mo yan baka importante. Paano ka nakakasiguradong isa yan sa mga babae mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tinitigan niya lang ako saka kinuha ang phone niya mula sa kanyang bulsa.  "Fine." Napakunot siya ng noo ng nakita niya kung sino ang tumawag sa kanya. 

Suminghap siya bago niya sinagot ang tawag, "Oh? Ba't ka tumawag? Ayoko na sayo. Break na tayo. Bakit? Boring ka. Wag na wag ka na tatawag ulit. Bye." Sabay baba ng kanyang phone. Napa-nganga ako sa kanyang ginawa. Ganoon lang iyon? Ganyan lang ba para sa kanya kadali makipagbreak sa babae niya? Siguro nga ganun lang, kasi alam naman natin lahat na ang mga babae niya ay puso laro nalang sa kanya. Girls are just toys. No feelings involve.

"G-Ganun na lang iyon?" Nanlaki mata ko habang tinatanong ko siya. Grabe pala itong lalaking 'to. Ngumisi siya sa akin at tumango.

"Ha? Oo. Mapilit eh. Ayoko na nga patuloy parin ang pangungulit sa akin." Inaantok na sinabi niya. Parang bigla kumulo ang dugo ko, sa sinasabi niya parang naalala ko sarili ko kung paano kong pilitin ang sarili ko ngayon kay Jerome. Kung gaano ko kamahal si Rome, ganun ganun lang si Nathan kung magtapon ng babae. Parang tissue lang. Pagka-gamit, tatapon na kasi wala nang silbi.

"Bakit ka ba ganyan? Pag ikaw nagmahal paniguradong kawawa ka! Napaka sama mo! Kakarmahin ka nyan sa lahat nang pinaggagawa mo. Siguro kaya ka ganyan kasi iniwan ka ng taong mahal mo! Buti nga may nagammahal pa sayo eh. Buti meron pang babaeng nandyan para sayo, siguro kung ako sila pinagpalit na kita sa lalaking matino." Nanggagalaiti kong sinabi sa kanya. Biglang nagbago expression niya. Na para bang natamaan sya sa mga sinasabi ko. Naging blanko ang expression niya at nawala ang pagkalaro ng mata niya.

"Wala kang alam." Madiin na sabi niya sa akin saka tumayo siya at naglakad pabalik sa sasakyan.

Bigla akong naguilty. Tama naman sinabi ko diba? Baka kaya naging ganyan sya kasi may nangyaring masama sa kanya. At kung patuloy siyang magiging ganyan baka iwan siya ng taong nagmamahal sa kanya. Kaya ako, kung sakali man, ay hindi ako magkakagusto sa taong kagaya niya. Sasaktan niya lang ako. Kapag nahulog ka paniguraduhing di ka sasaluhin.

"Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan? Bilisan mo. Umuwi na tayo." Malamig na sabi niya. Kinilabutan ako. Galit ba siya?

Nang makauwi kami sa bahay, diretso siya sa kanyang kwarto at padabog itong sinara. Mukhang galit nga siya. Ano ba dapat kong gawin? Argh. Bakit ang bipolar kasi nun eh. Baka naman kasi sobra na ang nasabi ko? Hay ano ba yan, problema nanaman!

Iniisip ko kung anong gagawin ko para mapatawad niya ako nang biglang nagring ang phone ko at nakita kong tumawag si Mommy. Bakit kaya siya napatawag sa akin? Ano kayang meron?

"Mommy, bakit po kayo napatawag?" tanong ko sa kanya habang nasa kusina ako at tinitignan ang laman ng refrigerator namin, kasi naisip kong paglutuan nalang kaya si Nathan para hindi uminit ang ulo niya sa akin. Kasi naman kanina nga dinala niya ako sa magandang lugar pero sinira ko lang iyon dahil sa sinabi ko. Di ko naman kasi mapigilan natamaan din naman ako sa sinabi niya. Kakagaling ko lang sa heartbreak tapos narinig ko iyon. Hay.

(Hija, maghanda kayo kasi may dinner mamayang 8pm sa Hotel ng mga Lopez. Pakisabi na din kay Nathan kasi di daw siya macontact ni bff.) Sabi naman niya sa akin. Muntik na ako matawa sa narinig ko. Grabe, bff na sila ngayon ni Mama. Pasalamat 'tong si mommy may rpoblema ako ngayon, kung hindi babarahin ko ito. Joke lang syempre!

"Okay po. Bihis lang ako." agad kong sinabi sa kanya, sayang naman! Ipagluluto ko pa naman sana siya. Siguro bukas ko nalang iyon gagawin.

(Sure. Bilisan nyo ah. anong oras na oh.)

"Opo. Bye." nang ibinaba ko ang phone ko napabuntong hininga ako. Paano ko kakausapin si Nathan? Mukhang badtrip sa akin.

Nagdesisyon akong katukin ang pintuan sa kwarto niya. Nagpasalamat naman ako nang binuksan niya ito. Tinaasan niya ako ng kilay habang hinihintay sasabihin ko.

"Ano. Kasi. Ano.. Bale. Ano." Napakamot ako ng ulo. Naapakunot ang noo niya at agad na tinanong, "May kuto ka ba? Ano bang sasabihin mo?" naiinip na ata siya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako dahil badtrip parin siya sa akin.

"Wala akong kuto 'no! Punta daw tayo sa hotel nyo. May family dinner daw." Mabilis na sabi ko sa kanya habang nakatingin sa baba dahil ayaw ko siyang tignan sa mata.

"Okay. Magbibihis lang ako." Sabay sarado ng pinto. aba. Sinarhan ako.

Pumunta ako sa kwarto upang maghanap ng damit na masusuot. Ano kayang maganda? Bakit ba akong nag-iisip kung anong susuotin? Eh Dinner lang naman ion eh. Pumili nalang ako nang simple pink dress at nagdoll shoes. Di na ako masyado nag ayos kasi family dinner lang naman ito.

Nanglumabas ako nakita kong hinihintay na lang ako ni Nathan. Naka polo siyang itim agad na tumayo siya at lumabas na ng condo.

Bumuntong hininga nalang ako at saka siya Sinundan. Tahimik ang buong byahe namin papuntang Hotel kasi nga wala siyang imik. Tuwing Kakausapin ko siya ang sagot lang niya sa akin ay 'Oo o Hindi' 'Okay' 'Wala' mga ganun. Nakakabobo siyang kausap. Kaya tumahimik nalang ako at itinuon ang buong atensyon ko sa kalsada.

Pagkadating namin sa venue nakita kong nakaupo na sila at mukhang masayang nakikipag usap kay Kuya Paul at dun sa babaeng kasama niya. Naramdaman kong huminto ng paglalakad si Nathan na para bang ayaw na niyang tumuloy. Nakita ko ang pag yukom ng kanyang kamao. Bakit kaya?


I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon