Chapter 15

5.2K 128 9
                                    

Nagkatitigan kami ni Jerome. Ang Jerome ko... Walang sabi sabi tumakbo ako palabas ng Cafeteria para mapuntahan siya. Para mapuntahan ang taong mahal ko.


"Angie! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Daniel, hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pagtakbo papunta kay Jerome. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong sabihin ang totoo sa kanya. GUsto kong magsorry sa lahat ng ginawa ko. Gusto ko siyang... mayakap. Naalala ko ang lungkot sa mukha niya, yung lungkot na nakita ko nung nagmakaawa siya sa akin. Kung paano siya lumuhod sa akin, ganoong lungkot ang nakita ko sa mata niya. Hindi kaya ito na ang tamang oras para malaman niya ang totoo? Bahala na kung itakwil niya ako o hindi ako pakinggan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapatawad niya ako.  


Nakita ko siyang nagsisimula nang maglakad kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para maabutan siya. Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang kanyang braso kaya napatigil siya. "J-Jerome..." hingal na tawag ko sa kanya. Agad siyang lumingon at nakita ko yung mata niyang napaka-lungkot. Pagod at lungkot ang tanging nakikita ko sa kanya. Mag sasalita na sana ako nang nakita ko kung paano niya pinikit ang mga mata niya. He looks so frustrated. But... why? Nakatayo lang kami sa labas ng Cafeteria, nang magkaharap sa isa't isa. Tahimik siyang nakatingin sa akin kaya naman ay napatungo na lang ako. 


"Bakit... Bakit hindi mo sa akin sinabi, Line?" Tanong nyang punong puno ng hinanakit at hinagpis. May alam ba siya? Parang gusto kong umiyak. Ayokong masaktan siya dahil sa akin. Ang makitang masaktan siya ay parang dobleng sakit para sa akin. Unti unting tumulo ang luha ko nang nakita ko siyang umiiyak na sa harap ko. Ang mahal ko... Umiiyak nanaman dahil sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit  at niyakap niya din ako. Ni hindi kong lubusan maisip na ang malakas na Jerome ay iiyak dahil sa akin. Hindi ko kaya.


Hindi ko alam kung ilang minuto kami magkayakap ng ganto, hanggang sa nagsalita siya "Line..." Alam ko ito na ang tamang oras para mag-usap kami. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras para makausap siya at hinila ko siya paupo sa bench, buti nalang nandito kami sa likod ng school. Walang tao, paniguradong marami na ang nasa class ngayon.


"Jerome, I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat." Naiiyak kong saad sa kanya. Kasalanan ko talaga ang lahat. Kung sana pinaglaban ko siya, kung sana di ako umalis ng bahay, kung sana hindi ako uminom, kung sana.... Hindi ako nagpakasal edi sana masaya parin ako kapiling siya... Umiling iling siya sa akin. "No..." mahinang saad niya.


Hinawakan niya ang pisngi ko, na para bang kinukulong niya ako at hinalikan ako sa labi. Isang halik na punong puno ng emosyon. Hindi ko mapigilan tumugon. Hinalikan ko siya ng buong buo. Halik na nagsasabing mahal na mahal ko parin siya. Tumigil lang kami ng parehas kaming kinapos na ng hangin.


Pinagdikit niya ang mga noo namin at sinabing... "Please come back to me? I can't hold it anymore. I can't let you go. Please?" Gusto ko nanamang maiyak. Ang mahal ko mahal parin ako. "Jerome..." nanginginig na tawag ko sa kanya. Ang bata pa namin para maranasan lahat ng ito. Ni hindi ko inexpect ang ganitong pangyayari sa amin. We may be young but my feelings for him is true.


"Wala akong pakialam kung asawa mo siya. Kung kasal na kayo. Please? I still love you. I can't live without you, line." Hinalikan niya ako ng saglit. "Please, baby?" pagmamaka-awa niya sa akin.


Unti-unti akong tumango. Tumango na para bang tama siya. Bahala na. Ayokong pakawalan si Jerome. Siya ang mahal ko. At hanggang mahal niya ako, hindi ko siya bibitawan. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "I love you."


"I love you too." Nginitian ko siya pabalik.


Hindi na kami pumasok sa mga class namin sa halip nag usap kami ng kung ano anong nangyari pagkatapos naming maghiwalay. Na-ikwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari at unti unti naman niyang naintindihan ito. Para bang parehas kami sabik sa isa't isa. Malungkot siya pero sabi niya sa akin, ang importante mahal namin ang isa't isa. Ang importante daw ay mahal ko pa din daw siya. Kung tutuusin pwede na niya akong iwan. Na bakit ba kailangan niya manatili sa akin eh pwede naman siya maghanap ng iba na alam kong walang sabit.


"Rome, paano mo pala nalaman yung nangyari sa akin?" Tinanong ko sya habang pinaglalaruan niya daliri ko. "Ah, narinig ko usapan nila Hana. Nung... Araw na hindi ka pumasok..." Napasinghap siya. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ka lalapitan kaya sinusundan kita patago. Hanggang sa nakita mo ako kanina." tumungo siya sa akin at hinawakan ko ang kamay niya. 


"Sorry ah? Kasalanan ko talaga lahat ng ito." Malungkot na sabi ko sa kanya. 


"No, baby. Hindi mo kasalanan. Naiintindihan ko. Tanggap ko, kahit papaano. Ang sakit lang isipin na may ibang lalaking nakahawak---- fuck." Napapikit siya. Agad ko siyang niyakap. Nagsisisi ako. Malaking pagkakamali talaga ang pinaggagawa ko. Pero... Di ko kayang pigilan. Hinding hindi ko pagsisisihan ito.






        

       

          

     

-----

A/N: Okay share ko lang HAHAHAHA. Natutuwa talaga ako, last time na check ko at pang #800+ (not sure kasi nakalimutan ko exact) itong story na ito sa General Fiction tapos kanina nakita ko na pang #367 na siya. WIEEEEE! HAHAHAHAHAHAH. Okay share lang! 


P.S. Short update here! Hihi.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon