"W-what?" Halos pabulong kong tanong sa kanya. Nakita ko kung paano niya ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata. Hindi ba dapat ay magalit na ako ngayon sa kanya? All this time, niloloko niya kami, dahil sa pagiging selfish niya. Pero hindi ko magawa. She kept on crying na para bang takot siya pero gusto niya sabihin ang totoo sa akin. She held my hand.
"I was... Raped." Nanghihinang sinabi niya sa akin na nagpalaki ng aking mga mata at nagpabilis ng tibok ng akin puso. She was raped?!
"When Paul and I broke up, nung nalaman niya ang totoo sa amin ni Nathan, I was so depressed. Kaya itinuon ko ang oras ko sa trabaho, what happened next ay isa sa mga investors ko ay sinet up ako. Malaki din ang stocks niya sa company namin. Hindi ko alam na may hinalo siya sa drink ko, at sinabi niya sa akin na kapag nagsumbong ako ay pababagsakin niya ang company ko. Iyon lang ang meron ako, ang company ko lang ang tanging bagay na natira sa akin, pinaghirapan ko iyon without the help of my parents. Ni isang beses ay hindi ako humingi ng tulong mula sa kanila, kasi kahit anong gawin ko ay wala silang pakialam sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko nung nalaman kong buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko susuportahan ang baby na ito. Paano ko siya aalagaan kung never ko pang naexperience ito. Ayokong maging unwanted ang anak ko katulad ng naramdaman ko. So then I thought, I needed Nathan. Kasi minahal na niya ako, na kapag pinilit ko ang sarili ko sa kanya ay mamahalin niya akong muli. Siya lang ang pag asa ko. Masyado kong nasaktan si Paul at alam kong hindi na siya babalik sa akin. He hated me. He left me alone, kahit alam kong kasalanan ko." Hinawakan niya ng mahigpit ang akin kamay.
I remained silent, I was so stocked. Sobra ang napag daanan ni Samantha, "I know you hated me, lahat kayo galit sa akin, but I want to tell you that I am deeply sorry for what I have done. Hindi ko gusto itong nangyayari sa akin. I am just... Scared of what will happen to me and my baby. Sorry, Angeline. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako kagad."
Umiling ako saka siya niyakap, suminghap siya at narinig ko ang paghagulgol niya sa aking balikat. I should hate her, but I can't.
"Everything will be fine. I will help you. We will help you." Mahinang sinabi ko sa kanya. Bumitaw siya mula sa pagyakap niya sa akin at ngumiti ng tipid. "No, Angeline. Wag mo akong tulungan. Hindi ko deserve ang tulong mo, ninyo."
"Hindi Samantha! Hindi pwedeng wala kang gawin sa lalaking gumawa n'yan sa'yo!"
"Angeline, natatakot ako! Hindi ko kayang ipaglaban ito, kasi madaming mawawala sa akin! Ito nalang ang meron ako." Umiling ako sa kanya. Nakita kong nanglaki ang mga mata niya ng napatingin mula sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Kuya Paul at Nathan! Nakatiim ang kanilang mga bagang.
"You were... What?" Malamig na tanong ni Nathan. Nanatili ang tingin ko sa kanya habang humahakbang siya papalapit sa akin. Nakita ko ang galit mula sa kanyang mga mata. Agad niyang hinawakan ang isang braso ni Samantha ng mahigpit. Alam kong nasasaktan si Samantha kaya hinawakan ko ang kamay ni Nathan. "Stay out of this Sof!" Galit na sinabi niya habang nakatingin parin kay Samnatha.
"All this time you were fooling me! Halos masira mo ang relasyon namin nj Angeline! And then what?! That child you're carrying is not my baby?!" Sigaw niya kay Samantha. Muling tumulo ang mga luha ni Samantha. Agad kong niyakap si Samantha at hinarang ang sarili ko para mabitawan ni Nathan si Samantha.
"Nathan! Can you please stop it?!" Inis kong sabi sa kanya. He gaped at me. Na para bang nagulat siyang kinakampihan ko ang babaeng sumisira ng relation namin, pero mahina si Samantha ngayon. Buntis siya! At malaking problema ang meron siya.
"She may almost ruin our relationship but can you please understand what's happening to her? Just for now please?" Huminga siya ng malalim at saka tumango. Nanghihinang umupo siya habang nakita ko naman si Kuya Paul na papalapit sa amin, sa ganitong situation pa talaga nagpakita si Kuya Paul, I knew they both heard what happened to Samantha. Nakita ko sa kanyang mga mata na naaawa siya kay Samantha.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...