Siya nga yung gusto ni Hana! Nako! Maiinggit si Hana pag nalaman niya ito. Makwento nga sa kanya bukas. "Tss. What the hell are you looking at?" Masungit na tanong niya sa akin at inirapan ako. Napanguso ako. Ang sungit naman nito!
"Sungit! Hmp! Dyan ka na nga!" inirapan ko din siya sabay talikod sa kanya para maglakad paalis dito sa eskinita, grabe naman 'to, dinaig pa ako sa pagiging masungit. May PMS ata. Nanghingi lang naman ako ng tulong! Saka ayaw niya yun! Dapat nga proud siya sa sarili niya kasi nakaya niyang pagtanggol si kuyang Nerd at napatumba niya ang lahat. "Hey! Wait." Narinig ko ang mabilis na yabag papunta sa akin, tumakbo siya hanggang sa magkatapat kami. "You forgot something."
"Ano naman yun?' Tanong ko sa kanya. "Where's your 'thanks'?" tanong niya sa akin. Nagthank you na kaya sa kanya si Kuya. Hindi nmaan ako yung sinagip niya para magthank you eh! "Di na uso yun. Sige. Bye!" Nagmamadaling sabi ko sa kanya. Agad akong napatingin sa relos ko. Maguumpisa na yung dramang inaabangan ko.
Kinabukasan, inis na kinamot ko ang ulo ko. Kainis? nakalimutan ko pala gawin yung para sa research study ko. Bakit naman kasi nakatulog ako kagad? Hustisya naman! Kaya eto ako ngayon pumuntang library. Ayoko dito. Masyado masakit sa ulo. Hinahanap ko yung libro na pwede kong idagdag sa references ko, sabi kasi ni Prof. Luz kailangan ko pa mag dagdag ng references kasi kulang. Madami din kasi siyang nireject. Napahilamos ako ng mukha. Bakit kasi nauso angresearch study pa? Tapos pagdating sa higher year may Thesis pa? Hinagilap ko lahat ng librong pwede ko idagdag sa research study ko at sinummarize ito. Sa pagkakatanda ko, may sinabing libro si Prof. na pwedeng makatilong sa thesis ko, more like thesis paper din ito . halos parehas sa study ko, yun nga lang sa akin ay Philippine seting at isa pa iba ang gagamitin kong instrument sa study ko. Nang natapos ko copyahin ang mga kailangan ko ay agad kong hinanap yung research study na sinabi sa akin ni Prof. Luz. Buti nalang ka-vibes ko yun at tinutulungan pa ako. Nang nakita ko ito nakita ko na lang na may mabilis na kamay na kumuha nito. Oh! No no! Nang naglakad siya ay agad ko siyang sinundan, umupo siya sa may dulo ng library kaya naman nilapitan ko siya. Ayos! Mag isa lang! Nakatungo siyang binabasa ang libro na kailangan ko kaya hindi ko masyado naaninag ang mukha nila. "Kuya. Pahiram naman muna yan oh. Parang awa mo na."
Tumingin siya sa akin at nanglaki ang mata ko nang nakita ko ang lalaking gray ang mata "IKAW?" Parehas naming sabi. Taga dito pala siya! Siguro kaya siya kilala ni Hana! "Uy. Pahiram naman nyan." Kalabit ko sa kanya.
"No." pinagpatuloy niya ang pagbabasa niya na para ba wala ako sa harapan niya. "Why?" Tanong ko naman sa kanya. Inirapan niya ako at sinabing, "Because you're ugly. And a disrespectful person."
"Ako?! Ugly? Wow ha. Nahiya naman ako sa itsura mo." tinaasan ko siya ng kilay. Panget daw ako? Huhu. Sumbong ko siya sa nanay ko! Sabi kaya ni Mommy maganda ako!
"Yes. You're ugly. Very ugly."
"Ewan ko sayo! Peram sabi nyang libro. Pag ako bumaksak!" banta ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Napanguso nalang nanaman ako, ang hirap namang suyuin itong lalaking 'to. Daig ko pa nangliligaw. "I don't effin care." Effin effin nyenye!
Wah! Hindi pwede 'to. Malapit na mag time oh! Sa pagkaka tanda ko ay wala na daw available na ganung libro. Pano na yun? Dahil desperada ako ay nilapitan ko lalo siya. Aba! This is a free country. You can do whatever you want. "Uy. Peram naman nyan. Saglit lang talaga. Please?" with matching paawa effect pero tinignan niya lang ako. Hindi ata effective charms ko. Ngumiwi ako. Ano bang gaswin ko? Wag nalang kaya ako magpasa ng reference na yan? Pwede naman siguro yun. Di naman ako madededuct-an ng grades diba? Hay nako naman!
"Ano ba naman yan! Peram na kasi di ko naman nanakawin yan eh! Wag mag alala isasauli ko kagad sayo yan!" tapos pinagsama yung kamay yung tipong parang nagdadasal. Ganun ginawa ko. "What if I say, I don't want?"
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...