Chapter 2

12.6K 218 5
                                    

Parang biglang sumakit ang ulo ko sa naririnig ko. Oh Gosh. Please don't tell me this is happening! Sa loob ng isang araw halos nawala ang lahat sa akin, ang pangarap ko, pagkababae ko at ang taong mahal ko. Naisip ko yun parang naiiyak naman ako. Kasi parang ang laki kong tanga, sa dinami dami pa ng lalaki siya pa? Bakit siya pa? Hindi ko talaga alam kung minamalas ba talaga ako, o nung nakaraang buhay ko may nagawa akong masama?

Tumingin siya sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Naalala ko nanaman yung sinabi niya sa akin. Ha! Umigting ang panga niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. At aba! Tinaasan din ako ng kilay. Ang kapal talaga nang mukha niya. Di ko alam kung paanong nangyari na sa dinami-dami ng tao sa loob ng bar eh siya pa yung nakasama ko.

"Siguro kaya kayo nagpakasal kasi nalaman ninyo na ipapakasal kayo sa iba. Dapat matagal na ninyo samin sinabi na kayo. Edi sana nasabi naming na kayo ang ipapakasal naming sa isa't-isa." Sabi ni Tita, yung mama ni Nathan. Itinuon ko ang pansin ko sa pagkain. Alam nila Mom na may gusto ako sa iba. Alam nila ni Dad. Alam nila. Nangingilid nanaman ang mga luha sa aking mata. Angie, wag kang umiyak. Wag kang umiyak. Di ka pwede umiyak. Para ito kila Mom. Nakita kong napatingin sa akin si Mommy, nakita ko ang panandaliang lungkot sa mata niya. Pero bakit naman siya malulungkot? DIba dapat masaya siya? Kasi natuloy ang plano nila. Ang plano nilang hiwalayan ko 'siya' at magpakasal sa ibang lalaki.

"Gusto naming magkaroon kayo ng Church wedding hindi sa City hall lang." Sabi ni Tito. Tumikhim si Nathan at sinabing, "Dad, look, I'm really sorry. Pero pwede bang wag nating madaliin ito? Nag aaral pa kami, mahirap na pag nalaman oa ng iba, ma-iiskandalo pa kayo." Napatango ako sa sinabi niya. Panandaliang natigilan sila sa sinabi ni Nathan. At mukhang sumang-ayon naman ito sa kanya.

"FLASHBACK*

"Friend, Punta tayong bar!" Sabi ko sa kanila. Kailangan ko mailabas ang lahat ng sama ng damdamin ko. Parang sa isang iglap lahat nang masasayang parte sa buhay ko ay biglang naglaho, naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mata. They want me to be miserable, right? They don't want me to be happy. Sabi nila para sa ikabubuti ko ito. No, para ito sa ikabubuti nila.

"Bakla, wag ka nang umiyak, okay?" Tanong ni Josh at hinawakan ang pisngi ko para punasan ang luhang tumutulo rito. Tumango na lang ako at sinabing "Sige na, mag party na kayo. Doon lang ako." sabay turo sa may bartender. Ilang saglit....Talagang iniwan nga ako. Ni hindi man lang ako pinanood bago umalis. Mga walanghiyang kaibigan. Walang konsiderasyon. Natatawang umiiling nalang ako. Kahit ganito sila, mahal ko ang mga iyon. At alam ko kung gaano sila nag-aalala sa akin.

"Welcome po miss, Can I have your order?" tanong agad sa akin ng bartender. Umupo kagad ako sa may counter and said "One Tequila" agad kong ininom ito nang pagkaabot na pagkaabot nito sa akin. Ni hindi ko namalayan kung gaano kadami na ang ininom ko. Basta ang gusto ko lang ay makalimutan ang lahat. Makalimutan ang lahat ng sakit.

"Miss, I think you are drunk." Sabi nung lalaking katabi ko. Agad ko siyang nilingon at kumunot ang noo ko nang nakita ko kung sino ang lalaki sa harap ko. Isang lalaking gwapo."Pake mo! Ikaw din naman lasing na ah!" narinig ko siyang nag chuckle. "Hey wait. you look familiar! Ah! Kamukha mo yung heartbreaker na gunggong sa school namin ah." sabi ko sabay tawa ko at pisil sa pisngi niya.

"HAHA. Well, you are right. except with the Gunggong. Seriously, you call me that? Problem?" Napatawa ako. Sya nga siguro yun. Nag-nod na lang ako sa kanya. Ayoko sa lahat eh kausap yung mga katulad nya. Kasi malandi siya, at alam kong nilalandi niya ako, tingin pa lang niya sa akin, parang kakainin na ako. Pero dahil lasing na ako parang nawala ang katinuan sa akin. Tila ba hinahayaan ko siyang makipaglandi sa akin.

"Ako din meron" sabi niya habang nainom. "Pinipilit ako ng parents kong ipakasal sa babaeng never ko pa nakikita." He said. Napatingin ako sa kanya. What a coincidence, ganun din pala sya. Halata ko sa pagsasalita niya na ayaw niya. Sino ba naman may gusto nang ganoong set-up? Lalo na siya? Eh Playboy yan eh. Ang alam lang nya eh, mag saya. Mag-uwi ng babaeng maikakama.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon