Chapter 35

5.4K 127 0
                                    

Everything seems perfect. Surreal. Hindi ko aakalain na aabot sa ganito ang samahan namin ni Nathan. Eversince that day, nagbago ang lahat sa aming dalawa. Naging mas maalaga at mabait siya sa akin. Hindi na niya kinakausap si Samantha. Ang huling pagkakaalam ko ay talagang nakipaghiwalay na siya. Galit na galit si Samantha. Pero nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay hindi siya gumagawa nang kahit anong makakasira sa pamilya nila Nathan. At higit sa lahat, graduation namin ngayon. Madaming nagulat sa suot ko bago ko ito tinakpan ng toga. It was a fitted black dress. At nakita nila ang bump ko. Agad na napagtanto nila na si Nathan ang ama ng dinadala ko. Sino ba naman hindi makakahalata nito kung lagi siya nakadikit sa akin. 


Hindi maiiwasan na may negative na comment tungkol sa pagiging buntis ko. Alam ko naman na panget tignan na maaga kang nabuntis. Pero ano nga bang magagawa nila? Nangyari na. Isa pa, masaya ako kay baby. 4 months na lang ay makikita na namin siya. Naeexcite akong isipin kung anong itsura niya. Kasi hanggang ngayon ay hindi pa namin tinatanong kung babae o lalaki itong anak namin. Si Nathan, laging sinasabi sa akin na kamukha niya ang baby, kapal ng mukha niya, mas magiging kamukha ko kaya si baby. Ang ganda ko at ang panget kaya ni Nathan. Nahiya mukha ko sa kanya.


Sila Mama ay muntik na mahimatay, medyo naging OA silang mag bestfriends, at naging madrama. Sila Dadd naman ay inaasar pa si Nathan. Tuwang tuwa silang lahat. "Sabi ko pagtapos na magaral saka kayo gumawa.  Talagang sakto sa graduation niyo sinabi sa amin ito." Triple celebration pa nga daw.


Pagkatapos ng graduation ceremony ay nauna na sa amin sila Mommy sa restaurant. Habang kami naman ay nakikipag usap sa mga kaibigan namin. "Basta ninang ako ah? Ako pinakamagandang ninang. Mamimiss ko kayo mga ati! Basta padala lang kayo ng sulat sa akin ah? Huhuhubells." Maarteng drama ni Josh habang si Jessie ay humihikbi. Nagkatinginan kami ni Hana. Napangiwi ako, 


"Ang OA niyo! Gagala tayo bukas diba?" Pagkasabi ni Hana nito parang biglang umurong ang luha nila. "Hihi." Sabay peace sign ni Josh. Nang matapos ang kulitan namin ay nakisama sa sa amin sila Daniel. "Congrats!" Parehas namin sinabi ni Daniel at niyakap ko siya. Yumakap din siya pabalik sa akin pero agad itong humiwalay nang hinila ni Nathan ang damit niya palayo sa akin. "Angie! Ako din!" Binuka ni Aaron ang kamay niya para bang sinasabi na yakapin ko din siya kaya naman natawa ako at nung lalapit na ako ay nakita ko ang nanlilisik na mata si Nathan. "Sige subukan mo." 


"Ang damot!" Sabi ni Aaron at nagpapadayk pa nang paa.


"Pwede ba? Ang luwag ng daanan nakasiksik ka sa akin." Inirapan ko si Nathan habang siya naman ay mahinang tumawa. Sino bang hindi maiilang sa ginagawa niya? Nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko at hinihimas ang tyan ko habang naglalakad kami. Eh kada lakad namin may bumabati sa kanya. Akala naman nila invisible ako. Ang sarap taasan ng kilay. "Naiirita ako sayo, kaya pwede ba? Tanggalin mo yang kamay mo!" Inis na sabi ko habang pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin. "Ano ba yan wifey! Nagseselos ka lang eh. Alam ko naman na nahirap magkaroon ng asawang ubod ng gwapo" Sabay halik sa pisngi ko. Ngumuso ako. "Kapal mo! Di ako nagseselos. Dyan ka na sa mga babae mo. Isa pa nahiya naman ako dyan sa kagwapuhan mo!"


"Wala kaya akong babae!" Ginaya niya yung tono ng pananalita ko kaya naman kinurot ko yung kamay niya. "Wifey naman! Ang masokista ml. Lagi mo nalang ako sinasaktan. Aba hindi magandang impluwensya yan lalo na pag nakita ni baby yun!" Inirapan ko lang sya. Edi patago ko syang sasaktan.


"Again, congratulations!" Masayang sabi ni Daddy habang kumakain kami. Nilingon ko ang paligid at hindi ko nakita si Kuya Paul. Matagal na nung huli kaming nag usap. Kamusta na kaya siya?


Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya naman ay agad ko itong tinignan. Halos mabitawan ko ang aking phone nang may mabasa akong isang maikling mensahe pero napakalakas ng epekto sa akin.


Unknown Number

Congratulations, Line. I love you.


Agad na nag init ang mga mata ko. Jerome... Nilingon ko si Nathan at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin. Pero hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.


"Mom, samahan ko lang saglit si Sof sa cr." Masayang tumango sila sa amin at nagpatuloy ang pagkain.


Hinila ako ng Nathan palayo sa lugar na iyon. Nang makarating kami sa cr ng restaurant ay agad niyang pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Don't cry, wifey." Malambing sabi niya sa akin. Hindi ko inexpect na magtetext sa akin muli si Jerome. It's been what? 4 months? 4 months and I still love him. I still love Jerome.


"Hey, Angie, wifey. Wag ka na umiyak. Alam kong miss mo na si Jerome. I miss my bestfriend... too." Mahinang sabi niya sa akin. Agad akong nakaramdam ng kirot. Nasira sila nang dahil sa akin, "Nathan... I'm sorry kung nasira ang pagkakaibigan niyo sa akin." Umiling siya sa akin at niyakap ako.


"Wag kang malungkot. I don't regret having you. I don't feel sorry at all. Kasi nandyan si baby. Listen, kayo na ang importante sa akin ngayon. Mahal mo man si Jerome, at ako naman ay merong mga issues, I am still happy having you and baby with me." Nakangiting sinabi niya sa akin nang tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako. "Kaya please Angie. I don't want to see you cry. It... actually breaks my heart."


Nang bumalik kami sa upuan ay lahat sila ay nakangiting nakatingin sa amon. Nilingon ko si Nathan at nakita ko ang pagtataka sa mukha niga. Hanggang sa, "At dahil graduate na kayo..." Nanlaki ang mga mata namin ni Nathan nang ipinakita ni Mama ang susi. "Dahil magigjng isang pamilya na talaga kayo, bumili kami ng bahay para sa inyo. Oh gosh! I can't wait to see my apo!" Tumawa si Mama. Habang si Mommy naman ay tumingin sa akin na maluha luha. Natawa tuloy ako ay dahil dun ay hinampas niya ako. Tumayo ako para yumakap sa kanila at nagpasalamat.


Dahan dahang binuksan ni Nathan ang pintuan sa bago naming bahay. "Whoa. Hindi ba napakalaki nito para sa ating dalawa?" Manghang tanong ko sa kanya habang nililibot ang pangin ko sa loob ng bahay. Nasa isang exclusive subdivision ito kaya halos lahat ng bahay dito ay malaki. At sa tingin ko kabilang ang bahay namin sa isa sa pinakamalaking bahay sa loob ng subdivision.


"Nah. Maliit lang ito." Kumunot ang noo ko nang nilingon ko si Nathan dahil sa sinabi niya. Ang laki kaya nito! Nakita ko siyang nakangisi. "Ano?"


"What? Ineexpect mo bang isa lang magiging anak natin? Gusto ko sampu." Nanlaki mata ko nang dahan dahan siyang lumapit sa akin nang nakangisi.


"Hoy hoy! Sampu ka dyan! Tigilan mo nga yang pagngisi mo. Di mo ikagwagwapo yan!"


"What? Di ba ako gwapo?" Tanong niya sa akin at hinapit niya ako papalapit sa kanya. Ipinulupot niya ang kamay niya sa waist ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Agad na nag init ang mukha ko. "L-leche!" Sabay tulak sa mukha niya palayo sa mukha ko.


Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi. "Tara na nga. Baka marape kita dito." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Magrereact pa sana ako kaso hinila na niya ako.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon