Chapter 38

5.2K 128 0
                                    

Hinawakan niya ang kamay ko habang nanonood kami ng T.V., ang comfortable, at the same time, yung puso ko ay hindi mapakali. Ang bilis ng tibok nito lalo na't humilig siya sa akin at isinandal ng kanyang ulo sa aking balikat. "Sof, about a while ago..." alam ko ang gusto niya sabihin pero ayoko marinig ito. Dahil nahihiya ako.

"Let's forget about it." Agad kong sinabi sa kanya. Nilingon niya ako at nakita ko ang pagkunot ng noo niya, na para bang hini niya ineexpect ang sinabi ko. Ayoko lang talagang pag usapan ito. Nahihiya ako sa kanya. Baka mahalata niya na mah narararamdaman na ako sa kanya. Mas mabuting itago ko nalang ito sa sarili ko.

"No. I don't want to." Madiin na sinabi niya sa akin. Ako naman ang napakunot ang noo. Why? Bakit ayaw niya? "Bakit ko kakalimutan iyon? What's wrong about it? You're my wife."

Umiling ako at itinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Sa papel lang yun." Tipid kong sabi sa kanya. Umiling din siya. "Sabihin mo nga sa akin? Wala ka bang nararamdaman sa akin?" Tanong niya sa akin. "'Cause it's impossible. Alam kong may nararamdaman ka na sa akin. So tell me, do you feel the same way as I do?"

Nanlaki ang mga mata ko. Does he feel the same way as I do?

"A-Anong pinagsasabi mo dyan?" Natatarantang tanong ko sa kanya. "Wag ka na magtanong, alam naman natin parehas kung anong sinasabi ko. Gusto kita." Gusto niya ako?

"Gusto mo ako?" Tanong ko sa kanya at tumango siya. Hinawakn niya ang kamay ko. "I like you. I really do."

"Pero--"

"Pero ano?"

"Diba mahal mo si Samantha? Hindi kaya nasasabi mo lang yan kasi--"

"Sinasabi? Anong meron kay Samantha at sa tingin mo ba, kaya ko sinasabi to kasi naguguluhan ako? Oo, naguluhan ako nung umpisa, pero bakit ko ba kailangan komplikaduhin ito? Parehas tayong single. Asawa mo ako, at isa pa, magkakaroon na tayo nang anak. Ayaw mo bang makumpleto tayo?"

"Hindi ba iyan ang dahilan kung bakit mo ako gugustuhin? Kasi dahil lang kay baby. Hindi mo ako gusto."

"Don't filter it. Gusto kita hindi dahil sa bata." Umiling ako. Naguguluhan lang siya. Tumalikod ako sa kanya at humiga na. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Unti unti kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod ko. Ito ang mahirap, nagugustuhan niya ako dahil sa situation namin.

"Gusto kita. Gusto talaga kita. At sa tingin ko itong nararamdaman ko ay higit pa doon. Alam kong madami pa tayong problema. Madami pa akong problema. Pero hindi kita ginusto dahil lang sa nangyayari sa atin. At hindi lang dahil na ikaw lang ang nandyan para sa akin. Gusto kita bilang ikaw lang. Sana hayaan mo akong patunayan ito sayo."

Kinanukasan ay maagang umalis si Nathan para pumasok sa trabaho. Hindi na nga niya ako ginising, nakita ko nalang ang isang note sa gilid ng pagkaing inihanda niya sa akin. Bumuntong hininga ako.

Masaya akong gusto niya ako. Kasi ako, ramdam ko sa sarili ko na gusto ko din siya, at natatakot akong aminin na baka hindi lang gusto itong nararamdaman ko sa kanya.

Tuwing nakikita ko siya ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Ayokong malaman niya na iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Na baka... mahal ko na siya.

Natatakot akong malaman na baka totoo ang sinabi sa akin ni Samantha. Lalo na't nakita ko kung paano niya minahal si Samantha. Hindi lang basta bastang pagmamahal. Kaya niya sirain ang sarili niya para kay Samantha. Kaya niyang magpakatanga. At kaya niyang manira ng ibang buhay para sa taong mahal niya.

Minahal niya si Samantha ng sobra sobra pa. At di na ako magtataka na isang araw ay kaya niya kaming iwan ni baby para sa kanya.



Naglilinis ako nang bahay namin nang may narinig akong nagdoorbell. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito. nakita ko ang galit na mukha nila mommy at daddy. Kasunod nito ang pag hinto nang sasakyan nila Mama. Kumunot ang noo ko nang nagmamadaling lumapit sila Mama kila Mommy. "Pag usapan naman natin ito." Sinabi ni Mama kay Mommy. Pero umiling lang si Mommy at hinila ang aking kamay.

"Angie, aalis ka na dito." seryosong saad ni Mommy.

"Please namna pag usapan natin to. I know that Nathan did something wrong."

"Hindi na maaayos ito. Yang anak mo, ayusin niya ang sarili niya!" Galit na sabi ni mommy. hinila ako ni Mommy paakyat sa kwarto namin. Hindi ko alam ang nangyayari. Sobrang bilis nito. "Angie! Nasaan ang maleta mo?!" hindi ko pa nasasabi ay nahanap niya kagad kung saan ito nakalagay. Kinuha niya ang mga damit ko mula sa cabinet namin ni Nathan at inilagay ito lahat sa maleta.

"Mom, ano ba ang nangyayari?" Naguguluhan tanong ko sa kanya. Bago niya pa ako nasagot ay nakarinig ako nang isang malakas na tunog mula sa baba. Parang may nabasag. Lalabas na sana ako ng kwarto ng hinawakan ni Mommy ang aking kamay. "Stay."

"But mom!" Hindi ko alam pero masama ang nararamdaman ko ungkol dito. May masama bang nangyari?. Kinakabahan ako sa nangyayari. Ano ba ang nangyayari? Sobrang dami kong tanong.

"STAY AWAY FROM MY DAUGHTER!" narinig ko ang malakas at galit na boses ni Daddy. Kaya naman ay napagtanto ko kung anong nangyayari. Lumabas ako ng kwarto kahit alam kong magagalit si Mommy. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Pero di ko ito pinakinggan at nagpatuloy maglakad pababa sa hagdan namin. Naabutan ko si Nathan na nakaupo sa floor at pinupunasan ang kanyang bibig na may dugo. Si Mama naman ay umiiyak sa isang tabi. Galit na galit si Daddy at pati si Papa. Tahimik lang siya na nakamasid sa ginagawa ni Daddy sa kanya. Agad akong tumakbo para lapitan si Nathan. May mga pasa siya sa mukha. "Hubby, anong nangyari?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Nakita ko ang malungkot na mga mata niya/

"Angie! Wag ka ngang lumapit dyan." Hinila ni Daddy ako patayo, at palayo mula kay Nathan. Pilit na tumayo si Nathan at hinawakan ang aking kamay. "Tito, wag naman ganito. Wag si Angie. Please? Sorry sa nagawa ko, pero wag mo naman siya ilayo sa akin." Nilingon ko si Nathan na unti unting tumutulo ang luha sa kanyang mata. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Daddy at lumapit kay Nathan.

"Don't act as if mahal mo ang anak ko. lalo na't nalaman namin ang sekreto mo? You're just using my daughter! Para takpan iyang kagaguhan mo. Hindi ko maimagine na pati fiance ng Kuya mo ay pinatulan mo.Wag mo siya idamay sa gulo nang pamilya mo. Wag ka nang lalapit sa anak ko, tandaan mo iyon!" Galit na sabi ni Daddy kay Nathan. Duon ko napagtanto na ito ay dahil sa relation ni Nathan kay Samantha. Pero, paano?

"Daddy, no." umiiling ako. HIndi pwedeng ilayo niya ako kay Nathan. Hindi pwede iyon! Paano na si Nathan. Alam kong pinagsisihan niya ang nangyayari. Alam ko iyon kasi nakita ko siya kung paano niya ginawa ito. nahirapan siya pero ginawa niya ang tama. nakipaghiwalay siya kay Samantha kasi ito ang tama. Alam kong mali ang ginawa ni Nathan. At alam ko na sa oras na malaman nila Mama ang ginawa ni Nathan, ay lahat sila ay magagalit kay Nathan. AT sa ngayon ay mukhang ganito nga ang nangyayari. Galit sila kay Nathan. Nathan is so fragile and I don't want to see him sad. Ayokong magalit sa kanya ang lahat ng tao sa paligid niya. Natatakot ako na baka ito nga ang mangyari ngayon. "Daddy, please don't do this." Pagmamakaawa ko kay Daddy nang nakita kong pababa na nang hagdan si Mommy dala ang maleta ko. "Mommy, wag naman po." itiniim ni Mommy ang kanyang bagang, na para bang sinasabi niya na wala na ako magagawa dito.

"Hindi. aalis na tayo dito." Sabat ni daddy. Nagulat ako nang lumuhod si Nathan kila Daddy. "Wag naman po. Wag niyo siya ilayo sa akin, please?" hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya patayo si Nathan pero ayaw niya. Nanatili siyang matigas, at nakaluhod lang sa harap nila daddy. "Sana naisip mo yan bago ka gumawa nang kalokohan. Sana hindi na ako pumayag sa kasalan niyo nang anak ko. Sana hinayaan ko nalang siya sumaya sa boyfriend niya. At sana hindi nalungkot ang anak ko dahil sa nangyayari sa pamilya namin. Alam ko naman sa umpisa palang mali ang decision namin tungkol sa arrange marruage. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan ito mangyari sa kanya. How dare you use my daughter for your own selfishness. At ano Inanakan mo pa ang anak ko!" Humihikbi na ako sa naririnig ko. I saw how sad my Dad is, na para bang pinagsisishan niya ang mga nangyayari.Nasasaktan siya sa situation ko. "At ano? Inamin ni Samantha sa amin na balak mong makipaghiwalay kay Angie pagkalabas ng bata! Magsama kayo nang babae mo!" Agad kong nabitawan ang kamay ni Nathan

"No, Angie. Please don't believe that. I won't do that. Please? Wag kang maniwala, hindi totoo ang sinasabi ni Samantha kila Papa. Maniwala ka sa akin, Sof."


I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon