"Di ba pwede na huminto ka na ngayon sem?" I rolled my eyes. Ang kulit! "Ewan ko sayo! Kanina ka pa." Inis na inis kong sinabi sa kanya. Ngumuso siya na para bang ayaw niya ng sagot ko sa kanya.
"Bakit ba kasi tatapusin mo pa 'tong semester na ito? Paano na si baby? Baka mapano pa kayo." Nakangiwing saad niya samantala ako naman ay itinuon nalang ang pansin sa T.V., bahala siya dyan, napaka-exaggerated naman ng lalaking ito.
Tawa ako ng tawa sa pinapanood ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagkalabit niya sa akin, ngumiwi ako nang nakita ko ang nagmamakaawang mukha niya, "Yung totoo? Ayoko ngang huminto. Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa iyo??"
"Eh! Kasi naman baka mapaano kayo ni baby!" Parang bata kung umasta. "Hindi nga kami mapapahamak. Saka maingat ako. Wag kang mag alala matatapos na din naman ang semester na ito. At isa pa, Nathan naman 1 month nalang bago matapos ang sem na ito. Gragraduate na ako tapos ano gusto mo? Sayangin ko iyon?"
Napabuntong hininga siya, "Sige na nga. Babantayan ko nalang kayo ni baby." Napairap ako, "Hindi mo ako kailangan bantayan!" Bantayan bantayan! Naalala ko nanaman nitong nakaraang araw. Lagi siyang nakabuntot sa akin. At dahil doon, nag sisimula na ang usapan ng mga tao sa paligid namin.
"Kailangan nga!"
"Hindi nga! Saka pwede ba? Wag kang buntot ng buntot sa akin. Naiirita ako, okay?"
"Hindi yun pwede! Paano kung mapahamak nga kayo!" Ngumuso nanaman siya sa sobrang gigil ko kinurot ko yung pisngi niya. Napasinghap siya at agad nilayo ang mukha niya. "Ang sakit nun ah!" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Sof naman eh. Ayaw mo ba talaga? Sige di na ako magiging obvious." Kumunot ang noo ko. "Anong di na magiging obvious?"
"Pag sunod sayo. Hihi."
Hindi ko alam kung ilang beses siya ipinanganak at napakakulit niya. Bahala na nga siya. Naisip ko nalang paano kung ganyan kakulit si baby. Parang sumasakit na ang ulo ko.
Naramdaman ko nalang ang paghimas niya sa tyan kong lumalaki. Simula nung gabing pinahawak ko ang tyan ko sa kanya walang araw na hindi niya ito hinihimas. Tuwang tuwa siya dito. Isinama ko din siya nung nagpacheck up ako. Nakakatuwang tignan na mas excited siya kesa sa akin. Lalo na yung binigay yung picture nang ultrasound ko, talagang kinuha niya ito sa akin. Naluha din siya nang sinama siya sa akin habang chinecheck si baby gamit ang ultrasound.
I really feel happy.
"Baby, ang tagal mo naman lumabas." Bulong ni Nathan sa tyan ko. Di ko mapigilang hindi mapangiti.
"Tara gala tayo." Sabi ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin. "Saan?"
"Mall. Bibili ako ng maternity dress eh." Ngumisi siya at agad na tumayo. "Tara na!" Excited much?
Nang makarating kami sa mall ay agad na pumunta kami sa isang boutique, at ang lolo niyo ay agaw pansin. Lumilingon lahat sa kanya. Gusto ko sana sumigaw ng, 'Oy! Mga buntis manganganak na nga kayo nagagawa niyo pang lumingon sa iba!' Tapos yung mga sales lady naman nagpapacute. "Wifey, ito oh! Sukatin mo. Bilis." Masayang inabit niya sa akin ang damit. Kinuha ko ito at ang mga damit na pinili ko para sukatin. Pag labas ko nakita ko kung paano nila pagkumpulan si Nathan. Si Nathan naman mukhang tuwang tuwa naman sa pinag uusapan nila. Lumapit ako sa kanila at hinila patayo si Nathan papunta sa Cashier. "Nawala lang ako saglit nanglalandi ka nanaman!" Padabog kong inilapag mga damit sa counter. Narinig ko ang paghalakhak niya kaya nilingon ko siya ng nakakunot ang noo.
"Ankng tinatawa tawa mo dyan?" Ngit ngit ko sa kanya. Ngumisi siya at pilyong ngumiti sa akin. "Wala naman, di ko alam na napaka selosa mo." Tumawa ulit siya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nung Babae sa counter kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siya tumahimik. "Pasensya na miss. Alam mo naman pag buntis, moody."
"Okay lang po yun sir!" Agad na inabot ng babae ang mga damit ang ipinunch na ito. Binayaran ni Nathan ang lahat nang binili ko habang ako naman ay tahimik na naghihintay.
Pagkalabas namin ay binilisan ko ang lakad ko para di niya ako maabutan. Nakakairita ang mukha niya! Napahinto ako nang may makita akong newspaper na nakapost sa isang stand, isang mukha ang nakapost dito..., Si Samantha. Agad kong nilapitan ito at kinuha, 'Famous Fashion Designer, Samantha Oliver, talks about her break up with her past fiancee and her latest lover.'
"Totoo palang nakipaghiwalay na si Samantha dun sa gwapo niyang fiancé?" Bulong nang babaeng katabi ko sa kaibigan niya.
"Oo girl, nabasa ko na ang may kasalanan pala eh yung fiancé niya. Niloko siguro si Samantha nung lalaki. Kawawa naman. Buti nalang may boyfriend na siya ulit."
"Oo nga! Buti nga dun sa ex niya. At least nakahanap siya diba?"sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa newspaper ay nalukot ito.
"Miss, baka mapunit yung dyaryo." Nilingon ko ang matandamg lalaking nagbebenta nito at inilapag ang hawak ko. Kumuha ako sa bag ko ng pera para bayaran ito.
"Siguro gwapo yung boyfriend ngayon ni Samantha. Ano kayang nangyari sa ex nito? Buti nga sa kanya." Sa narinig ko ay lalong kumulo ang dugo ko. Parang gusto ko sumabog. "Pwede ba? Wala kayong alam! Kaya wag kayong magsalita nang ganyan! Hindi niyo siya kilala para husgahan!" Gusto ko silang sigawan hanggang sa makakaya ko! Gigil na gigil ako.
Parang nagulat ang dalawang babaeng nag uusap, "Mga chismosa!" Dugtong ko habang hnti unting tumutulo ang luha sa aking mata.
"Sof! Ano bang ginagawa mo?!" Hingal na sabi ni Nathan. Nilingon niya ang mga babaeng mukhang nabadtrip sa akin at nanghingi siya ng tawad, idinugtong niya pa na buntis kuno ako. Agad nmn n nintindihan ng mga babae iyon at umalis nalang.
Buntong hiningan lumapit sa akin si Nathan habang ako naman ay patuloy na humihilkbi. Sobrang sama nung Samantha na iyon! "Ano bang nangyari? Galit ka ba dahil sa kanina? Nagpapaturo lang naman ako sa kanila eh, tinatanong ko yung mga buntis dun nang ibang mga payo, karamihan kasi sa kanila eh mga may anak na tapos nalman nila na si baby yung first child natin. Sorry kung nabadtrip ka." Bumuntong hininga nanaman siya at pinunasan ang mga luha sa aking mata habang ako naman ay nakatitig sa kanya.
Gusto kong sabihin na hindi dahil duon. Gusto kong magalit sa kanya. Dahil sa kanila ni Samantha ang nagmumukhang masama ay si Kuya Paul. How can they be so cruel?
Naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin at ibinulong, "Tahan na mommy. Malulungkot si baby natin oh."
------
A/N: Haluuu! Kamusta na kayo? Sorry ngayon lang nakapag UD kasi sobrang busy ko.. As in pati pagtulog ko saglit nalang huhuhuhu kawawa naman ako! Hirap mabuhay! Hirap maghanap buhay! Kaloka! At isa pa kamalas malasan ayun! Nanakawan ng phone si atey, madapa ka sana kung sino ka man! Char!
Thank you nga pala sa patuloy na nagbabasa nito, Read, Vote, and Love. Mwuahhh!
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...