Chapter 6: Flashbacks

6.6K 135 2
                                    

"Angie, okay ka lang ba?" Tanong ni Hana. Alam kong nag aalala siya sa akin. Kanina pa kasi akong tahimik at alam kong napansin niya iyon. Hindi ko kasi mapigilan hindi mag isip tungkol sa nangyari kanina. Jerome. At hindi ko din napigilan ang emosyong tinatago ko.

"Girl!" Niyakap ako ni Josh. Alam nila kung gaano kasakit. Alam nila na nasasaktan ako. Pimikit ako at di namalayang humihikbi na. "Wag ka nang umiyak. Tahan na." Sabi sa akin ni Hana habang si Jessie nakamasid lang sa amin.

"Hindi. Hindi ako okay." mahina kong saad sa kanila. Masakit kasi. Nasasaktan ako. Umiiyak nanaman ako. Iniiyakan ko nanaman siya. Si Jerome. Si Rome ko...

Itinuon ko ang aking sarili sa suot kong singsing. Hindi na dapat ako nagrereact ng ganito. Kasi kasal na ako. Naramdaman ko nalang ang biglaang pagyakap nila sa akin. Umiyak ako lalo nang ginawa nila iyon sa akin. Sobrang thankful ko at nandyan pa sila para sa akin. Para makinig sa problema ko at para dayuhan nila ako hanggang sa tumahan na ako. Nakaupo parin kami sa feild ng school nang biglang binasag ni Jessie ang katahimikang bumabalot sa amin. "Mahal mo parin?"

"Hindi na." liar. Sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi nagbago 'yon. HIndi ko nga alam kung paano ko sinira ang magandang relasyon namin. His warm smile changed a lot... he became cold and distant. Nagbago siya. At ako ang may kasalanan nito. "Anong gagawin mo ngayon?"

"Kalimutan siya." tumingin ako sa mga student na naglalaro ng soccer sa feild. "Kaya mo?" agad naman na tanong nila sa akin. Sino ba naman makakayang kalimutan siya? Pinaglaruan ko ang singsing ko. Kaya ko ba?

"Oo naman." Kung kakayanin. Pero syempre niloloko ko lang sarili ko. Kahit ano namang gawin ko, kahit anong pilit ko hindi ko kaya. Paminsan nga naiisip ko thankful ako na nagkaroon ng Nathan eh, kahit papaano nawala yung kadramahan ko sa buhay.

Sino nga ba si Jerome sa akin? Second year college ako nung nakilala ko sya. Siya ang first love ko. Ex boyfriend ko sya. Pero bakit walang nakakaalam? Meron pero onti lang. Ayoko kasi ng iskadalo. Ayoko ng gulo. Ayokong mapaaway. Kaya sinabi ko kay Rome na wag masyadong public. Una, ayaw niya. Sabi niya sa akin...'Bakit kailangan itago? Gusto kong malaman nila na meron akong mahal. Wala akong pakealam sa sasabihin nila.' Siguro sa lahat na lang, ako ang pinaka walang kwentang girlfriend. Napakaselfish ko, parang ang liit na bagay hindi ko lang maibigay sa kanya. HIndi ko nga siya deserve eh. Wala naman kasi akong kwenta talaga. HIndi ko mabigay sa kanya ang hiling niya. HIndi ko man lang masabi sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Yung mahal ko nag sacrifice dahil sa akin. Paano ko nagawang itago sa lahat ito no?

Pero may mga bagay na kailangan itigil hindi dahil sa gusto mo, dahil kailangan mo.

FLASHBACK

"Kyaaa! Tara pasok na tayo dun! Kailangan ko mabịli yung book!" sabi ko kay Hana. Hinihila ko sya papasok dun sa book store. Kailangan ko nang mabili yung bagong labas ng book ni John Green. Sobrang Idol ko kasi siya. Naalala ko kung paano ako pinaluha ng Fault in our stars. Naalala ko nanaman si Augustus. Hihilahin ko sana ulit si Hana pero hindi ko magawa dahil talagang nakahinto siya at ayaw talagang magpahila. "Angie naman! Wait lang." Reklamo niya sa akin habang may hinahanap. Sa loob ata nung net-cafe.

"Sino ba kasi hinahanap mo?!" inis kong sabi sa kanya at kumunot ang noo ko. Bigla na lang sya namula. "Hoy! Sagutin mo ako!" Pagmamaktol ko sa kanya sabay hampas sa kanya kasi para siyang tangang kinikilig habang nakatingin kung kanino man. "Siya!" sabay turo sa matangkad na Gwapo na lalake. Crush niya siguro? Clean-cut yung buhok niya, makinis at maputi, matangos ang ilong niya, yung labi niya'y napaka kissable, yung mata niya na color gray. Yung tipong lahat ng babae mapapahinto at tititig na lang sa kanya. Lalo na sa mata niya. Ang ganda.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon