Chapter 32

5.4K 135 6
                                    

"Pwede ba? Tigilan mo nga yang pagbuntot mo sa akin? Nakakairita na yang mukha mo ah!" Inis na sabi ko sa kanya. Pero para siyang bingi na hindi narinig ang sinabi ko. Ang nakakainis pa ay pinakausapan niya ang prof ko kung pwede siya maki-sit in sa class. Pinayagan naman siya! Nakakainis talaga. Paano, ginamit niya ang kagwapuhan niya. Sa sobrang ngitngit ko sa kanya ay padabog akong umupo. Syempre, di maiiwasan ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko sa subject na ito.

"Ang gwapo ng mukha ko para lang mairita ka dito. Baka nga sa akin pa mag mana si baby natin eh. Pag nangyari yun, paniguradong gwapo si baby." Bulong niya sa akin. Seriously. Isa siya sa lalaking punong puno sa sarili niya. Inirapan ko nalang siya.

Habang nakikinig ako ay nagsimula siyang paglaruan ang buhok ko. "I'm bored." Mahinang sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko at nilingon siya, "Edi umalis ka na dito. Saka wala ka bang class at ako ang napagtripan mo?"

"Concern ka ba sa akin kaya tinatanong mo kung may class ako?" Ngumisi siya. Inismiran ko siya. "Wala akong paki kung di ka pumasok. At kung bumagsak ka. Bakit di ka nalang sa mga babae mo pumunta?"

"Wala naman akong babae."

"Wala nga ba? Oh! Oo nga pala. Seryoso ka na ngayon sa iisang babae. Kasi nakuha mo nanaman siya." Too much? No. Ginusto niya 'to. Wala na akong pakialam kung masasaktam siya sa sinasabi ko.

"There we go again. Pwede ba? Wag mong idamay si Samantha sa galit mo sa akin." Bumuntong hininga siya. "Madadamay at madaday siya. Tandaan mo iyan." nilingon ko siya.

Nang matapos ang class ko ay sumusunod parin siya sa akin. Isinang walang bahala ko nalang ang mga tingin ng mga tao sa amin. Dirediretso akong maglakad papuntang gate ng school nang biglang hinawakan ni Nathan ang braso ko. "Mag co-commute ka?" Kumunot ang noo niya at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi ka pwedeng mag commute, okay?"

"Ano bang paki mo? Gusto kong mag commute at wala kang magagawa." Sabi ko sa kanya sabay talikod. Mag lalakad na sana ulit ako nang bigla niya akong binuhat nang parang sako. "May magagawa ako. Tandaan mo iyan." Sabi niya sa akin habang tumatawa at pinalo ang pwet ko. "Bwisit ka!" Sabay hampas ko sa likod niya.

"Bwisit ka din!" Tumawa nanaman siya at himanpas nanaman ang pwet ko!

"Ay. Shit!" Nagulat ako nang bigla niya akong binaba. Sinapo niya ang kanyang noo sabay sinabing, "Baka mapipi si baby!!"

"Ano bang--" Nanglaki ang mga mata ko nang binuhat niya ako nang parang bagong kasal. "Ganito nalang. Hihi."

"Argh!" Inis na inis ako sa kanya. Nakakahiya sa mga nakakakita sa amin! "Wag ka nang makulit! Bawal kang mag commute. Paano kung mapahamak ka dyan? At isa pa, dalawa na kayo." Paliwanag niya sa akin nang ibinaba niya ako para buksan ang kotse niya.

"Kaya ko ang sarili ko. Ilang buwan ko nang inaalagaan sarili ko nang mag isa." Sumakay ako sa kotsr niya at umupo sa passenger seat. I crossed my arms. At tumingin sa harap. Bumuntong hininga siya saka sinara ang pintuan sa gilid ko para pumunta sa driver's seat.

"Angie. Look. Sana intindihin mo naman na nag aalala din ako sayo. Nag aalala ako sa inyo ni baby. The truth is... I don't really know what to do. You were my bestfriend's girlfriend. Tapos nagpakasal tayo. I love someone else. And, you also do love someone else. I really don't know what to do. May anak na tayo. And... Gusto ko pag pinanganak siya kumpleto ang pamilya niya. Crazy? But let me help you with our baby." Seryosong sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Umiling iling ako at hinarap siya. "You want a complete family? No. You don't want that. Sinasabi mo sa akin na gusto mong kumpleto ang pamilya natin? Eh tanga ka ba? Pinagloloko mo ba ako? Di mo ba nakikita ang problema? No offense pero may babae ka! Yung babae mo fiance ng kuya mo! Hindi kita mahal. Hindi mo ako mahal. At anong gusto mo? Mag sama tayo dahil lang sa responsibility? No. I won't do that. Maybe I can give you a chance. Pero hindi sa pagiging kumpletong pamilya. I can give you a chance para sa anak natin." Binawi ko ang aking kamay sa kanya. Nakita ko ang mata niyang malungkot. "Just drive. Please?"

"Please don't judge me just because I am loving a wrong girl." Huling sinabi niya sa akin bago siya nagdrive pauwi sa condo niya.

Tahimik ang byahe namin pauwi. Tahimik siya. At nakokonsensya ako. Alam kong pag nagsalita ako ay di ko na iniisip mararamdaman ng kausap ko. Pero masisisi niyo ba ako kung ganito ang pakikitungo ko sa kanya? I never wanted this. Tinuturing kaibigan ko siya. At kahit papaano... Importante siya sa akin. He supported me with Jerome. Tinutulungan niya kami. Yet, nagagalit ako sa kanya. May paki ako sa kanya kaya ako nagagalit. Akala ko narealize na niya na mali ang ginagawa niya. Pero hindi, sila parin. Sila parin kahit alam niya na lahat ay magagalit sa kanya. He doesn't care at all. So paano kung malaman ni Samantha ang tungkol sa baby? Paano kung papipiliin siya? Di ako umaasa na ang baby ang pipiliin niya. Kasi umpisa palang ay alam ko kung gaano niya kamahal si Samantha. He's willing to take some risks for her. And I hated him for that.

Tahimik din siya binuksan ang pintuan ng unit niya para papasukin ako. Dumiretso siya sa kusina samantala ako ay umupo sa couch. Tinignan ko siyang tahimik na nagsaing ng kanin. Nang iniwan niya ito ay didiretso dapat siya sa kwarto niya pero napatigil siya nang tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo. Tinapik ko ang gilid ko, na para bang sinasabi na umupo siya sa tabi ko. Sumunod naman siya. Dahan dahan siyang umupo. Tinitigan ko siya habang siya naman ay nakayuko lang. Tila ang lalim ng iniisip niya. Nasaktan ko ata siya ng husto. Pero gusto ko lang naman magpakatotoo.

Dahan dahan kong kinuha ang kanyang kamay at inilagay ko ito sa ibabaw ng aking tyan. Agad niya akong nilingon. Umawang ang bibig niya nang sinimulan kong ihimas ang kanyang kamay sa aking tyan. "Ang laki na ni baby, 'no?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "Damn that bump." Tumawa siya habang ako naman ay pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.

Natigilan ako nang niyakap niya ako at ibinulong, "Thank you. Thank you so much." Sa halip na sumagot ay niyakap ko din siya pabalik.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon