Chaper 18

5K 117 6
                                    

Natigilan kaming lahat nang may humatak sa akin patayo. Nanlaki kagad ang mata ko nang nakita ko kung sino ang humila sa akin... si Nathan. "Nathan, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at galit na tinignan niya ako, "Anong ibig sabihin nito?" humigpit ang paghawak niya sa pulso ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, galit siya... Bakit naman siya nagagalit?

"Pre." Tumayo si Jerome ngunit agad siyang pinigilan ni Nathan, "Kailangan kong kausapin ang ASAWA ko." Ipinagdiinan niya ang salitang asawa... agad na natigilan si Jerome nang sinabi iyon ni Nathan, nakita ko ang malungkot na mata niya. Nasasaktan nanaman ang mahal ko. Hinila at hinawi ko ang kamay ko pero ayaw niya akong bitiwan. "Bitiwan mo ako!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Sasama ka sa akin!" tinitigan niya ako na para bang kapag hindi ako sumunod sa kanya mag-iiskandalo pa siya. at dahil doon wala na akong nagawa at nagpahila akong tuluyan palayo sa kanila, palayo kay Jerome... Tinignan ko si Jerome at alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Nathan, tinignan ko siya na nagmamakaawa na para bang intindihin muna niya, tumango naman siya sa akin.

Dinala ako ni Nathan sa kotse niya at nang pumasok siya binagsak niya ang pintuan. "Whyvare you acting like a jealous husband?" Inis na tanong ko sa kanya. "Tangna! May asawa ka na, nagawa mo pang manglandi sa ibang lalaki!-" isang malakas na sampal ang sinagot ko sa kanya. Wala siyang karapatan.

"Wala kang karapatan sabihin iyan sa akin!" I retorted.

"Ha! Walang karapatan? Baka nakakalimutan mo may asawa ka na? Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin nang ibang tao?" Napailing siya. Galit na galit siya sa akin. At galit na galit din ako sa kanya.

"Ako pa ngayon ang dapat mahiya?"

Liningon niya ako nang nakakunot ang noo niya. "Ang kapal mo. Ang kapal kapal mo." inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya maintindihan ang kapal nang mukha niyang sabihin niya yun sa akin. Sa akin pa talaga ah.

"Anong pinaahiwatig mo? Eh, ikaw nga dyan harap-harapan manglandi ng lalaki eh, ano? Kayo na ulit? At talagang nagpapahalik ka a sa harap ng mga tao no!"

"At least hindi patago!" sa sobrang galit ko parang hindi na gumana ang utak ko at kusang lumabas sa bibig ko ang mga matagal ko nang pilit sinisekreto. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. "Ano, sa tingin mo wala akong alam? Ang kapal nang mukha mong ako pa ang sasabihan mong malandi! At alam mong umpisa palang kung anong meron kami ni Jerome kaya wag ka dyang umakto na I'm cheating behind your back! You don't have the right to tell me that I am cheating!"

"Wala kang alam!" umigting ang kanyang panga na para bang tinitigilan ang sariling sumabog.

"Sige! Ipaintindi mo sa akin na pati sariling fiancé ng kapatid mo pinapatulan mo! Ipaintindi mo sa akin!" nanlaki mata ko nang akala ko ay sasaktan niya ako, ngunit parang pinipigilan niya ang sarili niya. "wala kang awa! Na pati fiancé ng kapatid mo pinapatulan mo." dagdag ko pa.

Mabilis niyang hinampas ang manibela nang kotse niya na para bang gusto niya akong saktan pero di niya kaya, na para bang galit na galit siya sa mundo, nakita ko kung pano pumula at parang namamaga ang kanyang mga kamay sa kanyang paghahampas. Nang mapagod siya ginulo niya ang buhok niya.

"Akala ko pa naman kahit gago ka... di mo kaya gawin ang mga ganung bagay. Kuya mo siya." Mahina kong dugtong. Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari sa amin pagkatapos nang huli kong siinabi sa kanya. Nararamdaman kong nagvivibrate ang phone ko pero hindi ko ito pinansin. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa labas habang si Nathan tulalang nakatingin sa kanyang harap.

"Akala mo madali sa akin na yung babaeng mahal ko ay mahal din ng kapatid ko? You don't know how it hurts." Basag niya, Sumandal siya sa kanyang upuan na para bang hinang hina. "Hindi mo alam, hindi mo alam kung paano ko siya iwasan, kung gaano kahirap siyang pakawalan. I never love someone this much. Siya lang ang minahal ko nang ganito. Paminsan naiisip ko, bakit... bakit si kuya pa ang minahal niya? Ano bang meron ang kuya ko na wala ako? Bakit kahit anong gawin ko option parin ako? At bakit... bakit ko pa siya pinakilala sa kuya ko? Siguro kung hindi ako tanga dati... hindi siya makukuha ng kuya ko."

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya. Parang lahat ng galit ko sa kanya unting-unti nawala. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Angie, bakit ang hirap niyang pakawalan? Bakit kung kalian mahal na siya ng kuya ko saka niya narealize na mahal niya ako? Bakit kung kalian magpapakasal na sila saka niya ako gustong ipaglaban..." naramdaman ko ang unti unting paghigpit ng yakap niya sa akin, na para bang lahat ng hininakit niya ay ngayon lang niya nalabas. "Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin."

"Nathan..." tinignan ko siya at pinunasan ang mga luha niya. "Angie, hindi ko siya kayang pakawalan! Mahal ko siya! Hindi ko kayang... ikasal siya sa kuya ko. Tulungan mo ako, please?"

"Kung mahal ka niya, bakit hanggang ngayon sila parin ng kuya mo?" nagkatitigan kami at muling bumagsak ang mga luha sa mata niya. Si Nathan na kilala ko ay hindi ganto, he was never been this weak. He was strong. He was a heartbreaker. Ibang iba ang Nathan na nakikita ko ngayon. Ibang iba.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon