Chapter 31

5.4K 141 3
                                    

Mahirap magtiwala sa taong alam mong hindi ka gagawing priority. Aasa ka at masasaktan ka lang. Kahit alam mo na nga kung anong mangyayari, Aasa ka parin. Aasa ka hanggang mabigo ka. Aasa ka kasi nagpapakita siya ng motibo para umasa ka. Aasa ka kasi, kahit papaano nagtitiwala kang gagawin niya iyon.

"Why didn't you tell me? Sof? Why?" Mahinang bulong niya habang tinititigan ako, isang tingin na punong puno ng emosyon.

"How...?" Nawalan ako nang sasabihin. Paano niya nalaman? "Is that even important?! I saw that damned pregnancy test!"

'I'm scared.' Gusto kong sabihin ito sa kanya pero ayoko. Gusto kong sabihin na natatakot akong itakwil o isawalang bahala ang anak namin. Natatakot ako para sa anak ko. Nag aalinlangang tumingin ako sa kanya. "I know that you don't like the idea of having a baby. Isa pa, you're already taken. Baka humadlang pa ito sa kung anong meron kayo ng babae mo. Anyway, wag kang mag alala, I won't require you to do anything. Kahit isipin mo nalang na wala kang anak. Maghihiwalay din naman tayo diba? Kaya okay lang na hindi ka magpakatatay sa anak ko." Sinabi ko sa kanya at iniwas ang tingin ko. Now, gusto kong bawiin ang sinabi ko sa kanya. Napasobra na ata.

"Angeline! Ano bang sinasabi mo? Aalisin mo ako sa buhay niyang magiging anak natin? So what if I do love someone else right now? It doesn't give you the right to remove me from our baby's life! You don't have the right to exclude me! You can't." Matigas na sabi niya sa akin. Ramdam ko ngayon ang galit niya sa bawat salitang binibigkas niya. I know I don't have the right pero ayokong maexperience ng anak ko ang hindi kumpletong pamilya. Napailing iling na lang ako.

"I want to rest." Sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano niya itinikim ang kanyang bibig. He looks like he want to punch someone right now.

Bumuntong hininga siya at sinabing, "Okay. Rest now. We will talk tomorrow." Tumalikod na siya sa akin at naglakad papuntang kwarto niya. Ako naman ay naiwang nakatulalang nakatingin sa likod niya.

Napamulat ako nang nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Kumunot ang noo ko nang walang sabi na pumasok siya sa loob ng kwarto ko dala ang isang tray at tinanong, "Breakfast in bed?" Lalong napakunot ang noo ko. Wala pari akong sinasabi hanggang makalapit siya sa akin. Umupo ako at sumandal habang siya naman ay umupo sa tabi ko hawak hawak parin ang tray.

"Why are you here?" Itinaas ko ang kilay ko. Bumuntong hininga siya at nilingon ako, "Just... Just want you to have your breakfast." Timingin ako sa inilapag niya sa kama ko at ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"You don't have to do this. Lalo na kung napipilitan ka lang. I don't need anything from you. I don't need your help." Nakita ko kung paano biglang lumungkot ang mata niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Sof. Alam ko na hindi tayo okay. Pero bigyan mo naman ako ng chance maging ama man lang sa anak natin. Hindi mo pwede sabihin sa akin na okay lang na wag akong makialam sa iyo. Damn. Hindi pwede. Lalo na't buntis ka. Hindi mo pwedeng sabihin sa akin iyan ngayon. Dala mo ang anak natin. Hindi porket may ibang taong damay ay wala na akong pakialam dyan. Oo, gago ako. Ako na pinaka gago sa lahat ng gago. Pero may puso din naman ako. Anak na natin ang pinag-uusapan natin. Please lang, di man ako mabuting tao sa paningin mo pero sana naman para sa anak natin. Please? I want to be a good father, para sa anak natin, please? Bigyan mo naman ako ng chance mapakita iyon sa anak natin. Bigyan mo naman ako ng chance sa anak natin." I saw tears forming in his eyes. Pero iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumalikod. Nakita ko din ang pag punas niya sa kanyang mga mata.

Second chances are given to those who deserves it. So, is he worth giving a second chance?

Tinitigan ko siya habang pinoproseso lahat ng sinasabi niya sa akin. Humarap siya sa akin ng seryoso. Walang bakas ng mga luha. Itiniim niya ang bagang niya at sinabing, "Di mo kailangan magdecide para sa atin. Let me do my job. Let me be a father to our baby." Sabay tumayo na siya. "Eat that. After nyan sabay na tayo pumunta sa school."

At sinunod nga niya ang sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa school at hinatid niya ako hanggang sa classroom. Hindi ko siya pinansin, para bang wala akong kasama. Nakita ko kung paano kami tignan ng mga tao. Bwiset.

"Anyare dun kay Nathan?" Tanong sa akin ni Josh ng makaupo ako sa table dito sa cafeteria. Ngumiwi ako sa kanya. "Pwede ba? Wag na natin siya pag usapan. Nawawalan ako ng gana." Nagkatitigan naman silang tatlo. Bumuntong hininga ako at sinabi sa kanila ang nangyari kagabi. Alam kong nagulat sila but they choose to listen.

"Why don't you give him a chance?" Basag sa katahimikan ni Jessie. "You know, anak niya din yan. At talagang masasaktan siya sa sinabi mo. I am your friend but I do think that you need to try. For the baby. Anak niyo yan. Hindi yan isang pag aari lang." Dugtong niya. I know. I know that.

"Tama si Jessie. Pero syempre, nasasaiyo parin ang decision. Nandito lang kami, tandaan mo yan." Sabi ni Hana. Bumuntong hininga nanaman ako.

"I'm scared." Mahinang bulong ko sa kanila. Nagulat nalang ako nang niyakap nila akong tatlo. At binulungang "Kaya mo yan."

Habang kumakain ng chips ay itinuon ko ang oras ko sa paggawa ng thesis. Sila Josh naman ay nagkwrkwentuhan habang kumakain. Pinipilit nila akong kumain ng heavy meal pero di ako gutom. Malapit na pasahan nito at malapit na din akong matapos. Isa pa, di pa ako tapos sa mga plates ko. Nagulat nalang ako nang may naglapag ng pagkain sa table. Nanglaki ang mata ko nang isara niya ang laptop ko. "Oh gosh!!" Galit na tinignan ko siya but he ignored me. Buti nalang nasave ko ang ini-edit ko! Nakita ko ang pag awang ng mga bibig nila Hana.

"Bakit ka ba nandito??" Inis na tanong ko sa kanya. Tahimik siyang nakatingin sa akin. "Nakakabwisit ka na ah! Umalis ka nga sa harapan ko!"

"Aalis ako kapag kumain ka na." Kumunot ang noo ko. Tinignan niya siya Hana at tumango naman sila. I rolled my eyes. Talagang gusto niya maiwan kaming dalawa? Nang nagpaalam na sila Hana sa akin, "Tapos na ako kumain. At busog ako."

"Busog? Nabusog ka na dyan sa chips na kinakain mo? Is that fucking chips fucking healthy?" Itiniim niya ang kanyang mga bagang. "You don't fucking care. So can you please leave me alone?" Inis na sabi ko.

"I do fucking care. Hindi ako aalis hangga't di mo ito kinakain. So choose now. Di kita iiwan o kakainin mo ito?" Inis na inis akong kinuha ang pagkain at kinain ito. Nakita ko ang pagngisi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bininulong, "Good girl" sabay himas sa aking buhok pero inalis ko kagad ito. Bwisit talaga siya!

-----
Hi guys! Salamat sa lahat nang nagbabasa. Hihihihi. Grabe sobrang naging busy ako kaya up to 16 ay maguupdate lang ako ng saturday at sunday. Huhuhuhu. Lifeee. Pero don't worry dadamihan ko update ko as much as I cannnn. Woohoo!

Thank you. Read, Comment, Vote, and Love. Hihihi.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon