Chapter 28

4.8K 117 4
                                    

Siguro pag nagmahal ka hindi mo kagad siya malilimutan. No, hindi mo talaga siya makakalimutan. Kapag nagmahal ka mananatili ito sa puso mo. One thing I realize when I saw Nathan kissing Samantha. Alam niya ang limitasyon niya. Pero bakit ganito parin? Bakit niya parin pinipilit ang bawal? Then I realize how selfish they are.

Nagising ako sa ingay na narinig ko, tila ba ay nagtatalong babae at lalaki. Nang pagkamulat ng mata ko ay agad kong nakita ang puting ceiling. Inilibot ko ang tingin ko at napansin nila ito. Agad na lumapit sa akin sila Hana. Pinalibutan nila ako at tinanong, "Angie, okay ka lang ba?" /"Angie, kamusta pakiramdam mo?" / "May masakit ba sa iyo?" / "Tatawagin ko na ba yung doctor?" Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa sunod sunod na tanong nila sa akin. Tila ba nag sink in sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito, kubg bakit ako nakahiga dito sa hospital bed, kinabahan ako at hinawakan ang tyan ko. Si baby!

"Ang baby ko? Kamusta ang baby ko?" Kinakabahang tanong ko sa kanila. Nakita ko kung paani sila magtitigan. "Tangna!" Mahinang bulong ni Aaron at hinilot ang kanyang sintido. Si Daniel naman ay tahkmik na nagmamasid. Tila binuhusan ako nang malamig na tubig. Nandito nga pala si Daniel at Aaron.

"Angie, okay naman si baby. Wag kang mag alala." Sabi ni Jessie sa akin sabay hinawakan ang kamay ko. Napatingin kami lahat nang magbukas ang pintuan, akala ko kung sino yun pala yung doctor lang. Lumapit sa akin yung doctor ang chineck ako, "Mrs. Lopez, mabuti at nasa hospital ka nang magcollapse ka. Buti't matibay ang kapit nang baby mo. Sa susunod misis dapat ingatan mo ang sarili mo. You almost lose the baby." Bumilis ang pintig ng puso ko. Muntik na. Agad na namuo ang mga luha sa aking mata. "Misis, alam ko na nagiging emotional unstable ka. Pero sana iwasan mo ang stress. Bawal ka mastress, okay ba 'yon?" Tumango tango ako sa sinabi ng doctor.

Liningong ng doctor ang mga kaibigan ko at tinanong kung sino ang asawa ko. "Wala po dito ang asawa niya doc." Sinabi ni Hana. Tumangi ang doctor saka sinabing, "Ingatan niyo ang kaibigan niyo. Lalo na't maselan siyang magbuntis. Ipaiwas niyo siya sa kahit anong pwedeng maging dahilan ng stress niya. Lalo na ang pagiging emotionally stress. Ipaiwas niyo siya sa magiging dahilan din nang pagkalungkot niya. At isa pa, misis kumain ka ng mga healthy foods. Ibibigay ko din sa iyo ang mga vitamins na kailangan mo." Tumango kami at inabsorb lahat ng sinabi ni doctora. Nang ibinigay ni doctora ang mga gamot na daoat kong bilhin ay agad na inasikaso nila Josh ito. Ako naman ay nakatungo lang at hinihimas ang tyan ko. 'Sorry, baby.'

Alam kong nakatitig sa akin si Daniel at Aaron pero di ko magawang tignan sila pabalik. Para bang nilulusaw nila ako sa mga tingin nila. "Eto ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Jerome?" Pangbabasag katahimikang tanong sa akin ni Daniel. Unting unti akong tumango. Parehas silang suminghap. Sino nga ba ang hindi magugulat pag nalaman nila na buntis ako, at hindi iyon sa boyfriend ko, kung hindi sa bestfriend ng boyfriend ko. Everything is a mess but I know that everything happens for a reason.

"At, hindi alam ni Nathan?" Dugtong na tanong ni Aaron. Tumango ulit ako. "Tangnang lakaki 'yun!" Inis na sabi niya at agad namn siya tinignan ng masama ni Daniel para tumahimik. "Ano? Alam kong nakita mo ginagawa niya dun sa loob ng kwartong yun! He's kissing that bitch!" Sigaw ni Aaron kay Daniel. "Masasapak ko talaga 'yun!"

"Aaron! Bibig mo!" Sigaw ni Daniel. Itinaas ni Aaron ang kamay niya. Tila ba sumusuko na siya.

"Angie, kailan mo balak sabihin kay Nathan ito?" Tanong sa akin ni Daniel na may pag alala ang mukha. I shrugged. Hindi ko nga alam kung paano sabihin sa kanya. Lalo na ngayon? I don't think I can.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Hindi ko din alam kung sasabihi ko ba ito sa kanya. Di ko nga alam kung tatanggapin niya 'tong anak namin. I would rather not take some risk." Umiling iling ako. Alam kong hindi sila oarehas sang ayon sa sinabu ko. "Angie, he needs to know. He's the father of that child."

"I know, Daniel. But... I'm scared."

Nang makabalik sila Hana ay agad kong sinabi na gusto ko nang umuwi. Ayaw sana nila pumayag dahil daw dapat ay nagpapahinga muna ako. Buti nalang pinayagan na akong mag discharge ng Doctor. I was lucky na hindi ko nakita o nakasalubong si Nathan dito sa Hospital. Nag convoy kami. Katulad nang pagpunta namin sa Hospital. Sinamahan nila ako hanggang sa unit ni Nathan. Nagluto si Aaron ng pagkain namin. Nung natapos kaming mag dinner ay pinagpahinga na nila ako. Gusto ko silang irapan.

"Umalis na nga kayo! Naiistress ako sa inyo." Inis na sabi ko. Parang lahat ng kilos ko inaalalayan nila ako. Nanglaki mga mata nila. Marahil alam nila na bawal ako mastress kaya ayun! Nagsialisan na din sila. Hay salamat naman! Tahimik na buhay ko.

Iniligpit ko ang ibang kalat na naiwan nila sa sala nang narinig kong magbukas ang pintuan at iniluwa si Nathan. Napatingin ako sa kanya, at nakita ko na nakatingin siya pabalik sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. He's here. He's back.

Pero agad kong pinutol ang titigan namin. He's back pati puso niya. Bumalik na sa may ari. Binilisan ko ang pagpulot ng basura at agad na tinapon ito sa trash can. Tila ba invisible siya sa paningin ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ipinikit ko ang mata ko. "Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako." Matigas na sabi ko sa kanya, pero para siyang bingi at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. Pinilit kong kumawala. "Sofia." Sabi niya at kumunot ang noo ko.

"Let me go, Nathan." Umikot ako para makaharap siya at malakas siyang tinulak. Nang dahil doon ay nabitawan niya ako. I want to punch him. How dare he hug me!

"Angie, sorry kung di ako nakauwi. Samantha sa hospitalized--" pinutol ko agad ang sinabi niya, "I don't care."

"At wala akong pakialam kung magkabalikan kayo." Dugtong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. He looks guilty. So, totoo ngang nagkabalikan sila?

"Paano mo nalaman?" Seryosong taning niya sa akin. "Paano? Nakita ko lang naman kayong naghahalikan! Alam mo, wala akong pakialam kung maghalikan o maglapaan kayo dyan! Tutal masaya ka naman sa malanding babae na 'yon!--"

"Don't call her that! Hindi malandi si Samantha!" Galit na sabi niya sa akin. "Hindi siya malandi? Hah! Sinong niloloko mo? Sarili mo? Masyado ka na ba nabulag ng babaeng 'yun? O sabagay! Parehas kayong malandi." Nakita ko kung paano kagalit siya sa akin. He's mad at me kasi sinabi kong malandi si Samantha na 'yon? Hindi ba niya nakikita?

"Sofia! Wala kang karapatan sabihing malandi si Samantha! Tangna!"

"Sige di ko na siyang tatawaging malandi kasi di lang naman siya itong malandi. Ikaw din pala. Sabagay, birds with the same feather flocks together. Hindi na kita papakialaman. Wala na akong pakialam sayo at sa buhay mo." Dirediretsong sabi ko sa kanya. I am too mad! Too mad!

"Kung wala nang ibang sasabihin yang bibig mo tungkol sa mamasamang salita kay Samantha siguro nga tama ka. Wag na tayong magpakialamanan." Tumalikod siya sa akin at naglakad papasok sa kwarto niya.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon