Alam ko naman talaga na malandi siya pero akala ko kahit may taglay siyang kalandian ay meron parin siyang busilak na puso. Oo, busilak talaga kasi kahit anong gawin ko, nung malungkot ako, dinala niya ako sa isang magandang lugar. At nagkamali ako. OA man sabihin, kahit hindi ako yung pinagtataksilan eh nasasaktan ako para kay Kuya Paul. Kasi kahit anong dahilan niya, kahit gaano niya kamahal si Samantha, kapatid niya parin si Kuya Paul. At Walang kaalam-alam ito sa nangyayari sa dalawang taong importante sa buhay niya. Sa oras na malaman ito ni Kuya Paul, it will surely break his heart.
Nang matapos yung dinner napagpasyahan na naming umuwi. At mukhang parehas kaming walang gana magsalita, kasi nakauwi na kami't hindi parin kami nag-uusap. Mabuti na din ito, kasi baka kung ano lang masabi ko sa kanya. Galit ako sa kanya, kahit na naging mabait siya sa akin. Galit ako sa ginagawa niya.
Kailan pa kaya nila niloloko si Kuya Paul?
Kinabukasan napagpasyahan kong umalis nang maaga. Ayoko kasi makita ang mukha niya. Tuwing naaalala ko yung halikan nila at yung mga tinginan nila para silang mga masasamang tao sa paningin ko.
"Atey! Ang deep naman nang iniisip mo? Dinaig pa yung balon ni sadako!" Hinampas ako ni Josh. Kami lamg dalawa ni Josh ang nasa room dahil nga maaga. Si Josh kasi busy sa kanyang drama club kaya maaga siya pumasok. Nangnalaman niyang nandito ako ay umalis muna siya doon para samahan ako.
"Kaimbyerna ka eh! Sinamahan na kita lahat lahat ganto pa ang igaganti mo sa akin? Wiz ko knows ang nangyayare atey! Mashaket. Mashaket sa heart este hypothalamus!" With matching turo sa kanyang ulo. See? Kaya magandang nasa Drama club siya. Secretary kaya siya doon!
"Josh, paano pag nalaman mo na yung taong mahal mo niloloko ka para sa kapatid mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Atiii. Wiz akong kapatid!" Sabi niya sa akin 'as a matter of fact' habang pinipilantik ang kamay niya. Binatukan ko nga.
"Paano nga eh!" Nakakainis 'tong kausap bading na ito!
"Aba. Nagtatanong ka sinasabi ko lang naman ang totoo!"
"Labo mo kausap! Bumalik ka na nga lang sa club mong madrama! Chupi! Layas!" Sabi ko sa kanya habang tinutulak ko siyang patayo.
"Ay. Grabe ka! Magrereklamo ako! Abuse against women!" Tinarayan ako sabay umalis. Gusto ko sanang isigaw na hindi siya 'Babae' pero wala na siya sa paningin ko. Bwiset talaga yung baklang :yun. Ang gwapo gwapo tapos bading. Pa-rape ko kaya sa babae? Sayang eh.
Sa ngayon iniisip ko parin ang situation pinasukan ni Nathan. Ugh. Bakit ko ba iniisip yung lalaki na 'yun? Alam mo yung feeling na akala ko bumabait na siya kahit papaano, tapos biglang sinira ulit. Alam kong maling manghusga, di kaya si Samantha ang naging dahilan kung bakit siya naging Heartbreaker? Ano ba yan Author, gumagaya ka ba sa ibang writers? Yung tipong naging playboy yung character kasi nabroken hearted? Ano ba naman yan. Wala kang originality! Joke lang!
Napagisipan ko na kumain na lang muna sa cafeteria. Bakit kasi ang aga ko diba? nakakinis talaga yung Nathan na 'yun!
Nang nabili ko yung dapat kong kainin umupo ako sa bandang dulo na table. kumakain ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Si Daniel pala. Nakangiti siya sa akin. "Daniel! Anong ginagawa mo dito?" Masayang bati ko sa kanya.
"Wala naman. Nakita kita eh, Kaya umupo ako. Wag mong sabihin papaalisin mo ako dito katulad ng dati? Magtatampo na talaga ako." nag pout siya. Ang cute talaga. Kaya natawa naman ako.
"Anong tinatawa mo dyan? Lagi ka naman kasing ganyan. Kaibigan mo ako, pero di kita nalalapitan."
"Sorry na dans. Alam mo namang ayaw ko na makihalubilo sa mga tulad niyo. Sikat." si Daniel ay schoolmate ko simula highschool ako at alam ko halos lahat tungkol sa kanya. Siya din naman ay alam ang lahat tungkol sa akin. Isa siyang mabuting kaibigan. Mapapagkatiwalaan, nakilala siya nila Hana nung pumunta siya sa condo unit ko na nanduon sila. Kaya laking gulat nila na close pala kami ni Daniel, pero kahit ganun, para parin silang baliw do'n sa apat, na para bang, "kaibigan mo sya, pero crush parin namin sila", sila ang tunay kong mga kaibigan. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ipaalam ay dahil na rin siguro sa narasan ko dati, lahat nang inakala kong kaibigan ay fake lang pala. Yung tipong kinakaibigan nila ako kasi may kakilala o kaibigan akong gwapo. Bakit ang ibang babae napakadesperada? Bakit di maiwasan magkaroon ng fake na kaibigan 'no? Nasabihan na din ako nang malandi dahil sa akin lang nakikipag usap dati si Daniel. Ang sabi niya sa akin, ayaw niya sa ibang babae, nung panahon na iyon, alam ko. Alam kong gusto niya ako.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni daniel sa akin. Ngumiti ako sa sinabing "Wala, ang gwapo mo lang!"
Napangisi naman siya. "Aba! Oo naman! Gwapo ako! Kaya nga nagtataka ako, bakit di ka man lang na-inlove sa akin." Nanlaki mata ko at kinurot ang tagiliran niya. "Heh! Tigilan mo ako."
"Joke lang naman." Sabay subo nung kinakain kong spaghetti. Medyo makapal talaga mukha niya. "Nga pala, matagal ko nang pinag-iisipan. Kung lasing kayo nung nagpakasal kayo, paano kayo napayagan?"
Oo nga pala. Siguro ang iba sa inyo nalito kung paano 'no? Hahaha. Ganto kasi yun, nung naglasing kami, hindi halata na lasing kami. magulo ba? "Basta mukha lang hindi kami lasing pero lasing kami. Dumiretso kami sa isang Jewelry shop tapos pumunta kami ng City Hall. Kaibigan pala nila daddy ko at daddy niya yung Judge. Since sabi nila mahirap daw magkaroon nang biglaan na civil wedding, binayaran ni Nathan yung ibang tao para sa mabilis na process, isa pa nakaready na talaga ang papers para sa kasal ang alam ko ang kulang nalang ay yung name ko. At di na namin kailangan ng family approval dahil, di na kami minor. Kahit kakilala namin yung Judge Cortezo, ang nakuha lang namin ay yung Marriage Certificate. At walang Civil Wedding na naganap talaga. Kinabukasan, nakarecieve ng letter sila mommy." Tumingin ako kay Daniel na parang di makapaniwala ang itsura nya. (Again, this is pure fiction. Saka wala akong masyadong alam tungkol sa Civil marriage. HAHAHA. Tinamad si Author-nim mag search tungkol dito XD Ang alam ko lang is mag 15 days ata bago maapprove XD)
"Hindi ko parin magets. Ang meron lang kayo eh 'yung Marriage License? At nakaready na ang mga papers?" Naalala kong ready na ang mga papers at kulang nalang ang pangalan ko. Agad akong napahinto, nakaready na? Ibig sabihin ay pinagplanuhan na ni Nathan ang pagpapakasal? Pero... Hindi kaya para sa kanila ni Samantha?
"Oo. ganun na nga." Sabay tango tango ko. Naguguluhan ako, nalilito. Hindi kaya tama ang hinala ko? nagulat ako nang bigla akong batukan ni Daniel. "ARAY KO! Bakit mo ako binatukan?!" Nanlalaking mata kong tanong sa kanya.
"Ang bobo mo talaga! Sumasakit ulo ko sayo. Dahil lang do'n nagpakasal ka na." Nakasimangot niyang sinabi sa akin. Oo nga naman, kahit sino naman magagalit sa decision ko, well, except for my parents. they are happy and... pleased. Wala na akong sama ng loob sa kanila. After all, pamilya ko sila. Sila ang importante. Kahit na nasaktan ako ng husto. Mahal ko parin sila at alam kong mahal din nila ako. Nung panahon pinapili nila ako, duon ko narealize, na my parents were my everything. I love him, but I love my parents more. Nasaktan ko siya ng husto, kaya siguro kinarma ako nang ganito.
"Alam mong hindi magwowork 'tong relationship niyo ni Nate."
"I know. May Annulment pa naman. Saka hindi ko ata kaya sikmurain yung ugali niya." nagkibit balikat nalang ako.
"Annulment? Akala mo madali lang yun?—" nag tsk nalang siya nung sinubuan ko siya para di na siya mag salita. Nginitian ko na lang siya. Kung tutuusin kapatid na kung ituring ko siya, at alam kong mahalaga ako para sa kanya. Di na siguro masama bumalik sa dati 'no? May mga kaibigan na akong pagkakatiwalaan at hindi ako itatake for granted. Masaya na ako sa kalog kong pamilya pati sa kaibigan ko. Kung tutuusin sobra sobra na sila para sa akin.
Naramdaman kong may nagmamasid sa akin kaya naman napalingon ako sa kabilang side kung saan nakatapat ako sa bintana at nakita kong nakatingin sa akin si Jerome. Isang tingin na punong puno ng emosyon. Walang bahid ng galit. Kundi pagkalungkot.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...