I
"Care to explain this news?!" Madiin na tanong ni Papa (Nathan's father) kay Kuya Paul at hinagis ang hawak niyang dyaryo habang siya naman ay nakatungo lang. He look wasted. He look stressed.
"Dad, kalma ka lang." Hinawakan ni Mama (Nathan's mother) ang braso ni Papa na para bang kinakalma niya ito. Base sa mga expression nila ay halatang disappointed sila kay Kuya. Si Nathan naman ay nanatiling tahimik sa tabi ko. Napailing nalang ako. "Hindi ako kakalma! Ano bang katangahan 'yang ginagawa ng anak mo? Pati negosyo natin nadadamay na. Ni hindi nga 'yan makafocus sa trabaho niya! Napapabayaan na niya ang negosyo natin. Tapos ano? Nagawa mo pang mangloko? Di mo ba alam kung gaanong kalaking issue ito? Di ka namin pinalaki para lang gawin 'yan lalo na sa fiance mo."
Niyukom ko ang aking mga palad. Hindi nila alam ang totoong nangyari. Si Kuya ang kawawa, hindi iyong malanding babaeng iyon! Nathan is my friend but, pag dating sa ganitong bagay gusto ko siyang sigawan na sana makonsensya siya. "I'm sorry." Mahinang bulong sa akin ni Nathan at hinawakan ang aking kamay.
"Dad, it's true. Kasalanan ko kaya nakipaghiwalay siya. I'm sorry." Mahinang bulong ni Kuya Paul sapat nang marinig naming lahat. Padabog na inilapag ni Papa ang kanyang baso at kinuwelyuhan si Kuya. Lahat kami ay napasinghap sa ginawa ni Papa. Nung susuntukin na niya dapat ito ay mabilis na pumagitna si Nathan. Hinawakan ni Mama si Papa at ako naman ay dumiretso kay Kuya Paul.
Hinila ko palayo doon si Kuya Paul, naglakad kami papuntang kwarto niya. Nang makapasok kami ay agad siyang dumiretso sa kama niya at humiga. Napabuntong hininga nalang ako. "Bakit kailangan mong akuhin ang kasalanan ng iba?" Tanong ko sa kanya at umupo sa gilid nang kama niya.
"Kasi mahal ko siya."
"Hindi niya deserve 'yun!" Inis na sinabi ko sa kanya. Bakit ba kasi ang bait nito? "Hindi mo ba alam iniisip sayo ng ibang tao? Masama ka! Na mabuti nalang daw na iniwan ka ni Samantha! Na ikaw ang nangloko! Katangahan 'yan kuya! Hindi pagmamahal. Katangahan."
Umupo siya upang humarap sa akin. "Pag mahal mo ang isang tao, nagiging tanga ka." Sabi niya sa akin. Umiling iling ako bilang sagot sa kanya.
"Kuya, alam ko pag mahal mo ang isang tao nagiging tanga ka. Pero hindi yung sisirain mo ang sarili mo sa sobrang pagmamahal sa kanya."
Self destruction.
"Angel, alam ko. Pero mahal ko talaga siya. Kahit anong galit ko sa kanya, naninibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. I love her more than I love my self." Siminghap ako nang nakita ko siyang umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, hinagod ko ang kanyang likod para pakalmahin siya nang bigla ako nakarinig ng isang tikhim. Lumingon ako at nakita ko si Nathan na nakatingin sa amin, isang blangkong tingin. Binitiwan ko si Kuya Paul at hinarap siya nang maayos. Hindi ko talaga nagugustuhan ang pinaggagawa ni Nathan sa buhay niya.
"Tara na, aalis na tayo." I was expecting na kakausapin niya ang Kuya niya. Respeto naman diba? Lalo akong nadisappoint nang tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Parang bumagsak ang pag asa ko na hihingi siya ng tawad sa kuya niya, sa lahat nang kasalanang ginawa niya. "Nathan!" Tinawag ko si Nathan pero isinara na niya ang pintuan.
"Angel, sundin mo asawa mo." Saad ni Kuya Paul, nilingon ko siya ng may alinlangan. "Kuya, hindi dapat ganito."
Umiling siya sa akin at ngumiti, "Bawal kang mastress baka mapaano pa si baby." Tinignan ko siya bago ako lumabas ang kwarto. Nang isarado ko ang pintuan ay nakita kong nakasandal sa pader, nang nakita niya ako ay umayos siya nang tayo. Tinignan ko siya ng mabuti. Gusto ko makakita ng pagkaregret, regret sa ginawa niya sa Kuya niya. He's more than this. "Nathan, Hindi ko gusto ang ginagawa mo." Tumingin siya sa akin na nakaawang ang kanyang bibig. "Sof--" Magsasalita pa sana siya kaso hindi ko siya pinansin.
Dumiretso ako hanggang sa makababa ako nang hagdan. Nakita kong tahimik na nag uusap sila Mama at Papa. Nang makita nila kami ay agad na tumayo si Mama para lumapit sa amin. "Pasensya na, nasira yung dinner natin ah?" Malungkot na ngumiti si Mama sa akin. Umiling ako at sinabing, "Wala po iyon, Mama."
"Oh sige na, masyado nang gabi. Mag ingat kayo ah. Kakausapin ko pa ang Papa, papakalmahin. Masyado siyang nadisappoint kay Paul." Malungkot pang dugtong niya habang pinapanood na lumapit sa amin si Papa para magpaalam. "Papa, wag ka nang magalit kay Kuya Paul. Mabait siyang tao. Hindi niya gagawin iyon." Diretsong sabi ko sa kanya at para bang nagulat siya sa sinabi ko. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit sa akin ni Nathan. "Sige po. Aalis na kami. Pahinga na po kayo."
"Hindi mo kailangan mangialam sa gulo sa bahay." Napaismid ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko. Kakatapos ko lang magshower, pagkaalis namin sa bahay nila Mama ay naging tahimik ang byahe namin pauwi. Sinubukan niya akong kausapin pero hindi ko siya pinapansin. Pinipilit kong hindi siya pansinin. Kapatid niya si Kuya Paul, kahit anong mangyari hindi siya iiwan ng pamilya niya, pero bakit parang pinipili niya parin yung babaeng iyon? Ano nalang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ito nila Mama? Natatakot ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa kanya.
"Sino ba nagsimula ng gulong iyon?" Tanong ko sa kanya. Itinikom niya ang kanyang bibig at lumapit sa akin. "Sof, please? Wag ikaw."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Masyado na akong madaming problema. Si baby lang natin ang tamang nangyari sa buhay ko, kaya please lang, Angie. Wag ka nang magalit. Alam kong mali ang mahalin siya, maling mali. Pero Angie, intindihin mo naman ako. Ikaw nalang ang nag-iisang taong nandyan para sa akin. Bigyan mo ako ng oras. Oras lang ang hinihingi ko sayo, Sof."
"Kahit kailan hindi ko maiintindihan kung bakit mo pinatulan iyang babaeng 'yan. Ilang beses ka na naging tanga para sa kanya, pero ni minsan hindi ko naisip na ganito ang mangyayari sa kahibangan ml. Hayaan mo, hindi na ako makikialam. Sana... Sana gawin mo ang tama. Wag kang maging selfish. I care for you. Natatakot akong isang araw magalit lahat ng tao sa paligid mo dahil lang sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Baka sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, lahat nang taong nagmamahal sayo ay iwan ka." Sa ginagawa niya, hindi malabong mangyari ito. "Alam mo, inaantok na ako. Kaya pwede ka nang lumabas."
Tumayo na ako at humiga sa kama. Ilang segundo lang ay umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ang aking tyan. Tumikhim ako at lumingon sa kabilang side. "Good night baby." Hinimas niya ang aking tyan. "Good night din mommy." Ilang sandali ay nakarinig ako nang pagsara ng pintuan. Nilingon ko ang pintuan ko kung saan siya lumabas at saka bumuntong hininga.
Mahina si Nathan pag dating sa pag ibig. Pareho sila ni Kuya Paul. Paano na kapag nalaman ng ibang tao ang ginawa niya? Masisira siya. Napailing ako. Dapat hindi ako masyadong nag aalala para sa kanya. Tumayo ako para lumabas ng kwarto at nakita ko si Nathan na naka upo sa sahig sa gilid ng pinto ko. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na itigil na natin ito? I want out. I'm sorry. Hindi na tama ito. Let's stop this. Please Sam? Sam-- oh fuck!" Ginulo niya ang kanyang buhok na para bang frustrated siya sa nangyayari.
Nang nakita niya ako ay napatayo siya. "Bakit gising ka pa? Dapat matulog ka na, anong oras na oh." Mahinahon na sabi niya sa akin. Ngumuso ako, "Gusto ko ng pasta." Ngumiti siya sa skin at tinanong, "Gusto mo lutuan kita?" Ni hindi niya alo hinintay makasagot. Hinila niya ako papuntang kitchen at nagsimula kumuha ng mga kailangan niya sa cabinet at refrigerator.
"Manood ka lang dyan, saglit lang 'to." Ngumiti siya sa akin. Paminsan iniisip ko, paano siya nakakangiti kung napakarami ng problema niya?
Tumalikod siya sa akin at humarap sa lutuan, ako naman ay nakatingin sa likod niya, di ko mapigilang hindi malungkot. Malungkot siguro siya. Siguro dapat ko nang itigil pangingialam. Siguro ang dapat kong gawin ay suportahan siya hanggang sa gawin niya ang tama. Alam ko naman na sinusubukan niya. Alam kong gagawin niya. Dahan dahan ko siyang nilapitan at niyakap sa likod niya. "Nathan, tandaan mo na lagi lang kami ni baby nandito para sayo." Naramdaman ko ang paglapag niya ng sandok at hinawakan ang kamay ko. "Salamat, Angie."
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...