Chapter 9

5.9K 141 13
                                    

Umalis si Jerome nang hindi ko man lang naeexplain sa kanya kung ano ang totoong nangyari. Totoo naman ang natanong niya kung naikama na ba daw ako ni Nathan. Totoo naman diba? Naalala ko kung paano nangdiri ang mata ni Jerome habang tinitignan niya ako. Kadiri ako. Nandidiri ako sa sarili ko. Gusto ko nalang bigla mawala. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat nang nangyari? Ni kausapin siya ng maayos ay hindi ko magawa. Nakakalungkot isipin na yung taong mahal na mahal mo, ngayon ay kinadidirian ka. Paano niya ako mapapatawad? Ni tignan nga ako ay hindi niya magawa.

Umupo ako sa bench sa may park malapit sa pad ni Nathan. Nanghihina kasi ako, masyadong madaming iniiisip. Idagdag ko pa ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ba ang daming problema ang nangyayari sa akin. Sunod sunod pa pa ito. Oh God. Please help me. I don't even know what to do right now.

"Sya ba?! SYA BA YUNG DAHILAN?? Tngna naman Line! Sa dinami dami ba't yung Bestfriend ko pa?!"

"ANO. IIYAK KA NA LANG DYAN?? At nasa pad ka pa niya ha. Ano. Naikama ka na ba niya?! Hah! Unbelievable."

"Bitawan mo ako!! Tangna. Wag na wag kang lalapit sa akin."

Bigla ko nalang naalala lahat ng sinabi niya sa akin kanina. Ganun siya kagalit sa akin. Gusto ko umiyak kaso wala nang luha lumalabas sa aking mata. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung sana hindi ako pumunta sa bar, kung sana hindi ako nalasing, kung sana pinaglaban ko siya... hindi ito ang mangyayari. Puro sana. Napaka walang kwenta ko talaga. Si Jerome na mahal ko nagawa kong saktan ng husto. How can love be toxic?

Di ko namalayan na gumagabi na pala, hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakaupo dito, naramdaman ko na lang nang may umupo sa tabi ko kaya naman agad akong napalingon. "Daniel." napasinghap ako nang makita ko siya.

"Kanina ka pa ba nandito? Baka magkasakit ka nyan. Umuwi ka na." Payo niya sa akin. Halata sa mukha niya na nag-aalala siya.

Napatungo ako, sa huli, siya nanaman ang nilapitan ko. Sa kanya nanaman ang bagsak ko. Tuwing may problema ako ay handa siya makinig. Makikinig siya hanggang sa mag sawa na ako at mapagod. Nung araw na pinahihiwalay ako ni Mommy kay Jerome, sa kanya ko kagad sinabi. Sabi niya sa akin, wag ko daw isusuko ang kaibigan niya. Pero hindi ko siya sinunod. Sa halip ay nakipaghiwalay ako kay Jerome dahil duwag ako. Iniisip ko na kung sakaling kami parin ni Jerome ay baka naman ang mga magulang ko ang masasaktan. Tao lang ako, nasasaktan. Pinaghirapan nila Mommy ang business namin, pinag aral nila ako sa magandang school, binihisan ng maganda, pinapakain ng masasarap na pagkain at higit sa lahat ay tinanggap nila si Jerome. Mas mahalaga ay ang masalba ang pamilya ko. Nang nagmakaawa si Jerome, nung lumuhod siya... wala akong ginawa sa sobrang takot ko. Naramdaman ko ang unti unting pag bagsak ng luha sa aking mga mata. Again, I'm crying in front of him.

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. In him, I find calmness and comfortness. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malungkot na tanong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko."Bakit di mo sinabi sa akin na may problema ka nanaman? Bakit mo tinago? Akala ko ba kaibigan mo ako?" tumulo nanaman ang mga luha sa aking mata. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Ilang beses niya ako sinubukang kausapin. Pati si Aaron. Sinusubukan nila ako kausapi para makipag ayos kay Jerome pero binalewala ko iyo hanggang sa mapagod sila. Napagod na silang habuli ako para sa kaibigan nila. Alam ko kung gaano sila kagalit.

"Daniel. I'm sorry. I'm sorry. Please wag kang magalit sa akin. Hindi ko sinabi kasi lagi ka nang nadadamay sa problema ko. Ayoko lang maging pabigat." humigpit ang paghawak niya sa akin. Di ko kaya na pati siya ay magalit. Ayoko na pati siya ay magalit. Ayokong mawala ang kaibigan ko.

"Di naman ako galit sayo. Nagagalit ako sa situasyon mo. Kahit kailan hindi ka magiging pabigat sa akin, tandaan mo iyon." Bumuntong hininga siya. "Pwede mo ba ikwento sa akin ang nangyari?" tinanong niya ako at tumango agad ako.

At dahil doon ay ikiniwento ko sa kanya ang buong nangyari, habang nakikinig siya naramdaman ko ang pag aalala niya sa akin. Nang natapos ang kwento ko tahimik siya nakatingin sa langit. Malalim ang iniisp. Ang pagiging tahimik niya ang lalong nagpakaba sa akin. "Paano kung buntis ka?" huminto ang lahat sa tinanong niya. Paano kung buntis ako? Ni minsan di ko naisip na baka sa ginawa naming ay may mabuo. "H-Hindi ko alam." Saka... wala naman siguro diba? Wala namang mabubuo.

"Hindi pwedeng hindi mo alam, Angie. Sa lalong madaling panahon sabihin mo na kay Jerome na kung sino si Nathan sa buhay mo. Mahal ka ni Jerome, at pag nalaman niyang asawa mo na si Nathan na bestfriend niya, hindi ko na alam. Kung hindi mo sasabihin baka lalong magkakagulo kaming magkakaibigan." agad niyang sinabi sa akin kaya naman napatungo ako.

"Natatakot ako." Hindi ko na alam ang gagawin. Napapagod na ako. Ayoko nang masaktan lalo si Jerome. Di ko kakayanin na ako ang dahilan kung bakit siya nagka ganito. "Closure. Kapag nagawa mo iyon sigurado akong magiging okay ang lahat." Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito. Tumawa siya ng mapait, "Talaga palang kahit anong gawin ko, hindi ka magiging akin. Friendzoned na Friendzoned eh."

"Daniel naman." para akong naawkwardan sa sinabi niya.

"I'm just joking, sorry. DI ko lang mapigilan ang sarili kong sabihin iyon. Alam mo naman na gusto kita diba?" Tumingin siya sa akin. Oo alam ko, dahil kilala ko siya simula high school student palang palang ako. Pero bakit hindi ko nabanggit? Kasi nung time na umamin siya sa akin, lumipat na sila at ngayong collage nalang kami ulit nagkita.

Gusto kong tawanan ang sarili ko sa mga nangyayari. "Salamat Daniel ah? Kahit anong mangyari nandyan ka parin para sa akin. Hayaan mo bukas na bukas din kakausapin ko si Jerome. Aaminin ko na ang lahat. Saka pakisabi kay Aaron, sorry. Alam kong nagalit kayo sa akin."

"Kailan man ay hindi ko kayang magalit sa iyo. Note that, Sof." Ngumiti siya sa akin at niyaya na akong bumalik sa sa unit ni Nathan. Niyakap ko ulit siya bago siya umalis at hinalikan naman iya ang ulo ko. Sa lahat, siya ang pinaka masarap kausapin. Kasi kahit hindi ko sabihin alam niya nag nararamdaman ko, higit pa kahit kanino.

Pagkadating ko, patay na ang lahat ng Ilaw at nakita kong natutulog sa may couch si Nathan. Bakit kaya dito siya natutulog? Nilapitan ko siya at inayos ang kanyang kumot. Naalimpungatan ata siya sa ginawa ko at hinawakan ang aking kamay. "Saan ka nanggaling?"

"Nathan, bumangon ka na dyan. Lipat ka na sa kwarto mo. Gabi na oh." Sabi ko sa kanya pero tinitigan lang niya ako.

"Hinintay kita. At hindi mo pa nasasagot ang tanong ko." sabi niya sa akin at umupo para sumandal. "Ah, Sorry. Nasa may park lang ako at nagpahangin." Hinila niya ako paupo sa tabi niya. Bumuntong hininga siya. Tahimik lang siya kaya hinintay ko ang susunod niyang sasabihn. Suminghap siya at tumayo. "Narinig ko kayo kanina ni Jerome. Ikaw ang girlfriend niya?" Seryosong tanong niya. Tinitigan niya ako ng seryoso kaya wala akong nagawa kundi ang tumango bilang sagot sa kanyang katanungan. Suminghap siya na para bang napakalaking problema ang napasok niya at hinilot ang kanyang sentido. Para bang sumakit ulo niya sa mga naririnig niya.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon