Chapter 48

5.3K 103 2
                                    

Nathan was true to his word. Hindi niya ako iniwan nung araw na iyon, instead he used that specific time to cope up with the days he missed. Nakita ko ang pagkasabik sa kanyang mga mata habang kinukwento ko ang nangyayari kay Gabby. Alam ko naman na mahal niya ang anak namin. Alam ko kasi nararamdaman ko at nakikita ko, tuwing binabanggit ko pangalan ni Gabby ay kumikislap ang kanyang mga mata.

"Sayang..." malungkot na saad niya. "Ang dami kong sinsayang na oras sa inyo. Pasensya na Sof kung ang dami kong pagkukulang sa inyong dalawa." Ngumiti ako sa kanya ng tipid at hinawakan ang kamay niya.

"Wag na natin isipin yung nangyari dati, yung mga pagkakamali mo, ang gusto kong gawin mo ngayon eh, gawin mo ang tama." Tumango siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

Nang umuwi si Gabby ay napagpasyahan ni Nathan na mag leave muna sa work niya, sabi niya gusto niya kaming makasama nang mas matagal. Okay naman sa akin ito, pero iniisip ko na baka lalong dumami trabho niya dahil nakatambak lang ito.

Until one day while Nathan is playing with our son, narinig kong tumunog ang phone niya. Nasa Sala sila habang ako naman ay nag aayos ng damit sa kwarto namin. Mabilis ko itong dinampot at agad kong nakita ang isang Unknown number.

From: +639*********
Nathan kailan ka pupunta dito? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko pati mga texts ko sayo?! Gusto mo na ba akong magpalaglag?! Kapag hindi ka pa nagpakita sa akin magpapalaglag ako! At sasabihin ko kila Tita na ikaw ang ama nang dinadala ko! Alam mo ang kaya kong gawin! I'm warning you!!

Agad na kumulo ang dugo ko, How dare her threaten Nathan! At talagang magpapalaglag siya pag hindi pumunta si Nathan? What the! Ganun na ba siya kadesperada na pati inosenteng bata ay idadamay niya?!

Mabilis ako na nagtipa ng irereply ko sa kanya. Kailangan nang matapos ito.

To: +639*********
Let's meet at Rockwell. At 3pm.

From: +639*********
Oh Nathan, I miss you. Okay, I'll be there. :)

Nababaliw na siya... No... SHE'S CRAZY! Ayan ang gusto ko sabihin sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung paano niya nagagawa ito!

Agad akong naghanda para makaalis ng bahay. Pagkababa ko ay nakita ko si Nathan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin at karga karga si Gabby. "Saan ka pupunta Sof?"

"Makikipagkita ako kila Hana, saglit lang ito. Bantayan mo si Gabby ah." Hinalikan ko si Gabby sa noo at hinalikan ko siya sa pisngi.

Tumango siya. "Okay, ingat ka ah. Magtext ka sa akin pag nandoon ka na. I love you." Ngumiti ako sa kanya.

Nagmadali na ako papunta kung saan kami magkikita. Tinext ko ulit si Samantha gamit ang phone ni Nathan na dala dala ko sa restaurant kung nasaan ako.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko nakita si Samantha na nakangiting papasok sa loob ng restaurant.

Agad niyang inilibot ang kanyang mga mata sa loob ng restaurant ang kaninang nakangiti niyang mukha ay biglang naglaho nang makita niya ako. Iniyukom niya ang kanyang kamay at agad na nagmartsa patungo sa inuupuan ko. "How dare you! Asan si Nathan?!" Sigaw niya sa akin.

Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao, kalma ko siyang tinignan at saka sinabing, "umupo ka muna. Nakakahiya ka."

Nakita ko kung paanong dumilim ang kanyang mukha sa sinabi ko, padabogs siyang umupo sa harap ko.

"Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si Nathan?!" Gigil na tanong niya sa akin. Gusto ko siyang sampalin. She's too obsessed! But, I won't do that.

Tinitigan ko siya hanggang pababa sa kanyang tyan. I think she's 6 months pregnant. I wonder why she keeps on telling Nathan na magpapalaglag siya. Hindi niya ba mahal ang anak niya?

"Nandito ako para sabihin sayo na tigilan mo na si Nathan." Matapang na sinabi ko sa kanya. Of course! I know na hindi ko siya makakausap nang maayos. Afterall, she's Samantha. She's desperate.

Tumawa siya sa akin at saka sumeryoso. "Ako dapat ang magsabi niyan! Sa akin si Nathan. Simula nung dumating ka, he changed! Paniguradong nilandi mo siya kaya siya nagkakaganito ngayon! He's mine! Simula umpisa palang!"

"Hindi mo pagmamay ari si Nathan! He's not a toy na kapag nakukulangan ka sa isa ay pupunta ka sa kanya!"

"Well, he loves me. And he can do anything for me." Matapang na sagot niya na ikinatawa ko. Umiling pa ako.

"He doesn't love you anymore. Kaya pwede bang itigil mo na ito? Bakit mo ba pinagpipilitan sarili mo kay Nathan and what? Kaya mong patayin yang nasa tyan mo kapag hindi ka niya sinunod? Wala ka na bang awa dyan sa bata? Sa sarili mong anak? Ganyan ka ba kasama na pati inosenteng bata ay kaya mong patayin pag hindi nasunod ang gusto mo?"

Tumayo siya sa akin para sampalin ako pero agad kong hinawakan ang kamay niya. "Bitawan mo ako!!" Galit na sabi niya sa akin.

"Wala kang puso. Kaya ka iniiwan nang taong mahal mo. Wala kang awa." Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko sa kanya. "Maawa ka naman sa sarili mo."

"Bitiwan mo sabi ako!" Bumuntong hininga ako saka siya binitawan.

Tumayo na ako para sana umalis pero agad ko siyang narinig na sumigaw. "Ang baby ko, tulungan niyo ako!"

Para akong nanigas sa kinayayuan ko, pero naramdaman ko ang paghawak niyasa aking kamay. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. "Tulong" mahinang saad niya .

"Please tumawag kayo ng ambulance!" Sigaw ko, agad naman na may tumulong sa amin, nakahawak parin siya sa kamay ko hanggang makasakay kami sa loob ng ambulansya.

"Angeline, ang baby ko."

"Sam, kapit ka lang, okay?" Tumango siya sa akin at ipinikit ang kanyang mga mata.

Oh God, hindi ko gusto mangyari ito. Iligtas niyo po sila. Wag niyo sila pababayaan. Pakiusap.






--

Yeheyyy! Muling nagbabalik. Sorry sa late update sobrang daming nangyari sa akin nung nakaraang araw. And thank you sa mga nagbabasa ng story na ito. Love you guys!!!!!!!! Enjoy.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon