"Angie, hindi ko talaga maintindihan yang takbo nang utak mo." Napakamot ng ulo si Hana at napangiwi naman ako. Nitong nakaraang araw madaming nangyari, nalaman na nila Josh na nagkabalikan na kami ni Jerome, masaya sila, pero natatakot sila kung anong mangyayari sa akin lalo na pagnalaman nila Mommy itong pinaggagawa ko. Una daw, maayos na kami ng pamilya ko, pangalawa, nagchecheat ako kay Nathan dahil nga asawa ko siya, at the same time napaisip ako, 'diba parehas lang kami nagloloko sa isa't isa?'. Higit sa lahat mas malala ang ginagawa niya kesa sa akin.
Naikwento ko na din sa kanila ang nalalaman mo tungkol kay Nathan at Samantha. Nagulat sila, at naiinis kung bakit pinatawad ko si Nathan nung nagsorry siya sa akin. Oo naiinis ako sa kanya, pero di ko makaila na... baka kaya ganun kasi nagmamahal lang siya. Na sadyang nagmahal siya sa maling tao.
Mahirap magmahal lalo na kung mali ang panahon, oras o wala sa tamang lugar. Pero kahit anong gawin mo, kahit pigilan mo magmahal, di mo maggawa yun.
Napaisip din ako sa huling sinabi ni Sam bago ko sila makitang naghalikan, pinapili niya si Sam, ibig sabihin naiipit lang din siya sa situation nila. Gusto ko sana siyang kausapin at tanungin, pero di ko alam kung paano magsisimula. nabalik ako sa realidad nang hinampas ako ni Josh, at ngumuso na parang may tinutuuro sa likod ko. Nang lumingon ako, nakita ko si Jerome na may dalang roses. Napatingin kagad ako sa paligid. Mabuti nalang wala masyadong tao sa cafeteria dahil anong oras na din naman. Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa cheeks. Tuingin ako kila Josh at napansing nakangiti sila samantalang si Hana, nakangiwi. Pero di nagtagal ay umiling iling na lang siya ant ngumiti ng totoo.
"Bakit ka may roses? Para saan ito?" tanong ko sa kanya. "Wala lang, gusto lang kitang bigyan." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tumili naman sila Josh nang nakita nila ang ginawa ni Jerome.
"Nakakainis naman. Makahanap na nga ng Fafa!" sabat ni Josh habang kinakain yung ice cream niya, Samantalang si Kessie naman tumiingin sa amin at sinabing, "Masaya akong nagkabalikan na kayo. Ayan ah, sana wag na kayo magdrama, nakakaloka pa naman kayo. Jusko daig ko pa nagbabasa ng wattpad stories sa sobrang kadramahan niyo. At dahil dyan, libre niyo kami!" tumawa naman kami, at napansin kong napatawa na din si Hana kaya nung nagkatinginan kami bigla niyang sinabi "Hay nako friend! Pasalamat ka talaga kaibigan kita, kung anong decision mo dun ako, at masaya akong masaya ka. Tandaan mo nandito kami para supportahan ka." sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya.
"Oh! Ang dradrama niyo teh!" Bato ni josh sa amin nung tissue na ginamit nya pamunas ng bibig. "EW!"
"Anong gusto niyong order? bibilhan ko kayo." Napatingin kami kay Jerome at ngumiti naman siya. At dahil makakapal ang mukha nila, syempre nagpabili sila. Habang nagoorder ng pagkain si Jerome, patuloy parin ang usapan namin.
"Gurl, nakaka-inggit. Makapaghanap na nga ng fafa!"
"Tse! Fafa ka dyan! Hanapin mo babae, hindi kapwa mo!" sabat ni jessie.
"Ew. parang sinasabi mo makipagrelasyon ako sa kalahi ko. No way, high way!"
"Baliw, ang gwapo gwapo mo tapos bading ka! Aba maawa ka naman sa pilipinas! mas madami nang bading na gwapo kesa sa lalaki, tapos yung ibang natitirang lalaki kala mo naman kagwapuhan!" hampas ni Jessie kay Josh kaya naman sinabunutan siya ng bading.
"I don't care. Pusong mamon ako, at di na mababago yun. kahit magka amnesia ako o nabagok ulo ko, berdeng dugo ang tumataglay sa akin! Nevah. Nevah matutupad yang chuvaness mo!" Nandidiring saad ni Josh. Sinabunutan siya ni Jessie. "Wala ka talagang pag-asa! Nako! Pag ikaw talaga nahulog sa babae, pagtatawanan kita!" Pang aasar ni Jessie sa kanya. Inirapan lang siya ni Josh sabay sabing, "Asa kang mahuhulog ako!"
Napansin ko naman napabuntong hininga si Hana na nakatingin ng malungkot kay Josh at napa-iling. Napakunot ang noo ko kung paano niya titigan si Josh. Bakit ganun?
"Babe." naradaman kong pumulupot ang kamay ni Jerome sa waist ko kaya napatingin ako sa kanya at nginitian siya. Sila Jessie naman ay nagsikuhaan na ng pagkain na in-order nila kay Jerome.
"Hmm?" lumingon ako sa kanya, nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Para 'tong ewan. Kanina ka pa ngumingiti ah!" natatawang sabi ko sa kanya. "Masaya lang ako. Mas masaya pa 'to nung sinagot mo ako." napangiwi naman ako at napakunoot ang noo. "Kasi, kahit ang dami nating napagdaan, you... you still love me, like the way I love you. No words can explain how grateful I am, how thankful I am, na bumalik ka sa akin. Sorry for being an asshole." bulong niya sa akin habang niyayakap niya ako.
"Ako dapat magsabi niyan sayo. Thank you for not letting me go. I love you." hinalikan niya ako sa cheeks pagkasabi ko nun. Napangisj siya. "I will never let you go unless you told me so." Mahinang bulong niya sa tenga ko.
"Get a room! Get a room!" sigaw ni Josh kaya naman binatukan ulit siya ni Jessie. "Hoy babaeng walang boobs! Kanina ka pa nananakit ahh! Pasalamat ka parehas tayong gurl! Kung hindi, lalong maflaflat yang hinaharap mo!"
"Ang kapal mo! May boobs ako!"
"Oh? Talaga saang banda?"
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...