Chapter 11

5.8K 135 5
                                    

"Oh. Tutungangaan mo na lang ba ako dyan?" Tumaas ang isang sulok sa kanyang labi at tinaasan niya ako ng kilay. Ako naman ay tila hindi pari nag aabsorb sa utak ko na nasa harapan ko siya at nakatunganga parin sa kanya. Tila ba naguguluhan ako kung bakit nandito siya sa harapan ko, Bakit siya nandito? Sinundan niya ba ako? O sadyang nagkasalubong lang kami?

"Baka gusto mo gumalaw? Ayaw ko pa mamatay." Muli niyang sabi sa akin. At dahil doon itinuon ko ang pansin ko kung nasan ako. Napansin ko nasa gitna parin kami ng kalsasa. Tinignan ko ang stop light at ito'y naka-red na. At dahil dito nakahinto din ang mga kotse.

Hanggang sa unting unti siya lumapit sa akin. "Aba. At wala ka talagang balak gumalaw?" Kumunot ang noo niya sabay hinila na niya ako papalapit sa kanya at pinayungan. Wala sa sariling sumama ako sa kanya. Ni hindi ko alam kung saan na niya ako dadalhin. Ang alam ko lang sinakay niya ako sa kanyang kotse at pinaandar ito. Nagulat ako ng bigla siyang humimto at tumikhim. Kinuha niya ang bag niya mula sa backseat at inabot sa akin ang isang malaking plain black t-shirt. Binigyan niya ako ng damit pamalit marahil napansin niyang basang basa ang suot kong damit.

"Magpalit ka. Basang basa ka na oh. Gusto mo ba magkasakit?" Tanong nya habang nakatingin parin sya sa kalsada habang nagmamaneho. Tinanggap ko ito at mahinang nagpasalamat. Biglang nag-init ang pisngi ko nangnarealize ko na dito din ako magbibihis. Napansin niya ata ito at hininto ang kotse.

"Lalabas ako. Magpalit ka na." Mabilis na sinabi niya at lumabas siya, tumalikod sa akin. Dahil tinted naman 'tong kotse niya ay naisipan ko nang magbihis ng mabilis. Hindi nagtagal ay binuksan ko ang bintana para sabihin sa kanya na tapos na ako magbihis. Tumango siya at pumasok sa loob ng kotse niya para patuloy na ang pag drive. Itinuon ko ang pansin ko sa daanan.

"S-San tayo pupunta?" Nanghihinang tanong ko sa kanya nang napanisin kong ibang lugar na ang dinadaanan namin. Malayo na ito mula sa amin, halos napansin ko ang madaming puno at palayan, "Dyan dyan lang sa tabi-tabi." Sabi niya sa akin sabay balik sa pagmamaneho. Kung normal na araw to baka nasigawan ko na s'ya dahil hindi siya matino kausap. Pero dahil wala akong gana. Eto ako ngayon tahimik lang at nakatingin sa labas. Ni wala akong gana makipagtalo sa kanya. Mas mabuti na ding sumama kung saan man kami pupunta. Gusto ko ngang lumayo sa lugar kung saan makakalimutan ko si Rome, pero mukhang malabo naman ata iyon. Kasi hanggang ngayon masakit parin ang mga sinabi niya, kahit na kasalanan ko, masakit parin. Loving him hurts so much. Dahil sa mga sinabi niya, alam kong sumusuko na siya sa akin, ayaw na niya sa akin. Ano ba dapat kong gawin? Siguro mas magandang kalimutan na din siya, dahil alam kong mas makakabuti ito para sa kanya. Kasal na ako, ayokong mas magalit siya sa akin pag nalaman niya itong secreto ko. Saka, baka magalit din siya kay Nathan, lalo na at bestfriend niya ito. Miski naman sino eh, magagalit kung yung babaeng mahal mo ay pumatol sa kaibigan mo. hindi ko siya masisisi kung galit na galit siya sa akin. This is my karma.

Narinig ko na lang ang kanyang buntong hinga habang itinutuon ko parin ang sarili ko sa may bintana. Tumikhim ulit siya at nagtanong, "Pumunta ka sa bahay ni Jerome?" Napatingin ako sa kanya nang dahil doon, tumango ako sa kanya. at agad siyang umiling na para bang mali ang ginawa ko. Para bang nadidisappoint siya sa ginawa ko.

"Si Jerome kapag ayaw niya makipag-usap ayaw niya talaga. Kahit anong gawin mo di mo maipipilit ang balak mo. Kung ako sayo bigyan mo siya ng time. Hindi madali ang napagdaanan niya. Sinaktan mo siya. At hanggang ngayon ay sinasaktan mo parin siya. Ako din may kasalanan, malaking kasalanan na hindi ko man lang narealize that you are his 'Angie'. I really do feel guilty." Ramdam ko sa boses niya ang pagkalungkot, pagkadismaya. Time? Gaanong katagal ang kailangan niyang time? Kasi ayoko nang patagalin itong sakit sa puso ko eh, habang patgal kasi ng patagal lalong bumibigat ang puso ko at lalo itong sumisikip.

Napahagulgol na lang ako nang dahil doon. Si Rome ko iba na siya ngayon... Sinira ko siya.

Hinayaan ako ni Nathan na umiyak haggang sa gusto ko, ng humupa ang mga luha ko ay hininto niya ang kanyang kotse sa isang resthouse malapit sa beach. "Tara." Lumabas siya sa sasakyan niya at pumunta sa side ko. Binuksan niya ang pintuan at hinila niya ako palabas ng kotse pero huminto ulit siya at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri. "Wag ka na umiyak. Ang panget mo lalo." Sabay ngisi. Napanguso ako sa sinabi niya, Alam ko namang panget ako di niya kailangan sabihin pa sa harap ko. Isa pa, kailangan bang asarin niya ako? Alam na nga niya may problema ako at damay pa siya sa problema na iyon.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ito. Napatigil ako nang dahil dito at napatingin ako sa kamay naming magka-intertwined. Dirediretso siyang maglakad habang hinihila ako. Ni hindi man lang niya itinuon ang pansin niya sa akin. Napanguso ako nang narealize kong naglalakad kami nang magkahawak ang kamay. Bakit niya ba hinahawakan ang kamay ko? Siguro kung gusto ko siya kikiligin ako. Pero dahil alam kong babaero siya panigurado ganito siya sa madaming babae. Isiniwalang bahala ko nalang ang ginawa niya.

Agad kaming pumunta sa may seaside kasi sabi niya kailangan namin maabutan ang paglubog ng araw. Maganda daw 'yon. Ang romantic lang. Malamang ganito siya sa lahat ng babae niya. Nagpapakaromantic oara makuha ang loob nila. Umupo kami sa tabing dagat at inantay ang sunset. Ang ganda. Napabuntong hininga nanaman ako. Ano kayang ginagawa ni Rome ngayon?

"Pwede ba? Tayo ang magkasama wag mo muna siyang isipin, please?" Sabay isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon