Chapter 51

6.2K 113 3
                                    

Next day naging busy sila Nathan at Kuya Paul sa pagfile ng case sa lalaking gumawa nito kay Samantha. Ang pagkakaalam ko ay binayaran nila Kuya ang media para hindi ilabas ang scoop na ito, since kilala si Samantha sa world ng fashion.

Nabigla ako ng ibagsak nung babaeng officer ang kanyang files sa table ni Kuya Paul. "Talagang ako yung inassign dito 'no? Binubwisit mo talaga ako!" Inis na umupo ang babae sa bakanteng silya habang si Paul ay tuwang tuwa habang tinitignan iyong babaeng pulis. Nakasimangot ito, at nakauniform na pang pulis. Napakaganda niya para maging pulis. "I didn't do anything. So don't assume." Nakita ko kung paano nagsmirk si Kuya.

Kumunot ang noo namin ni Nathan at nagkatinginan. Something is fishy!

"Fine! Nag release na ng warrant of arrest para dun sa lalaking 'yun! At baka mamaya ay simulan na ang operation para mahuli iyon."

"Siguraduhin mo, baka mamaya makatakas pa siya! O kaya makalaya! Siguraduhin mong tatanda at mamamatay na sita sa kulungan." Seryosong sabi ni Kuya. "Paul.... Gu-Gusto ko siyang kausapin... muna. Alam mo na, anak niya itong dinadala ko." Nagulat kami sa sinabi ni Samantha. Hindi ba dapat eh mabulok na iyon sa kulungan?

Pinagmasdan ko kung paano himasin ni Samantha ang tyan niya... Ang tatay nung anak niya ay masama. Pero may karapatan din ang anak niyang malaman kung sino ang totoo niyang ama. Sana pag dumating ang panahon na iyon ay hindi sila magsisi.

Tumango si Paul. "Okay, I 'll let you decide."

Kinabukasan ay nalaman kong naikulong na ang lalaking gumahasa kay Samantha. He begged her. He was crying telling Samantha that he only did that because he love her. Nakita ko kung paano umiyak si Samantha.

Sana lang balang araw maging okay na ang lahat para sa kanila.

After a week nagkaroon ng dinner sa bahay ng mga Lopez. Kinakabahan si Nathan, kasi hanggang ngayon ay hindi parin sila okay ng magulang niya. It is still fresh. Miski sa mga magulang ko ay hindi parin siya ganoong ka okay.

Nginitian ko siya habang karga karga niya si Gabby habang papasok kami sa loob ng bahay nila. Si Gabby ang naging buhay namin. I know that Nathan is very sad with what happened to our family. Hindi siya karapat dapat sdaw ika nga. Sa sobrang dami niyang kasalanan. Pero sa tingin ko ay magiging okay na ang lahat ngayong gabi.

Pagkapasok namin ay nakita ko kung paano nagulat si Nathan na nakita na nandun din ang pamilya ko. He was not expecting them.

Nakita kong nakangiti sila sa amin. At nakita ko kung paano nagtubig ang mga mata ni Nathan. Agad siyang yumuko at mas niyakap si Gabby. Si Gabby naman ay pinaglalaruan ang buhok ni Nathan habang natawa. Nilapitan ko si Nathan at saka binulungan siyang lumapit kila mama. Kinuha ko si Gabby mula kay Nathan. At agad siyang naglakad papalapit kila mama at papa at niyakap sila. Hindi nagtagal ay niyakap niya din sila mommy at daddy. Si daddy mukhang nagulat sa ginawa ni Nathan. Pero tinapik niya lang ang likod nito.

Napuno ng tawanan ang hapagkainan habang inaasar ni Kuya Paul si Nathan. Ang mga matatanda naman ay tawa lang ng tawa. Naramdaman kong hinawakan ni Nathan ang kamay ko muka sa ilalim. Inilapit niya ang mukha niya sa may bandang tenga ko at saka bumulong. "Thank you for not giving me up." At saka ako hinalikan sa aking ulo.

Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanyang kamay at nginitian siya. "I love you." Bulong ko sa kanya. Ngumiti silang pabalik sa akin at sinabing, "I love you more."

"Will you marry me again?" Nanlaki ang aking mata habang binubulong niya ito sa akin. Umawang ang aking bibig, "W-What?"

"Sabi ko, Will you marry me?" Ngumiti siya ng malawak. Bumilis ang tibok ng puso ko. Suminghap ako.

Tinignan ko ang paligid, halatang hindi nila alam ang namamagitan sa aming dalawa ni Nathan. Nakita ko kung paanong kasaya sila habang nilalaro si Gabby.

Nilingon ko si Nathan nang maramdaman kong hinalikan niya ang aking ulo ulit, "Nathan...."

"I love you so much, will you marry me Angeline? For real?" Dugtong niya.

Unti unti akong tumango at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya ako pabalik at saka sumigaw. Agad na napatingin sa amin sila mommy.

"IMBITADO KAYO NEXT MONTH SA KASAL NAMIN!" Sigaw niya pa na nagpalaki sa mga mata nila. Pinalo ko si Nathan habang tawa siya ng tawa.



----

Sobrang late update, HAHAHAHA. Hindi ko kasi alam kung paano ko tatapusin itong story na ito. Medyo slow ako sa ending. Kahit ayoko yung common na ending. Huhuhuhu jusko. Tapos parang alam nyo yung may kulang pa? Hahahaha. Ilang beses ako nagbura ng mga lines at plot sa chapter na ito. Hindi ko kasi alam kung paano.

Ang sunod na iuupdate ko ay Epilogue na. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagtiisna basahin ito kahit sobrang bagal ko mag update. Maraming salamat.

Lalo pang bumabagal yung mga story na naiisip ko. Alam nyo yung feeling na sana kapag naiisip mo sila eh kusang nagtytype na. Haha!

Mahal ko kayong lahattttt! Wala man akong lovelife kayo nalang lovelife ko. Pak pak ganern!

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon