And, promises are meant to be broken.
"May... May alam ka ba dito?" Mahinang tanong sa akin ni Nathan habang ako naman ay patuloy na umiiyak sa harapan niya. Ipinikit niya ang mata niya at saka nilukot ang picture na hawak niya. He told me that he will never meet her! Nangako siya.
Sinabunot niya ang kanyang buhok at hinampas ang lamesang nasa pagitan niya. "Oh. Fuck!" Hinilot niya ang sintido niya at muli akong tinignan. "Angeline, sorry kung tinago ko ito. Kaya ba ayaw mo akong makipag kita sa kanya kasi alam mo? Sana umpisa palang ay sinabi mo na sa akin. I was shocked. Please do understand."
"Bakit? Ano bang gagawin mo kapag sinabi ko sayo na buntis siya? Anong gagawin mo, Nathan? Babalik ka sa kanya?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang sinasabi ko ito sa kanya. Naramdaman ko ang pait sa bawat salitang binibitawan ko. Anonnga bang gagawin niya? Sa pinapakita niya ngayon ay alam ko na siya ang ama ng dinadala ni Samantha.
"Angeline naman." Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko para maging magkapantay kami. "Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi. Napabuntong hininga siya saka hinawakan ang aking kamay. "Angeline. Hindi ko alam..." Mahinang tugon niya sa akin. Napailing ako. "Hindi pwedeng hindi mo alam! Hindi pwedeng wala kang gawin!"
"Angeline, hindi ko naman ito ginusto. At alam mong hindi ko na siya babalikan." Ginusto mo iyon! Kasi diba nga may nangyari sa inyo! Ginusto mo iyon! Gustong gusto ko siya sigawan pero hindi ko magawa. Masyado ako nanghihina sa mga nangyayari.
"Anak mo ang nasa sapupunan niya." Tinanggal ko sa pagkakahawak niya ang aking kamay at saka tumayo. "No. No. Angeline." Tumayo din siya na at halata sa kanya ang pagpapanic niya. Niyakap niya ako. "Susuportahan ko ang bata. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. Please understand me, Angeline. Isa pa, hindi pa naman sigurado ako ang ama nang dinadala niya. Sinabi niya sa akin pag hindi ako sumunod ay ipapalaglag niya ang bata sa sinapupunan niya, ayoko naman na may mangyaring masama sa baby. Please do understand me." Hindi ko alam pero sa pananalita niya ay nairita ako. Itinulak ko siya palayo sa akin. Kung sana bago siya gumawa nang desisyon ay nag iisip siya edi sana hindi ito nangyayari! Tanggap ko na noong may nangyari sa kanila ay mahal niya si Samantha, pero hindi ito sapat na dahilan para gumawa sila ng kababalaghan!
"You know what? Ayoko nang makialam sa iyo. Pagod na ako sa dramang ito. I want to rest. And please don't disturb me." Malamig na sabi ko sa kanya. Hindi siya nakikinig sa akin. Sa umpisa palang ay sinabi ko na, na itigil na niya yung kung ano mang namamagitan sa kanila ni Samantha. Gusto niya maayos ang pamilya namin? How the hell will it happen? Sira na!
Padabog akong lumabas sa kwarto namin at pumasok ako sa guest room. Akala ko ay magiging okay na kami. Nangako siya na hindi na siya magkikita ni Samantha. Lahat nang hinala ko ay totoo pala. Kaya pala nitong nakaraan na araw ang nagiging mailap siya. Kaya pala lagi na siya gabi nakakauwi. Kaya pala hindi na niya ako masabayan kumain. Kaya pala lagi siyang nawawala tuwing natutulog ako. Yun pala ay nakila Samantha siya. Kung hindi ko pa makikita yung envelope na tinago niya sa desk niya ay hindi ko pa makikita ang isang picture ng ultrasound ng isang baby. Alam kong hindi sa akin iyon. Kaya alam ko na nakausap na niya si Samantha.
Papunta na sana ako sa kama nang nakaramdam ako nang paghilab sa aking tyan. At naramdaman ko na may tubig na tumutulo sa aking mga binti. Oh no! My water just broke!
"Angeline. Oh fuck! Angeline." Lumapit sa akin si Nathan at saka ako kinarga. Nang makababa kami ay inilapag niya muna ako. Halata sa mukha miya ang pagka tense nito. Ni miski ako ay nakaramdam nang pagkatakot. Kabuwanan ko na pero hindi ito ang expected date! Tumakbo siya papuntang kotse niya at madali itong binuksan at isinakay ako. Humihilab lalo ang aking tyan. Baby, please wait ka lang.
Agad kaming nakadating sa emergency room. Inassist kagad kami papuntang Delivery room. Pati ang doctor ko ay agad ding dumating. Sabi niya 7cm na daw. Hindi ko maintindihan kung ano ibig sabihin nito. Pero alam ko ay ilang sandali nalang ay baka lumabas na ang anak ko. Alam kong kinakabahan din si Nathan, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Doc, wala po bang mabilis na pwedeng gawin?" Tanong niya sa Doctor habang namimilipit ako sa sakit na aking nararamdaman. Naiiyak na ako dahil sa paghilab.
"Since Natural Method itong gagawin natin, ay normal lang iyon." Umabot na kami ng oras, at yung mga oras na iyon ay sobrang sakit. Totoo pala na kapag nasa delivery room ka ay hindi mo mamamalayan ang oras. Ang alam ko merong mga magulang ay umaabot ng higit pa sa 13 hours para manganak. Paanong nakakaya ito nang ibang nanay? At nagawa pa nilang manganak ng madami?
Sa huling beses na pag iri ko ay naramdaman ko ang paglabas ng anak ko. Naiyak ko nung narinig ko ang iyak niya. Pati si Nathan ay umiiyak din sa tabi ko. Alam kong sobrang saya siya. "It's a boy. Congratulation Mrs. Lopez." Nakangiti sa amin ang Doctor. Duon ko naramdaman ang sobrang pagod. Hanggang sa hindi ko namalayan ang unti unting paglabo ng aking mga mata at naging madilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...