"Salamat." Bulong ni Nathan habang niyayakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang kanyang likod habang nakahiga kami sa kama.
Hindi ko siya pwedeng iwan. Kasi alam kong kailangan niya ako. Nadisappoint sila Mommy sa naging decision kong pananatili dito kasama ni Nathan. Hindi sila sang ayon sa ideyang manatili ako sa bahay. I know they think that Nathan will hurt me... Mentally and emotionally. Nanatili ako kasi alam kong hindi ito gagawin ni Nathan. Hindi siya ganoong klaseng lalaki.
Pero, minahal siya ni Nathan. Hindi basta basta ito nawawala. Pag nagmahal ang isang tao, nananatili ito.
-
"Are you out of your mind?! Ginagamit ka lang ng lalaking 'yan, Angeline!" Nanggagalaiting sinabi ni Mommy sa akin. Ngunit nanatili akong matigas."I am not going anywhere. I'll stay." Inulit ko.
Umiling si Daddy sa sinabi ko. "Daddy, Mommy, I know na galit kayo sa kanya, pero trust me. Trust me, Dad. I love him..." Mahinang tugon ko. Lumapit ako kila mommy at hinawakan ang kamay niya. "Wag niyo naman ako ilayo sa lalaking mahal ko... Nanaman." Naiiyak na sinabi ko sa kanila. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila Mommy. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
"Anak..." Niyakap ako ni mommy at umiyak kami parehas. "Pasensya na, Anak sa mga nagawa namin dati, we don't want to hurt you. All we ever wanted is your safety, your future to be fine."
Tumango ako, "Naiintindihan ko, Mommy. Pero sa ngayon sana intindihin niyo kung bakit gusto kong manatili. I trust him."
Lumabas kami sa kwarto at nakita kong nakayukong naka-upo sa couch sila Nathan at ang mga magulang niya. Nang nakita ako ni Nathan ay agad siyang Tumayo para lapitan ako. Nakita ko sa mukha niya ang kaba.
"We've talked to Angeline. Doon kami sa gusto niya mangyari." Malamig na sinabi ni Daddy sa kanila.
-Hinawakan niya ang aking pisngi at hinimas ito. "Akala ko iiwan mo ako. Sorry kung nasama ka sa gulo na ito. But, trust me. Hinding hindi ko magagawa ang sinabi ni Samantha sa kanila. Hindi kita iiwan. Hindi." Umiling iling siya. Dahil sa sinabi niya, para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib.
Gusto kong maging masaya, pero hindi maari. Galit ang pamilya ko at pamilya niya sa kanya. Bumuntong hininga ako, "Anong gagawin mo? Galit sila sayo." Bumuntong hininga din siya. "Hindi ko alam, Sof. Siguro sa ngayon ay kailangan kong kausapin si Kuya. Ang tagal na din nang huli ko siya nakausap. Nahihiya kasi akong harapin siya. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Sinaktan ko siya ng todo. Kaya siguro nakakarma ako ngayon. Pasensya na at nadamay ka pa sa katangahan ko. I never wanted this to happen, at ngayon pati sa magulang mo ay nahihiya na ako. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat akong nandito ka sa tabi ko. Hindi ko alam ang mangyayari kung pati ikaw ay mawawala sa akin."
"Okay. Nathan, wag ka na masyadong mag isip isip ng kung ano ano." Hinimas ko ang buhok niya. He look stressed. Halatang ang dami niyang iniisip. I know it will take some time bago siya mapatawad.
Maya maya ay naramdaman ko ang pag bigat ng kanyang paghinga. Tulog na siya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukhang natutulog. Napakakunot ang noo niya. Kaya naman ay hinawakan ko ang noo niya at inunat ito. Natawa na lang ako. Pati ba naman sa pagtulog ay halatang may problema siya?
Ilang sandali ay tinanggal ko ang kanyang kamay na nakapulupot sa akin at tumayo. Hinila ko ang aking maleta at binuksan ito. Inilagay ko lahat ng aking gamit sa loob ng cabinet namin. Nang nailagay ko lahat, umupo ako sa lapag para sana isarado ang aking maleta nang nakakita ako ng papel na nakasiksik dito. Agad kong kinuha ito at binuksan. Napasinghap ako sa laman ng papel na ito. Isa itong letter.
Dear Babe/Baby/Mahal ko,
I love you! I love you! I love you!
Wait kulang pa, I love you so much.
Oha, nakangiti ka na 'no? Kinikilig ka siguro. Hahaha!
Ayan ha, nilagay ko talaga 'to sa maleta mo, kasi naman bili bili ka pa ng maleta, saan mo naman gagamitin? Eh may maleta ka na sa bahay niya. Di talaga kita maintindihan, tapos sa akin mo pa talaga pinadala tong tiger print na maleta. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao. Grabe ka talaga sa akin. Huhuhu. Magiging battered husband ata ako. Hays. Paano ba 'yan? Kawawa naman ako sayo. Huhuhu.
Baby ko, gusto ko nang magpakasal tayo kahit nag aaral pa tayo para wala ka nang kawala sa akin. Muwhahaha. Excited na ako iniisip palang na mangyayari iyon. Di ko mapigilang hindi kiligin. Hihi!
Basta ha, mahal kita kahit anong mangyari. Sobrang mahal kita higit pa sa iniisip mo. Mahal na mahal na mahal kita. ❤️Love,
Pinakapoging lalaking mamahalin mo, Rome.Agad kong tinakpan ang aking bibig. Parang gusto sumabog ng puso ko, parang bumalik lahat ng sakit sa nabasa ko. Si Jerome. Kamusta na kaya siya?
Umiling iling ako. Dapat ngayon palang ay itapon ko na itong sulat na ito. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang itapon ang tangin bagay na nagpapaalala kung gaano ako minahal ni Jerome. Sobrang sama ng damdamin ko, sinaktan ko siya ng husto. Ang tanging ginawa lang naman niya sa akin ay mahalin ako ng totoo.
Sana dumating ang pagkakataon na mapatawad niya ako at makahanap siya ng babaeng mamahalin siya ng sobra pa higit sa akin. Yung baabeng hindi siya sasaktan katulad ng pananakit ko sa kanya.
Kinabukasan ay hinatid ako ni Nathan papuntang grocery store. Gusto niya pa sana samahan ako, kaso sinabi kong malalate na siya sa meeting. Sobrang mahalaga pa naman yung meeting sa kanya. Kasi may bagong company na gustong makipag partnership sa kanila.
"At isa pa, kailangan mong magpa good shot sa magulang mo!" Natatawang sinabi ko habang pinagmamasdan siyang nakanguso. "Mas importante ka naman dun! Saka ah basta!" Sabi niyang na para bang naiirita.
"Sige na, itetext naman kita, kaya wag kang mag alala. Magiging okay ako. Saglit lang naman ako maggrogrocery. Wala na tayong pagkain sa bahay oh! At wag kang mag aalala kasi nakausap ko na si Josh at hinihintay na niya ako." Nakita ko ang pagdadalawang isip niya.
"Isama mo si Hana o Jessie." Nakakunoot na noong sinabi niya.
"At bakit naman? Mag dadate kami ni Josh." Lalong kumunot ang noo niya. "Sigurado ka bang lalaki yang si Josh? Kasi habang tumatagal, parang nagdadalawang isip na ako sa kanya." Sa pagkakasabi niya non ay tumili ako. Nanglaki ang mga mata niya. "Ahhh! Wooo!"
"Hoy! Maghunos dili ka nga dyan! Ba't ka ba tuwang tuwa dyan?" Ngumisi ako at sinabing, "Wala lang!"
"Oy! Bababa na ako. At baka lalo ka pang malate dyan sa partnership niyo. Benggang bengga ka na oh."
"Oo na. Magtext ka sa akin. O kaya tatawag nalang ako sayo mamaya." Tinanggal niya sa pagkakakabit ang seat belt at hinalikan ako sa pisngi. "Ingat kayo ni Baby ah! Wag ka masyadong malikot. At bawal kang magbuhat ng mabigat. Pag buhatin mo si Josh."
"Opo opo. Ingat ka din. Good luck mamaya."
Hindi nagtagal ay umalis na din siya. Napailing nalang ako. Lumalala na ata 'tong nararamdaman ko sa kanya. Masyado na akong sumasaya.
Naglakad ako papasok sa entrance ng mall nang hindi sinasadyang mapabangga ako sa isang matangkad na tao.
Inangat ko ang tingin ko at kumalabog ang puso ko.
"Jerome..."
-
WAAHH. Kamusta na kayo? Sobrang tagal na nung huli. Huhuhuhu. Love you guys!
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
Ficción GeneralSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...