Nagising ako sa sinag araw na tumatama sa akin. Ang sakit ng ulo ko at gusto ko pa matulog kaya niyakap ko yung unan na katabi ko. At bakit ganun? Matigas ito. Kailan pa ako nagkaroon ng malaking at matigas na unan-- Paano ako magkakaroon ng malaki at matigas na unan? Meron bang malaki at matigas na unan? May nabibili bang ganun?
Agad na nagising ang diwa ko kaya napadilat ko agad ang mata ko, nanlaki ang mata ko nang nakakita ako nang isang hubad na lalaki na yakap-yakap ako. Paano nagkaroon ng lalaking mala adonis dito sa kwarto ko? Bakit niya ako niyayakap? Bakit ko siya niyayakap? Close ba kami? Lalong nanglaki ang mata ko nang gumalaw ang kamay niya at hinimas ang aking hinaharap. Nang dahil doon ay sumigaw ako at tinulak ko siya. Mabilis akong napabangon at naramdaman ko agad ang sakit sa aking pangibabang parte kaya agad akong nanlumo.... Hindi naman diba? Tinignan ko ang aking sariling nakabalot lang sa kumot. This can't be happening. This can't be.
"Shit. Ang ingay." mapaos na sabi niya habang naka pikit parin at tila ba ayaw paistorbo sa tulog niya. The hell. Ni hindi pa nakuntento sa pwesto niya at nagawa pang tumalikod sa akin para humarap sa kabilang direksyon para matulog ulit! Walanghiya 'tong lalaking ito!
Parang nandilim ang paningin ko at hinila siya paharap sa akin, "HOY! SINO KA!? AT BAKIT KA NANDITO!? BAKIT AKO NAKAHUBAD?" Nagpapanic kong tanong sa kanya at hinila pa lalo ang kumot para takpan ang aking sarili. Ginawa ba namin iyon? Pero hindi pwede! Hindi maaarai! Bakit wala akong maalala? Minulat niya yung mata niya tapos kinusot. Nakakunot ang noo niya habang tumitingin sa akin. Umupo siya upang mapantayan ako at tinitigan ako. "Bahay ko ito."
Agad akong napakurap, hindi ako papatalo kaya sinabi ko na, "Malay ko ba kung bahay mo 'to? Tatanong ko ba kung alam ko? Saka bakit ako nakaganto! RAPIST KA NO!" Akusa ko sa kanya. Kumunot ang noo niya, tila bang nagtitimping sigawan ako. HInawakan niya ang sentido niya at tumingin ulit sa akin. Napatigil ako nang marealize ko kung sino ang lalaking nasa harap ko. No. Gusto ko mang hindi maniwala na siya ang nasa harap ko pero hindi ko magawa kasi Pamilyar na pamilyar ang mukha niya. Tumingin siya na tipong wala siyang pakialam sa akin. Siguro kaya ganoon, kasi sanay na siya sa iba't ibang babae nakakasama niya sa loob nitong kwarto niya.
"Ang ingay mo! Kagabi nga sarap na sarap-" tinakpan ko ang bibig niya. Alam ko na ang sunod niyang sasabihin kaya pinatigil ko na. Parang unti unti akong tinatamaan ng bato, So may nangyari nga sa amin? Ayokong umiyak, ayokong isipin na may nangyari sa amin, kasi ang pinaka iniingatan kong bagay ay nawala dahil lang sa kalasingan. Angie! Ang tanga mo kasi eh! Sana hindi ka nalang naglasing! Edi sana hindi mangyayari ito. Ano nalang iisipin ni Je-
Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at tinitigan ko sya habang hinihilot nya ulit ang sentido nya. Siguro sobrang sakit ng ulo niya, gawa ng hang over. Ako din naman sobrang sakit, pati katawan ko masakit. Siya. Siya si Na- Natigil ang pag-iisip ko ng biglang nagring ang phone ko. Hinanap ko kagad ito at nakita ko sa ibabaw ng desk sa gilid ng kama ito. Agad na rumehistro ang pangalan ni Mommy sa screen. Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ba o hindi. "Sagutin mo, ang ingay."
Hello?
(Pumunta ka dito... ASAP!)
Ah... per-
Sasagot pa sana ako pero agad niya akong binabaan ng phone kaya napabuntong hiniga nalang ako. Bakit kaya niya ako pinapapunta sa bahay? Bakit bigla akong kinabahan nang tumawag si mommy? May nagawa nanaman ba ako? Napansin ko na lang na may kausap din siya sa phone niya, nanlaki ang singkit kong mata nang bigla syang tumayo kaya agad kong tinakpan ang aking mata. My Innocent eyes! "Magdamit ka nga!"
"Tss. Nagtakip ka pa dyan. Eh nakita mo na 'to kagabi. By the way, you can leave now." Sabay smirk sakin at umalis. "Ang kapal ng mukha mo!" gigil na saad ko sa kanya. Ano? I can leave now? Ha! Ang kapal ng mukha niya! Feelling niya hahabol ako sa kanya? Pwes! Hindi. Kasi hindi ko siya gusto. Damn that guy!
"What? Don't tell me, pananagutin mo ako sa nangyari sa atin? I don't care if you're a virgin when I take you. Sanay na ako sa mga tricks niyo. I'm not into relationshits. So leave now." sabi niya sa akin at nagmadaling pumasok sa banyo niya. Anong feeling niya? Gusto ko siya kaya hinayaan kong kunin niya virginity ko! Totoo ngang malandi siya , totoo ngang wala siya pakialam sa babae, totoo ngang kaya niya itapon ang babae na kala mo ay basura na pwedeng itapon kahit kailan niya gusto. He's a damn heartbreaker. Nanginginig akong tumayo nang kama at kinuha lahat ng aking gamit at sinuot ito. Hindi ko siya hahabulin kasi hidni ko siya gusto. Nangingilid ang aking mga luha. Sayang lang, napunta sa walang kwentang tao ang pinaka iniingatan ko.
"Don't worry, di kita hahabulin. Di ka kahabol habol."
Gusto ko mang magalit sa kanya ay hindi ko magawa kasi, kahit papaano kasalanan ko din itong nangyari sa amin. Sa ngayon ay kailangan ko munang umuwi. Buti nalang at kilala ko siya. Walang lingong umalis ako sa unit niya. Nagmadali akong umalis ng bahay niya at pumunta kagad sa bahay nila mommy.
Pagkapasok na pagkapasok ko sinalubong kagad ako ni mommy. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin. Inis na bungad niya sa akin, she looks stressed at the same time... happy? "May inasikaso lang pong importante" walang ganang paliwanag ko sa kanya. Pero mukha naman hindi niya pinansin ang inaasta ko at hinila niya ako papasok ng bahay at sinabing, "Naghihintay na yung asawa mo, bilisan mo." Agad akong napatigil sa paglalakad. Ano daw? Tama ba narinig ko?
Ah, Asawa lang pala e.
Asawa
Asawa
ASAWA?
As in Husband
"Mommy, asawa? Ako merong asawa? Kailan pa?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, ni hindi man lang siya nagpaliwanag at hinila ako papuntang dining room. Paano ako magkakaroon ng asawa? Eh. kakasabi lang nila kahapon sa akin na ngayon nila papakilala yung 'fiancée' ko. Nagpahila ako kay Mommy, nang huminto kami nanglalaking mata napatingin ako sa lalaking nakaupo sa silya katabi ang dalawang magagandang lahing matatanda. Kumunot ang noo niya.
"Kailangan natin mag usap, umupo ka na, Sofia Angeline." seryosong sabi ni Daddy sa akin kaya naman agad akong umupo ako sa harap nang lalaking hukluban, "Kayong dalawa, Bakit kayo nagpakasal ng walang abiso sa amin? Hindi niyo man lang kami i-inform about your sudden marriage." Seryosong tanong sa amin ni Daddy. Nanlaki ang mata ko at halatang siya din. What's happening? Anong sinasabi nilang kasal kami? What the hell. Asawa ko siya? No way I would marry that man!
"WHAT!?" We both said in unison.
"Do you think you two can fool us? Nakita namin ang record yung Marriage certificate this morning. We didn't expect you two to be married already. Buti nalang at kilala namin ang judge na nagpakasal sa inyo. Madaling araw? Seriously? Sinong matinong tao ang magpapakasal nang ganoong oras? And Nathan, why the hell did you do that? Why did you contact Judge Cortezo?" Sabi nang isang matandang lalaki na halatang hindi natutuwa sa ginawa namin. Agad akong napalunok, why the hell? Paano ito nangyari? Pwede bang ikasal kami? Kung parehas kaming lasing?
"Dad, I can explain-" agad siyang pinutol sa susunod niyang sasabihin.
"Hindi kita pinalaking ganyan, Do you even know how indecent it is? Siguro kung hindi kayo kilala ni Judge Cortezo baka hidi pumayag yun! May process ang pagpapakasal! Hindi ito laro." dugtong pa niya. Si Daddy naman at tumikhim.
Tama naman siya. ang bilis ng pangyayari. Paano nangyari ito? Nagkatinginan kami, Married? Paano nangyari yun? HInawakan kong mabuti ang aking kamay at naramdamn ang bagay na hindi ko napansin kanina, isang singsing. Pinakita nila mommy yung mga documents na hawak nila tinignan naming ni Ewan yung papers. Signature ko yun, kagabi kami kinasal without our parents consent. At talaga ngang kasal kami! Pwede ba talaga iyon?
Ilang minuto lang ay bigla kaming nakarinig ng tili. "Akalain mo yun! Binabalak pa lang naming kayo i-engaged o kaya arrange marriage tapos kinasal na kayo kagad! Wow! I can't believe this" Nag grin silang apat (My mom, dad, tito, and tita) Masaya sila, akala ko panaman magagalit sila. Masaya pa sila. Ano nga bang ineexpect ko? Na magagalit sila? Eh sila naman sa umpisa ang may gustong ipakasal ako sa taong hindi ko mahal. Parang bigalng sumakit ang ulo ko sa nangyayari sa buhay ko.
Im officially married to a guy named Nathan Emmanuel Lopez. Siya lang naman yung lalaking Mayaman, Gwapo, popular, matalino, magaling sa sports, gentleman daw, at mahilig sa babae sa School namin. A.k.a Mr. Heartbreaker. Cliche?
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...