Jerome left. He left for good. He said Goodbye 'cause he's not coming back anymore. "Ginawa namin ang lahat para pigilan siyang umalis. Ang sabi niya sa amin ay kailangan niya. Kailangan siya ng mom niya. Ang alam ko ay di dapat siya aalis kasi nandito ka. Pero biglang nagbago ang isip niya. Kasi ito daw ang makakabuti. He told me na ingatan ka. Nagbreak kayo? Angie naman. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" desperadong tanong sa akin ni Nathan. Ako naman ay tulala lang nakatingin sa kawalan.
Ito na nga siguro ang tama. Ito na siguro ang tamang gawin namin. Siguro kailangan ko na din siyang bitawan kasi kung patuloy kaming magkasama ay puro sakit nalang. At higit sa lahat.... May isang inosenteng taong madadamay.
"Bakit kayo naghiwalay?"
"Nathan. Kailangan. Kailangan kong makipaghiwalay sa kanya. Because I have reasons."
"Fuck reasons! Fuck it! Nakikita mo ba ang sarili mo? Nakikita mo ba kung gaano ka naapektuhan dahil dyan? If you really love each other you should have fight for him! Nakikita mo ba kung gaano ka kawasak ngayon? Ni hindi mo nga maalagaan ang sarili mo! Pinapabayaan mo na ang sarili mo! So now tell me, ano bang reasons yan?!" galit na sinabi niya sa akin.
"Please Nathan. Not now. Please?" ni hindi ko na magawang umiyak. Para na akong namamanhid. Napabuntong hininga nalang siya. "Ayoko kasing ganito ka. Mas mabuti pang sinisigawan o inaaway mo ako kesa nakikita kang ganitong kawasak. Angie, ayokong makita kang ganito. Kasi napagdaanan ko na ito. Kaya ayokong maexperience mo din kung gaano kasakit piliin ang tama. At piliin kung anong mas nakakabuti sa lahat. Kasi kahit anong gawin natin, kahit gaano tayo kasaya sa mali, ay may kulang na parte sa akin. Na hindi pala talaga tayo masaya sa mali. Kasi mali iyon. Kasi ang tama parin ang nararapat. Oh fuck. Nakakabading magpayo." napangiti ako sa huli niyang sinabi.
"Nathan. Bigyan mo ako ng onting time. I will tell everything to you. Salamat." ngumiti siya sa akin.
"Please wag ka nang umiyak. At ayusin mo naman sarili mo! Baka sabihin nila mama sa akin battered wife ka ah!" pabirong sabi niya sa akin.
"Saka naligo ka ba? Para kasing ang baho mo na. Parang di naligo ng isang week! Yuck. Kadiri! Kababaeng tao!" patuloy niyang pang aasar sa akin sabay takip ng ilong na para bang may mabaho siyang naaamoy. Inamoy ko naman ang sarili ko.... hindi naman mabaho ah. Narinig ko ang pagtawa niya at sabi ng "Uto uto" kaya hinampas ko siya sa braso. "Tse! Tigilan mo ako!"
Kinabukasan, nakarinig na ako ng mga usap-usapan tungkol sa pagpunta sa States ni Jerome, madaming nasaktan. Madaming nakatingin sa akin. At madami din nagtatanong kung totoo ban a umalis na si Jerome. Wala akong masagot sa kanila kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Girl, nasabi mo na a kay Fafa Nathan?" tanong sa akin ni Josh. Alam ko nag aalala sila sa akin, pero nung pumasok ako, nagulat sila nang ngumiti ako, may mga bagay kasi akong narealize ng nawala si Jerome. He's letting me go because he loves me. Maybe I should do the same. Kasi ayokong maging selfish. Kung patuloy ko syang panghahawakan, siya lang ang masasaktan. Kaya simula ngayong araw mag-momove on ako. Oo mahirap, pero kailangan ko. Ayoko na din maging malungkot kasi baka kung mapaano pa si baby. Natatakot akong may mangyaring masama sa kanya. Bumalik na din ang sigla ko at kumakain na ulit ako ng tama. Kasi hindi nalang ako mag-isa, dalawa na kami.
Umiling ako bilang sagot sa tanong nya habang patuloy na kumakain ng mangga. Napangiwi naman sila. "Girl, di ka ba maiimpatcho nyan? Kanina Isang meal ang kinain mo tapos nag spaghetti ka tapos kumain ka pa ng sandwhich tapos ngayon naka limang mangga?" Nagpout nalang ako. "Bakit ba! Eh gusto ko kumain eh! Ano naman?! Ayaw mo ba ako kumain ng madami? Sige hindi na ako kakain. Hahayaan ko nalnag magutom kami ni baby para ammatay na kami pareho."
"Ughhh! Sensitive preggy! Sige na kainin mo nay an. Nako naman! Ano pa ba ang gusto mo?" Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi sa narinig ko kay Hana. "Gusto ko ng Kwek kwek! Please? Buy me some kwekwkek!" Napakamot nalang ng ulo si Hana. "Bilis bili ka na! Kwekkwek! Kwekkwek!"
"Oo na! Jessie samahan mo ako." Hihilahin niya dapat si Jessie pero agad kong pinigilan. "Bawal si Jessie! Si Josh nalang." Kumunot naman ang noo ni Hana. Habang si Josh naman nagreact. "Ayoko nga, ang ganda kaya ng pwesto ko dito ang daming fafas!" tumingin ako sa kanya ng masama kaya wala syang magawa kundi samahan si Hana. Napatawa naman ako nang nawala silang dalawa.
"Huy! Para kang baliw." Kinalabit ako ni Jessie. "Ang creepy pa ng tawa mo, para bang may gagawin kang masama."
"Wala naman! Hihihi!" sabay subo ulit ng mangga. "Nga pala Jessie, wala ka bang napapansing kakaiba?" parang naguluhan si Jessie sa tanong ko. Hindi niya ata alam eh. Pero dahil kailangan ko ng karamay magbibigay akong clue sa kanya. "Kay Hana."
"Anong meron kay Hana?" sa tanong niya halata kong interesado siya sa susunod kong sasabihin.
"Na-Gayzoned."
--------
A/N: Dahil masyadong mabigat ang last chapter. HAHAHAHAHA. Para sa mga na-gayzoned. HAHAHAHAHAAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...