Chapter 46

5.3K 109 8
                                    

"You know what, let me help you with what you are doing right now." Ngumiti sa akin si Jerome at lumapit para hiwain ang meat samantala ako ay hinihiwa naman ang mga gulay. Tumabi siya sa akin, kaya agad kong naamoy ang kanyang pabango. Walang pagbabago.

Sa sobrang tahimik namin ay rinig na rinig ko ang ingay mulang sala ng bahay namin. Tumunog ang phone ko kaya naman ay agad kong tinignan ang message nito, bumungad sa akin ang pangalan ni Nathan.

From: Nathan
Gagabihin pala ako dito kila Samantha, nagpapasama kasi siyang magpacheck up mamaya. I'm sorry. I already miss you and Gabby.

Kumirot ang puso ko, gusto kong ibato ang phone ko pero di ko magawa. Inilapag ko ito at hiniwa ang carrots. Sa sobrang preoccupied ko ay nasugatan ako sa kutsilyo. Agad kong naramdaman ang hapdi nito. Maagap naman si Jerome at hinila ako papuntang sink at saka ito binasa. "God, Line what the heck. Mag ingat ka naman sa susunod!" Halata sa mukha niya ang pagkataranta.

"Nasan ang first aid kit niyo?" Nilingon niya ako, nangingilid ang luha sa aking mga mata. Itinuro ko kagad kung saan nakalagay ito.

Ginamot niya ang aking sugat at saka ito nilagyan ng band aid. "Ano bang problema mo? You seemed off." Dahil sa tanong niya hindi ko na mapigilang hindi umiyak sa sarap niya. This is so frustrating.

"Angeling, oh, please don't cry." Niyakap niya ako ng mahigpit at umakap din ako pabalik sa kanya. Tahimik niya akong niyakap habang patuloy ako sa pag iyak.

Nang huminahon ako ay pinaupo niya ako sa silya, "Just... Just calm down. Ako nalang ang mag luluto." Tumango ako at pinanood siyang iluto ang pagkain namin. He's really good. He can be a good husband.

Sayang lang talaga. Kasi sinayang ko siya, but then again, he deserve someone better than me.

Nang matapos siya ay tinabihan niya ako, tumingin ako sa orasan at tanghali na, tatayo na sana ako para tawagin sila Aaron pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Anong nangyari?"

Nanatili akong tahimik, tila ayokong sabihin sa kanya ang totoong nangyari. Bumuntong hininga siya, tila ba sumusuko siya. "Magsisisi ako pag wala akong ginawa ngayon." Takang nilingon ko siya, seryoso ang kanyang itsura. Alam kong galit siya. "Nagsisisi akong hinayaan kitang mapunta sa kanya. Kaya ngayon pag wala akong ginawa, pag hindi kita kukunin pabalik sa akin, ay magsisisi ako." Dugtong niya. Kumalabog ang puso ko.

"Jerome..."

"No. Angeline. I will get you back to me no matter what. And, please don't stop me. I can't let anyone hurt you like this." Tumayo siya at lumabas ng kusina. Narinig ko nalang na tinawag niya sila Daniel.

Agad kong hinanda ang table namin, nang makapasok sila ay karga karga niya si Gabby.

Si Daniel naman ay seryosong nakatingin sa akin, na para bang may alam siya sa nangyayari, O baka naman guni guni ko ito.  Si Aaron ay agad na umupo sa upuan para kumain.agad kong inalis ang tingin ko kay Daniel at pumunta kay Jerome para kunin ang natutulog na si Gabby. "Pinagod ata nung dalawa." Sabi ni Jerome na natatawa. Huminto sa pagkain si Aaron at sinabing, "Kami kaya pinagod niyan!" Sabay subo ulit ng pagkain niya. Tumawa kaming lahat.

"Para kang patay gutom! Pwede bang hintayin mo kami. Bastos 'to." Sabi ni Daniel. Ako naman ay pumuntang sala para ilagay si Gabby sa higaan niya. Ang sarap ng tulog ng baby ko. Napangiti ako. Inayos ko siya at saka sinaluhan sa pagkain sila Daniel.

Tawa kami ng tawa dahil sa mga kwento ni Aaron, pinag iinitan kasi siya ng papa niya, paano ba naman, pasaway parin siya kahit nagtratrabaho na. "Kulang nalang eh ikulong ako sa office! Put@ akala mo bata ako. Nakakabagot kaya sa office!" Hinampas ko ang bibig niya. "Bibig mo!"

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon