Chapter 16

5.2K 114 6
                                    

"Saan ka galing?" Bungad na tanong sa akin ni Nathan nang makapasok ako sa unit. Bakit naman niya tinatanong? Curious siya? Ha! Isinawalang bahala ko ang tanong niya at Sinarado ko ang pinto nang maingat. Inilock ko na din ito, nang humarap ako ay nakita kong nakatayo malapit sa akin si Nathan pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang biglang hinawakan niya ang wrist ko nang pagkadiin at muling nagsalita, "Wag kang bastos. Tinatanong kita kung saan ka galing." agad na kumunot ang noo ko.

"Dyan dyan lang." sagot ko sa kanya at sinubukang hawiin. "Kahapon ka pa ah! Ano bang problema mo?!" Galit na tanong niya sa akin at lalo pang hinigpitan ang pagkahawak niya sa wrist ko, masakit ito kaya pinilit kong makawala sa kanya. Pero dahil malakas siya, hindi kong magawan kumawala at lalo pa siyang lumapit sa akin. Kaya naman ako ay umaatras.

"Wala akong problema. Baka ikaw meron?" Tanong ko pabalik sa kanya. Bakit ba siya nagagalit? Anong problema nito at ako pinagdidiskitahan?

"Angie, hinintay kita kanina sa school. Ilang beses na kita tinawagan pero hindi mo sinasagot! Iniwan mo na nga ako pag gising ko tapos gabi ka pa uuwi? Saan ka nanggaling? Sila mommy tumawag! Pinapapunta tayo do'n tapos wala ka!" Angil niya sa akin. Kulang na lang sapakin niya ako sa sobrang pula ng mukha niya.

"Edi sana pumunta ka!" Pagalit kong saad. Totoo naman eh, edi sana pumunta siya dun kung gusto niya pumunta. Sana hindi niya na lang ako hinintay. "Paano ako makakpunta? Eh di ko masabi dahilan kung nasaan ka!" sigaw niya sa akin.

"Edi sana nagsinungaling ka nalang. Pwede naman diba?" Magaling ka naman doo diba?

"Di mo ba alam na importante yung dinner tapos di ka man lang macontact! Nakakahiya nandun pa naman sila Sam!" Aba. Eh kaya naman pala. Nandun si 'Sam', gusto ko siyang sapakin sa naririnig ko. Nang dahil lang sa babaeng 'yun. "Bakit ka ba nagagalit? Edi sana nga pumunta ka! Kasalanan ko bang di ka pumunta? Ha? Ano bang pinuputok ng butchi mo? Ang simpleng problema kala mo naman napakalaki kung makareact ka! Dinner lang yun! Edi kung nahihiya ka dyan sa Samantha na yan, makipag dinner date ka sa kanya!"

Yung kahapon ko pang pinipigilan na emosyon feeling ko sumabog na. It's just a dinner! For crying out loud! Nagagalit ba siya dahil di niya nakita si Samantha niya? Edi sana nakipagdate na lang siya sa babae niya! Tapos kung makareact siya akala mo naman may nangyaring masama. Porket di niya nakita Samantha niya. Ang kapal nang mukha niya lokohin si Kuya Paul. Sana man lang may hiya silang dalawa at mas gusto niyang magkikita sila nung babae niya sa likod talaga ng kuya niya. Kakapalan na nang mukha ata ang meron silang dalawa. I don't know what they have, but one thing is for sure, they're cheating behind Kuya Paul.

Ang saya saya ko pa naman kanina dahil nagka-ayos kami ni Jerome tapos biglang pag-uwi ko dito, eto nanaman, may kaaway nanaman ako. At nag-aaway kami dahil lang pala sa babae niya! "Don't you fuckin' dare shout on me!" Pagalit niyang sabi sa akin. Ang kapal ng mukha niyang sabihin ito sa akin.

"Well, I already did! I did FUCKING dare shouted at you!"

Hinawakan niya yung braso ko nang mahigpit. "Ano sasaktan mo ako??" Maangas kong tanong sa kanya, iniinda ko ang sakit na pagkakahawak niya sa akin. I almost winced. Pumikit siya ng pagkariin at saka ako binitawan at tumalikod na sa akin. Padabog niyang sinara yung pinto sa kwarto niya. Narinig ko siyang panay mura pagkatapos niyang pumasok sa kwarto niya. Napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa dibdib ko, oo kinakabahan ako, kasi ngayon pa lang ang unang beses nakaramdam ako ng ganito. Sa tingin niyo ba? Dapat ko bang sabihin kay Kuya Paul yung pinaggagawa nang fiance niya?

Nagpalit ako kagad ng damit at humiga sa kama, in-open ko yung phone ko at nakita ang napakadaming message ni Nathan. Hindi ko na binasa ito at tinignan ang messgae ni Jerome.

From: Rome <3

Hi love! Naka-uwi ka na ba? Miss na kagad kita. Alam mo ba? Mahal na mahal kita. Text ka kapag nandyan ka na ah. I love you!

Napangiti ako kapad. At agad na nireplayan siya.

To: Rome <3

Ikaw ha! Iba iba na tinatawag mo sa akin! Baka naman madami ka dyang babae ah! Nasa bahay na ako. I love you too!

From: Rome <3

Hala, hindi ah! Ikaw lang babaeng mahal ko. Saka si mama. I love you more! Anong oras na oh, tulog ka na!

To: Rome <3

Hahahahaha. Oo na. Sige. Sabay tayo! Tulog na tayo?

From: Rome <3

Hahahaha. Sige. Tulog na! 1 2 3! Zzzz.

Natawa naman ako. Ang cute talaga niya. Kung hindi lang sinira ni Nathan ang araw ko edi sana okay ako, pero nang binasa ko ulit ang text ni Jerome sa akin ay nakatulog ng mahimbing at may ngiti sa labi.

Kinabukasan, pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita kong nanonood ng T.V si Nathan. Lalagpasan ko sana siya kaso nag salita siya at tinawag ako. "Sof.." Tumayo siya na akmang lalapitan ako pero agad din siyang huminto.

Nilingon ko siya habang kumukunot ang noo ko at maikling tinanong siya ng "Oh?" napanguso siya na parang hindi niya alam ang susunod niyang gagawin.

"Sorry kahapon." Malungkot na sabi at walang sabing niyakap ako. Napabuntong hininga nalang ako. Paano kong magawang magsumbong kay Kuya Paul kung ganito sa akin si Nathan, hindi ko kayang pangunahan siya, kasi sa ngayon alam kong importnate din naman siya para sa akin, dahil kaibigan ko din naman siya at ayaw ko siyang mapahamak ng dahil sa akin. "Galit ka ba? Sorry, marami lang akong iniisip. And I am so frustrated..." dugtong niya at nagbuntong hininga.

"Fine. Apology accepted." Sabi ko sa kanya at kinurot cheeks niya. Ang gulo nitong nararamdaman ko. Oo pinatawad ko siya kagabi pero alam mo 'yun? May inis parin ako sa kanya dahil sa mga pinag gagawa niya sa buhay.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon