Operation GLSB
Agad akong natawa sa isinulat sa papel ni Jessie. "Ano ba! Seryoso ito. Di mo ba alam, isa ako sa mga adviser pag dating sa pag ibig? Sikat kaya ako sa online!" Saad niya. Kaya naman ay lalo akong natawa.
"Alam mo ba na kapag magaling magpayo ang isang tao tingkol sa pag ibig, ay tanga sa pag ibig?" Sabag ni Hana sa kanya. Nakita ko ang pag irap ni Jessie sa kanya.
"Pwes, ibahin mo ako. Di ako tanga sa pag ibig. Jusko naman Hana, magkakagusto ka na nga lang sa kalahi mo pa. Pusong babae yun. Dinaig ka pa nga nun sa pagiging maarte," Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Nandito kami sa isang Cafe. At... nagmemeeting. Tungkol sa plano ni Jessie. Bakit ba ako pumayag na si Jessie ang mamuno dito sa amin?
"Ewan ko sayo. Ano ba yang Operation GLSB na yan?" Tanong ni Hana sa kanya. Agad naman na naexcite si Jessie nang itinanong ni Hana ito sa kanya.
"Operation: Gawing Lalaki Si Bakla. Hihihi."
At dahil doon ay nagkatinginan kami ni Hana at sabay na binatukan si Jessie. "Aray ko naman! Seryoso kasi ako. Naisip ko din na kailangan nyang maging lalaki, nauubos na ang population ng mga gwapong lalaki sa pilipinas. Kawawa naman ang bansa natin. Ayoko naman yung mga mukhang gangstah o jejemon ang matirang lalaking lalaki. Nahiya naman ako sa kanila." Hindi ko alam kung bakit ganyan ang pag iisip ni Jessie. Epekto ata ng kanonood niga ng series.
Inexplain ni Jessie ang kamyang plano nang nahagip nang aking mata ang babaeng pumasok sa loob ng Cafe, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang buwan na nang huli ko siyang makita. And, she still looks like a bitch that I want to slap so hard.
Ngumisi siya sa akin nang nakita niya ako. May ibinulong siya sa iba niyang kasama at dumiretso sa amin. Napatigil sa pananalita sila Jessie nang napansin din nila ang pananahimik ko. "Shet. Nandito yung malandi." Bulong ni Jessie.
"Oh! Looks who's here." Natatawang sabi ni Samantha. Kaya naman napangisi ako. Bitch.
"Oh, ikaw pala." Nakangising sabi ko sa kanya.
"Siya ba yung ipinalit sayo? She looks fat and ugly." Bulong nung isa kay Samantha. "Ano ba yan. Ipagpapalit ka na nga lang sa low class pa."
"Baka gusto niyong lakasan na lang yang sinasabi niyo? Tutal rinig na rinig ko naman eh." Tumawa sila Jessie sa sinabi ko, tinaasan ko nalang ng kilay sila Samantha. "One more thing, Samantha, pakisabi naman dyan sa kaibigan mo, na mahiya sila sa sinasabi nila. Halata namang retokada ang mga mukha. Pati boobs retokada."
"Anong sabi mo?!" Namumula sa galit ang dalawa sa kaibigan niya.
"What? Di mo ba narinig?" Mataray na tanong ko sa kanya.
Natawa si Samantha, "Ano kaya nakita ni Nathan sayo? At ikaw ang pinili niya? Sabagay, siguro kasi buntis ka. Responsibilities. Wag kang masaydong mayabang. Buntis ka lang kasi. Naaawa lang sayo si Nathan. Pero panigurado pagkapanganak mo, sa akin na ulit siya babalik." Confident na sinabi niya sa akin.
"Hinding hindi mangyayari iyon." Nanlamig ang aking kamay nang nakita ko si Nathan na seryosong nakatingin sa kanya. Halayang nagulat si Samantha sa pagsulpot ni Nathan. Nakakunot ang noo ni Nathan nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay, "Wala kayong karapatan laitin ang asawa ko. At wala kang karapatan na sabihin iyan sa asawa ko. Hinding hindi ko sila iiwan." Sinabi ni Nathan sa maibigan ni Samantha at kay Samantha. "Must fucking get out of here."
"Nate, you don't know what you're saying. Ni hindi mo nga mahal yang babaeng yan eh!"
"Wala kang karapatan magconclude. Hindi mo alam ang sinasabi mo. And for the record. Hindi na din kita mahal. I was too blind to see what kind of person you are. Pinagsisihan kong minahal kita." Parang napahiya si Samantha. Kaya naman ay Inis na tumalikod siya pati ang mga kaibigan niya para umalis sa Cafe.
"Boom. Pahiya." Bulong ni Jessie kay Hana.
Natulala ako sa sinabi niya. What if? What if ganoon ang mangyari? Iiwan kami ni Nathan kasi hindi niya ako mahal. At babalik siya kay Samantha. Unti unting tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
"Wifey. Oh shit, please don't cry?" Pinunasan ni Nathan ang aking mga mata at niyakap ako. Hinimas himas niya ang likod ko habang pinapatahan ako. Inuwi na ako ni Nathan, siya na nga ang nagpaalam kila Hana, kasi hindi ako makausap ng maayos. Ang daming scenarios ang tumatakbo sa utak ko. Ano na ang mangyayari sa amin ni baby kung iiwan kami ni Nathan?
"Sof." Tumigil ako sa paglalakad paountang kwarto ko at hinarap siya, ni hindi ko siya magawang tignan kasi natatakot ako na baka maiyak nanaman ako pag nakita ko siya. Itinuon ko ang atensyon ko sa sahig. Unti unti kong nakita ang paa niya, sinubukan nitang itaas ang aking baba para tumingin sa kanya. Kinagat ko ang aking labi nang makita siyang seryosong nakatingin sa akin.
"Are you still upset because of what Sam told you?" Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik.
"Sof, natatakot ka bang iiwan kita? Iiwan ko kayo ni baby?" Mahinang tanong niya sa akin pero nanatili akong tahimik. Gusto kong sabihin sa kanya na 'Oo, natatakot akong iiwanan mo kami.' Pero hindi ko magawa kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Hindi kita iiwan. Pangako." Bulong niya bago niya ako hinalikan sa labi, at dahil doon ay ipinikit ko ang aking mata at hinalikan siya pabalik.
Now, I don't think I can afford to lose him.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...