Nakahiga ako sa kama nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan agad akong lumingon at nakita si Nathan na nakatayo duon nakasuot siya ng kanyang pajama, nginitian niya ako kaya naman napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo ditto Nathan?" Lumapit siya sa akin at humiga sa tabi ko at kinuha ang unan ko saka tumalikod sa akin habang yakap yakap 'to.
"Hoy! Kinakausap kita." Kinalbit ko siya, pero para siyang walang nararamdaman at naririnig. Aba! Medyo makapal talaga ang isang ito. "HOY!" sinipa ko na siya at saka siya napadaing at humarap sa pwesto ko. "Aray ko naman wifey!" ngumuso siya at hinihimas ang kanyang binti. Tinaasan ko siya ng kilay. Buti nga sa iyo! "Eto naman, meron ka ba ngayon? Ang sungit sungit mo naman Parang humihiga lang ako dito sa kama mo naninipa ka na. Grabe ka naman, Abuse 'to! Against men!" Mahabang drama niya sa akin.
"Eh kasi naman, kanina pa kita tinatanong , ni hindi mo man lang ako pinapansin--"
"Ay, kaya ka ba nagagalit? Di mo naman kailangan magpapansin sa akin, Kasi papansinin naman talaga kita, lalo na ang sexy mo sa suot mo." Sabay taas baba ng kilay niya. "ew!" hinampas ko ang braso niya. "Aray naman! Ikaw naman, di ko alam nangchachansing ka na pala. Di mo kailangan gawin iyan." Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa tyan niya. Nanlaki ang mata ko dahil nakapa ko kagad ang kanyang abs...
Agad kong binawi ang aking kamay at sinabing, "Walang hiya ka! Umalis ka sa harapan ko."
Tumawa siya ng malakas saka ako niyakap. "Wifey, joke lang 'yun! Ito na seryoso na." Umupo siya nang maayos at tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Ikaw kanina ka pa nangiti ah, may nangyari ba?" tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot. "Namiss lang kita, simula ng tinulungan ko kayo ni hindi na tayo nagkakaroon ng quality time, asawa ko." Sabay pout niya.
"Leche! Anong quality time ka dyan! Siraulo ka ba? Baliw ka na?" tumawa nanaman siya. Kakaiba siya ngayon, bakit siya tumatawa ng ganyan? Simula ng tinulungan niya kami lagi na siyang tahimik na tipong ang lalim ng iniisip niya, oo lagi kami nagpapasalamat sa kanya, kung tutuusin napakalaki ng tinulong niya sa akin... sa amin. Simula ng iniyakan niya ako, hindi na siya muli nag-open sa akin tungkol kay Sam, at nakakapag taka, kasi nagsimula nanaman yung pangbababae niya.
"Nathan, tapatin mo nga ako? Ano bang nangyari?"
Tumahimik siya. "Wala naming nangyari, nagtext nga pala si Mama, bukas may family dinner tayo. Gusto ko lang sabihin sa iyo, na magpapanggap nanaman tayo. Saka... nandun din pala sila Kuya."
Tinitigan ko siya, "Kaya naman pala nandito ka, ayun pala ang dahilan." Tumungo siya, "Iniiwasan ko na siya. Angie, I'm avoiding her, and hell. It was hard, lalo na kung lagi siyang timatawag sa akin para makipagkita. Bukas sana wag mo akong iwan okay? Wag kang umalis sa tabi ko. I want to make things right."
"You're not making things right, Nathan. Ang iwasan siya? That's a wrong move. Why don't you just talk to her and tell her that you cannot continue that relationship you two had?" hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. I looked at him and I saw sadness in his eyes. Hindi niya kaya gawin ang pinapayo ko. Hindi niya kaya kasi mahal niya si Samantha.
"Angie, alam mong hindi ko siya kayang bitawan. Ang isipin lang na kalimutan siya ay mahirap. It's killing me. It will kill me. I love her." He look so sad. "Don't worry, I'll help you, okay?" Agad na sinabi ko sa kanya. "Wag ka na malungkot. I know that you're really trying your best. Let's take things slow." nginitian niya ako sabay halik sa aking pisngi kaya agad akong natulala tumakbo siya palayo sa akin at sinabing, "Good night wifey ko!" hanggang sinarado na niya ang pintuan. Hinawakan ko ang aking pisngi kung saan niya ako hinalikan at napangiti. Baliw talaga 'to.
Nanlalamig ang kamay ni Nathan nang papasok kami sa bahay nila. He was nervous, maybe because he'll meet his Samantha. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan niya dun. Obviously, nakakaturn-off siya. Paano niya nasisikmura pagsabayin ang magkapatid. Alam kong wala akong karapatan na husgahan siya, pero di ba siya pwedeng pumili ng isa lang? Bakit kailangan dalawa pa? Naawa ako kay Kuya Paul, kasi wala siyang alam sa pinaggagawa ni Samatha, di niya alam niloloko siya ang masaklap kasi ikakasal na sila. Gustong gusto ko sabihin... gusto ko sabihin na niloloko siya ni Samantha, kaso paano ko sasabihin kung madadamay si Nathan. Ayokong madamay siya. Ayokong magalit sila kay Nathan kahit na may ginawa siyang mali.
"Oh my! Mabuti naman at nandito na kayo! I missed you two!" agad kaming niyakap ng Mama ni Nathan. "Sofia! Ang blooming mo! Mabait ba sayo si Nathan? Inaalagaan ka ba niyang mabuti?"
Napangiti ako at sinabing, "Hindi nga po eh, kinakawawa niya po ako." Nanlaki ang mga mata ni Nathan sa sinabi ko at agad siya piningot ng Mama niya. "Aba! Hindi kita pinalaki ng ganyan!--"
"Mom! Nangjojoke lang si wifey ko! Aray!" agad siyang binitiwan ng Mama niya nangnarinig niya akong tumawa. "Wifey! Ang sama mo!"
"Totoo ba 'yun, Sofia?" Tanong ni Mama kaya ngumiti ako at tumango. "Nako! Sorry baby ko." Sabay halik sa pisngi sa nakasimangot na Nathan. 'Hindi na tayo bati!" masmang tingin niya sa akin at niyakap ang mama niya.
"Ito naman! Di mabiro! Ang cute naman ng hubby ko!" kunurot kurot ko ang pisngi niya. Nakasimangot parin siya. Ang cute lang niya!
"Halika na nga! Wag na kayo maglambingan sa harapan ko, naiinggit ako. Namimiss ko na asawa ko. Saka naghihintay na sila, mga gutom na." Sabi ng mama niya. "Mom, anong miss ka dyan? Eh nasa loob lang ng bahay si Dad eh!" Reklamo ni Nathan. Humagikhik naman si Mama ng parang teenager at niyaya na kaming pumasok sa loob ng bahay nila.
Nanigas sa tabi ko si Nathan at tumingin agad sa akin, ngumiti ako sa kanya. He can do it. We can do it. He can forget her. He can find someone who'll love him so much.
Nang makapasok kami narinig naming ang tawanan nila. Ang kapal lang talaga ng mukha nang babaeng 'yun! Paano niya nasisikmura tumawa sa harapan ng magulang nila Nathan nang may nagawa siyang mali. Na may tinatago siyang baho.
Ngumiti siya sa amin at agad na lumapit para mag beso sa akin, Ang plastic. At itinuon ang pasin kay Nathan na nakatayo lang sa harapan niya, nilapitan niya ito at niyakap. "Nate! I missed you! Kamusta ka na?" hinawakan niya sa braso si Nathan habang hinihimas himas ito. Tumaas kagad ang kilay ko. Aba magaling pala talaga ito umarte.
---
YEHEY! Comment, Vote and Love!
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...