Chapter 27

4.9K 116 3
                                    

Nakabusangot ako habang naglalakad papunta sa unit namin ni Nathan. Naiinis parin ako sa kanya. Bwiset siya! Wag na siya magpakita sa akin. Masamang tao siya, minumura niya ako. Paano pag narinig ni baby? Gusto ko lang naman kurutin ang pisngi niya. Masama na ba 'yon? "Sof. Wifey. Uy. Pansinin mo naman ako." Sabi ni Nathan habang nasa gilid ko siya. Ako naman ay napa-irap nalang. Manigas ka!

Natigilan ako nang naramdaman kong may pumulupot na kamay sa akin galing likod. At naramdaman ko ang paghinga ni Nathan sa aking leeg. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. "Wifey. Sorry na. Bilis kurutin mo na ako ulit. Di na ako magagalit." Ngumuso ako, di magagalit? Tapos mamaya kapag kinurot ko siya mumurahin niya ako. Hmmp!

Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit mahirap habang siya naman ay parang coala! Ayaw bumitaw sa yakap. Pinipilit kong kumawala kaso ayaw niya talaga. Bahala siya dyan! Siya din naman mahihirapan mag lakad! Kinuha ko ang susi ko mula sa bag ko at pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa amin si Kuya Paul na nakaupo sa couch ng sala. Naramdaman ko ang pagkawala ng yakap ni Nathan sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang paglukot ng mukha niya. "Kuya. Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?" Tanong niya sa kanya habang unting unti lumalapit kay Kuya Paul.

Tipid na ngumiti sa amin si Kuya Paul at lumapit sa amin. Naramdaman ko ang paghawak ni Nathan sa kamay ko, unting unti itong humigpit ng halikan ako sa pisngi ni Kuya Paul. Nginitian ko si Kuya kahit ang sakit na nang pagkakahawak ni Nathan sa akin. Dati pa naman akong hinahalikan ni Kuya Paul sa pisngi eh. "Kuya. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit sa kanya ni Nathan. Tumingin sa kanya si Kuya ay sumeryoso ang mukha. "Nathan... I need your help."

"Help? Regarding what? Kung sa company yan, wag ako. I'm not interested."

"No. About.... About Samantha." Nababuntong hininga si Kuya Paul. Kumunot ang noo namin ni Nathan. Bakit kay Nathan siya nagpapatulong? Anong meron? "Kuya, anong meron?"

"Kinausap ka ba ni Sam? Tumawag ba siya sayo?" Tanong ni Kuya Paul. "Kuya, hindi na kami nag-uusap ni Sam. Matagal na kaming di nag-uusap. Bakit mo ba sa akin tinatanong kung nasaan siya? Nawawala ba siya?" Umiling iling si Kuya sa sagot ni Nathan. Napaupo si Kuya sa couch at hinilamos ang mukha niya. At that moment, narealize kong alam ni Kuya Paul ang lahat. Tumingin sa akin si Nathan na parang sinasabi ay iwan ko muna sila. Gusto kong pumalag. Gusto kong marinig yung pag uusapan nila pero... nirerespeto ko sila. Tumango ako at tumalikod na papuntang kwarto.

5 minutes... 10 minutes... 20 minutes na akong naghihintay dito sa loob ng kwarto. Bakit ang tagal naman ata nilang mag usap? Umupo ako mula sa pagkakahiga nang may nagbukas ng pintuan. Si Nathan. "Sof. Alis lang kami. Babalik din ako kagad." Halata sa mukha niya ang pagkakakaba. Tumayo ako nang tumalikod siya sa akin at hinabol siya. "Saan ka pupunta?"

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Hahanapin ko si Sam. Kailangan niya ako." Hindi na niya ako pinatapos mag salita at madaling umalis ng bahay. Napatitig nalang ako sa kawalan. Kailangan siya ni Samantha.

Itinuon ko ang pansin ko sa paggawa ng thesis dito sa may sala. Chapter 3 palang ako at kailangan ko na mag isip ng mga susunod na gagawin. Sumasakit ulo ko dahil gahol na ako sa oras. Isa pa, hindi ako makaconcentrate. Limang oras nang wala si Nathan. It's already 10 pm. Yet, hindi siya nagrereply sa mga texts ko. Hindi din niya sinasagot tawag ko. Nag aalala na ako sa kanya. Paano kung may mangyaring masama? But then again, naalala ko yung sinabi niya sa akin bago siya umalis. Kailangan siya ni Samantha.

I feel so.... sad and empty. Masyadong tahimik ang bahay. Kasi wala siya. Napabuntong hininga ako at humiga nalang sa couch. Tulalang tumitig ako sa kisame. Nasaan na kaya siya? Magkasama na ba sila ni Samantha? Hinimas ko ang aking tyan. 'Baby, si daddy mo kasama na siguro yung babaeng mahal niya.'

Paano ko sasabihin sa kanya na may anak kami kung ngayon palang mas importante sa kanya si Samantha. Nakatulog ako nang may sama ng loob.

Nagising ako sa sinag ng araw, agad akong nilingon yung wall clock. 9:35 am. Umupo ako at lumingon sa paligid. Ang tahimik. Napayuko nalang ako at napabuntong hininga. Wala parin siya. Umasa ako na kahit papaano ay nandito na siya. Yung pagkagising ko nandito na siya. Pero wala siya.

Agad kong kinuha ang phone ko kung may text siya pero nabigo ako. Itinuon ko ang pansin ko sa pag aayos para makapasok na sa school. Late na din ako.

Pagkadating ko sa school ay agad akong pumunta sa klase ko. Buong araw ako wala sa sarili. Hanggang sa mag uwian, napagpasyahan namin nila Josh manatili sa cafeteria para tumambay.

"Atey! Ano bang problema mo? Parang ang lalim lalim naman ng iniisip mo." Nakakunot na sabi ni Josh habang si Hana naman ay inabot sa akin yung kwek kwek. Nginitian ko si Hana sabay niyakap siya. "Waaahh! Kwek kwek!" Itinuon ko ang oras ko sa pagkain ng kwek kwek habang sila Josh naman ay nag-uusap tungkol sa pinapanood nila. Nang nagulat kami nang sumali sa table namin si Daniel at Aaron. Agad na nanglaki ang mga mata namin habang sila naman ay todo ngiti sa amin. "Angieee!" Tumabi sa akin si Aaron at niyakap ako nang pagkahigpit, si Daniel naman ay agad na inilayo si Aaron sa akin. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila habang sila Hana naman ay impit na tumili sa kilig. Napa irap nalang ako.

"Eh. Nakita namin kayo. Kaya ayun!" Sabi ni Aaron habang kinukuha ang stick na hawak ko sabay kumuha ng kwek kwek. Nanglaki ang mga mata ko. "Aray!" Napahimas siya sa ulo niya. "Ang kapal nang mukha mo! Bakit ka kumuha ng kwek kwek?! Grr!!" Ngumisi siya at nag peace sign.

Halos isang oras kami nang kwentuhan habang sila Josh naman ay kinikilig parin kahit dinadaldal nila sila Daniel. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Isang unknown number.

+639xxxxxxxxx

St. Lukes. Room 3XX. Nandun si Nathan.

Kumunot ang noo ko. Sino ba ito? Dapat ba ako pumunta? "Angie?" Sinilip ni Daniel kung sino ang nagtext sa akin at kumunot din ang noo niya. "Dapat ba ako pumunta?" Mahinang tanong niya sa akin. Nagtitigan kami hanggang sa sinita kami ni Aaron at inagaw yung cellphone ko at binasa ito. "Pumunta tayo! Baka may nangyaring masama kay Nathan! Kahapon pa namin siya kinocontact pero hindi sita sumasagot." Tumayo si Aaron at sumang ayon sila Hana. Gusto ko sana tumanggi. Kasi alam ko na kasama niya si Samantha. Pero paano nga kung napahamak siya? Saka di naman siguro kami maloloko dahil may mga kasama kaming mga lalaki.

Sumakay ako sa kotse ni Daniel habang yung tatlo ay kay Aaron. Kinakabahan ako habang papunta kami sa hospital. May nabgyari bang masama kay Nathan? Bumilis ang tibok ng puso ko, iniisip palang na may masamang nabgyari kay Nathan. Hindi pwede. Mabilis kaming nakaakyat sa floor at room kung saan nandun 'daw' si Nathan. Lumapit kagad ako at hindi na hinintay ang iba sa Room 3XX nang napansin kong bukas ito. Dahan dahan akong sumilip at nakita ko si Nathan na kahalikan si Samantha na nakahiga sa kama. Habang si Nathan naman ay nakaupo. Kitang kita ko ang pagpikit nang mata ni Nathan habang hinahalikan niyang pabalik si Samantha. Napatakip ako nang bibig. Sumikip ang dibdib ako at dahan dahang sinara ang pintuan nila. Hindi ko kayang makita sila. Hindi ko kaya na makita si Nathan na may kahalikan na iba. Bakit ba sumakit ang puso ko? Hindi ko naman siya mahal. Dahil ba sa siya ang tatay ng dinadala ko? Ang bigat sa damdamin. Hindi ko namalayan ang unti unting pag tulo nang mga luha sa aking mata. Naaawa ako sa anak ko. Hindi ko siya mabibigyan nang buo at nagmamahalan na pamilya o magulang. Masakit isipin na asawa ko lang kasi siya mula sa pagkakamali. Hindi ako galit kay Nathan kasi alam kong mahal na mahal niya si Samantha. Nanghihina akong sumandal sa pader.

"Oh shit! Angie! Dinudugo ka!" Yun ang huli kong narinig mula sa mga kaibigan ko bago dumilim ang paligid.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon