Chapter 43

4.9K 111 1
                                    

"Angeline, ano bang nangyayari sayo? kanina pa kami daldal ng daldal dito pero di ka nakikinig. Tulala ka nanaman!" Nakangiwing sinabi ni Hana sa akin, habang sila Daniel naman ay napatango.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Jessie pero agad akong umiling. Gusto ko mang alisin sa isip ko ang nakita ko kanina, pero natatakot ako. Sobrang laki nang posibilidad na buntis si Samantha. Una, mag isa lang siya, at nakasuot siya nang maluwag na damit, tinatakpan din niya ang mukha niya gamit ang isang salamin. Bakit siya pupunta sa isang OB Clinic? Pangalawa, it's been what? Months na hindi siya nagparamdam. Ang huli ay yung kinausap niya sila Mama, after nun ay wala na akong alam tungkol sa kanya. Pangatlo, I saw a bump! I saw it.

Napabuntong hininga ako at hinarap sila Hana, ngumiti ako nang peke at sinabing, "Wala. Nagugutom na kasi ako. Tara kain na tayo!" Pag iiba ko sa usapan. Napansin kong nagkatinginan sila. Alam kong hindi sila nakumbinsi. Alam ko. Pero ayokong sabihin kung ano talaga ang nangyayari. Hindi ko kaya sabihin kasi sa ngayon, isang bagay lang ang naiisip ko. Buntis si Samantha at malaki ang posibilidad na si Nathan ang ama nang dinadala niya.

"Wifey. Are you okay? Ang tahimik mo simula kaninang pag-uwi mo. Sabi nila Hana okay ka naman daw kanina, pero pagtapos nang check up daw ay naging tahimik ka na daw. Healthy naman si baby diba? Bakit ang tahimik mo? May problema ba?" Tanong ni Nathan habang hinihila niya ako paupo sa kandungan niya. Tahimik akong umupo sa hita niya. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang at saka ako hinalikan sa pisngi. "What's wrong?" Umiling ako bilang sagot. Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka ba?"

"Wala. Pagod lang ako. Gusto ko na matulog." Sabi ko sa kanya at saka kinalas ang kanyang pagkakayakap sa akin. "Pero Angie, hindi ka pa kumakain--" Tumayo ako at nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto namin. Dirediretso akong naglakad na para bang hindi ko narinig ang kanyang sinabi. Sorry Nathan. Masyado lang akong madaming iniiisip. Natatakot talaga ako. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya pag sinabi kong buntis si Samantha, At sigurado akong normal lang para sa kanila ang pagsisiping. Paniguradong magugulat siya pag nalaman niya ito. Dapat ko bang sabihin sa kanya?

Nang makahiga ako ay naramdaman ko nalang ang pagtulo nang mga luha sa aking mata. Paano kung siya ang ama? Anong gagawin ko? Anong gagawin niya? Masyado akong natatakot lalo na at hindi nagpaparamdam si Samantha. Paano kung may gawin nanaman siya? Para masira si Nathan sa amin. At paano kung yung ginawa niya ay totoo na?

"Sof." Malumanay na sabi ni Nathan nang naramdaman ko ang pag upo niya s gilid nang kama namin. "Hey. Please look at me? Nag aalala na ako sayo. May nangyari ba? May masakit ba sayo? Kasi di akong naniniwala na wala lang iyan. Wifey, please look at me?" Pumunta siya sa pwesto ko at lumuhod sa lapag para magkapantay kami habang ako ay nakahiga. Nanglaki ang mga mata niya nang nakita niya akong umiiyak. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Inalo niya kagad ako. Umupo ako para yakapin siya nang mahigpit. "Why are you crying, wifey?"

Umiling ako bilang sagot at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. How can I afford to loses this guy? I love him.

"Baby, hush now. Wag ka na umiyak. Nandito naman ako diba? Pag usapan natin ito." Pero hindi ako sumagot. Bumuntong hininga siya at saka hinaplos ang aking buhok. "Okay. Wifey, basta kung handa ka na sabihin sa akin ito, makikinig ako. Wag ka na umiyak. Nasasaktan akong nakikita kang umiiyak. Tahan ka na." Hinalikan niya ako sa ulo at niyakap ulit. I love you, Nathan.

Nakatulog ako sa kanyang mga kamay. Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Nakarinig ako nang isang tunog mula sa phone niya. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Kinuha ko ang phone ni Nathan at nakita ko ang isang text message.

From Samantha:
Basta pumunta ka dito. Maghihintay ako.

Ito ang nag iisang unread mula sa usapan nila. Nangatog ang aking mga kamay at binasa ang iba pa nilang usapan simula kaninang madaling araw.

From Samanta:
Nate, we need to talk.

To Samantha:
Para saan. Saka pwede ba, ayoko na nang kahit anong kaugnayan mula sayo. Wag mo na akong itext.

From Samantha:
Importante 'to, please. After nito, kung ayaw mo na talaga makipagbalikan sa akin eh wala na akong magagawa. Basta pumunta ka. Pagkatapos nang usapan na ito ay saka magdecide kung ano nang susunod na gusto mong mangyari.

Hindi nangreply si Nathan. Kaya yung una kong nabasang unread message, ay ibig sabihin ay nagtext ulit si Samantha.

Nagmadali akong bumangon. Agad akong bumaba at nakita ko siyang nagluluto sa kusina. Tumakbo ako papunta sa kanya at saka siya niyakap nang mahigpit. Halatang nagulat siya at saka ako hinarap. Hinalikan nila ako sa noo at niyakap. "Good morning. Wifey. Bakit ka tumatakbo baka mapaano ka nyan sa ginagawa mo eh?"

Balisa ko siyang nilingon at sinabing, "Wag mong puntahan si Samantha. Please? Wag mo siyang puntahan." Nanghihinang sinabi ko sa kanya nang nagpalaki sa kanyang mga mata. Umiiyak na ako. Paano kung puntahan niya si Samantha? Sobrang lakas nang kabog mula sa aking dibdib. Sobrang laki talaga nang posibilidad na siya ang Ama nang dinadala ni Samantha, she wants him back! Kaya sino ang tatay? Si Nathan ito.

Madamot na kung madamot pero hindi ko kaya na makita si Nathan sa piling ni Smantha. "Hindi ako pupunta. Wag ka na umiyak. Oh god. Please Sofia." Niyakap ako nang mahigpit ni Nathan. Nanginginig kong hinawakan ang kanyang mga pisngi at saka hinalikan ang kanyang labi. "Nathan, promise me. Hindi ka makikipagkita kay Samantha, wag kang makikipagkita sa kanya. Nathan, masasaktan ako nang todo pag ginawa mo ito." Tumango kagad si Nathan sa akin. "Hindi ako makikipagkita sa kanya. Promise. Tahan ka na baby."

Niyakap ko ulit siya. Panghahawakan ko iyan. Panghahawakan ko ang kanyang sinabi. "I don't want to see you cry because of this, Sof. Wag ka nang umiyak nang dahil lang kay Samantha. Ano bang kinakatakot mo? Nabasa mo ba ang message niya? Hindi ako makikipagbalikan kung 'yan ang iniisip mo. Wifey, hindi ko na siya mahal. Matagal ko na siya hindi mahal. Kaya wag ka nang umiyak. Diba sinabi ko na sayo na ayaw kitang makitang umiiyak? Nasasaktan ako. Please tahan na wifey. Promise di ako makikipagkita sa kanya." Hinalikan niya ako sa pisngi at pinunansan ang mga luha sa aking mga mata.

Tumango ako. Sige maniniwala ako. At sana sa pagtitiwala ko sa iyo, sana wag mo itong sirain. Because... Promises are meant to be broken.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon