Chapter 40

5.2K 115 2
                                    

"Jerome..." Kinakabahang sabi ko habang nakatingin ako sa lalaking minsan nang nagpatibok ng puso ko. Tinignan niya ako na para bang galak siyang makita ako. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya. Na para bang sa ang pag ngiti ko pabalik sa kanya ay isang malaking pagkakamali. Gusto ko siyang talikuran nang mga oras na iyon. Nahihiya akong harapin siya.

Yung totoo po Lord? Kakabasa ko lang ng letter kahapon oh, nananadya po ba kayo? Ganda ng timing eh.

"Hello, Angeline." Gusto ko sabunutan ang sarili ko. Totoo ngang siya ang nasa harapan ko! Anong gagawin ko? Dapat ba umakto ako na para bang walang nangyari sa amin? Strangers? Or maybe friends?

"Nag b-balik ka na?" Ngayon naman gusto kong batukan ang sarili ko, malamang bumalik na siya! Nasa harapan ko na nga siya eh. "Oo." Ngumisi siya sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako said pagkikita namin na nakikita ko siyang masaya. Para bang may mali? Tinitigan ko siya, ang dating Jerome ay iba na.

"Mag isa ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya, tumango tango siya, "Tara kain tayo? To catch up?" Hopeful na tingin niya sa akin habang hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Ano bang dapat ko isagot sa kanya? Sasama ba ako? O hindi nalang? Pero pag hindi ako sumama, hindi ba parang ang bastos ko?

Tumingin ako sa aking phone at nakita ang message ni Josh, 'Atey, wait lang, umalis ako saglit may importanteng pupuntahan. Babalik din ako kagad. Hintayin mo ako. Mwuah!'

"Uh. Angeline, are you free?" Tanong ulit ni Jerome. Huminga ako ng malalim at saka tumango ulit. "Great!" Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant na nasa loob din ng mall. Pagkapasok namin sa restaurant ay agad kaming inasisst ng waitress. Ngiting ngiti siya sa amin.

"This way Sir, Ma'am." Umupo kami sa pang dalawahang table. Nailang ako nang si Jerome mismo ang nag urong ng chair ko at inalalayan akong paupo. Umupo din siya sa tapat ko.

Nakarinig agad ako ng bulungan mula sa mga waitress. "Ang ganda naman nung asawa ni Sir."
"Oo nga eh. Nakita mo naman, kahit bunis kabog na kabog."
"Kaya siguro hindi tumitingin sa iba si Sir. Ganda kasi nung asawa niya."

Napakunot ang noo ko. Bakit parang kilala nila si Jerome? Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti siya at sinabing, "I missed you."

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Para akong napaso kaya agad kong binawi ito. Ipinatong ko ang aking kamay sa aking hita. Suminghap siya sa ginawa ko. "I am sorry."

"O-Okay lang."

"Kamusta ka na? Ilang buwan na si baby mo?" Tanong niya sa akin. "Okay naman ako. 8 months na. Malapit ko na siya makita." Ngumiti akong pilit sa kanya. Tumango siya. "Inaalagaan ka ba niya?" Sa pagkakataon na ito, ako naman ang tumango. "Mabuti naman kung ganun." Bumuntong hininga siya at saka tinawag ang waitress. Nag order siya ng pagkain namin. At kahit hindi niya ako tanungin, ay alam kong alam niya kung anong gusto kong pag kain. Alam niya. Natatandaan niya pa.

"Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya. Para ba mabawasan ang pagkakailang. Tumingin siya sa akin ng seryoso at sinabing, "Okay naman ako. Okay na."

"This is so awkward." Humalakhak siya. Samantala ako ay nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. "Angeline, you don't have to feel sorry. It's okay. Really. I am already okay." Hindi ko alam kung maniniwala ako doon. Ni hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Wala akong makitang kahit ano sa mga expression niya. Ngumingiti siya, pero parang may mali. Parang may kulang. Parang nag bago siya. Pati itsura niya ay nag bago. Lalo siyang nag mukhang mature. Humaba din ng onti ang buhok niya. Naka white na polo siya ngayon at itinupi ito hanggang siko. Naka black pants din siya. He looks professional. Parang si Nathan ba. Ngunit ang pagkakaiba nila ay si Nathan, ay halata mo parin ang masayahing aura. Samantala si Jerome, ay napaka seryoso ng mukha.

"You changed." Mahinang sabi ko sa kanya. Tumitig siya sa akin at saka umiling. "I didn't. I just grew up. With the pain I'm dealing right now."

"Are you staying for good?" Tanong ko ulit. Umiling siya at pinaglaruan ang straw sa juice niya. "I can't. Ayokong maging martyr." Ngumisi ukit siya. "At isa pa, mas maganda na din malayo ako sayo. Baka kunin kita pabalik sa akin pag nagtagal pa ako dito sa Pinas. But, I won't do that. Alam ko kung gaano kahalaga sayo na buo ang pamilya. Anyways, nandito ako dahil pinapamanage sa akin itong restaurant na ito."

Jerome, hate me, please?" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. "I won't. And I can't. There's no reason to hate you."

"Let's not talk about it anymore." Dugtong pa niya.

Kumakalabog ng todo ang puso ko, paano niya nasasabi ng pranka ang lahat ng ito?

After that, sinerve na nila ang pagkain. Parehas kaming tahimik na kumakain. Sa sobrang tahimik ay halos hindi ko na masubo ang pagkain na nakahain sa mesa namin. Nalulungkot akong isipin na yung taong minahal ko ay sinaktan ko. Pero siguro ganoon talaga pag nagmamahal ka. May masasaktan at masasaktan ka. Kahit na ayaw mo. May isang taong masasaktan dahil sa lubos na pagmamahal na ibinibigay niya sayo. Kahit anong ipilit, may mga bagay na hindi parin sapat.

Siguro, ang pagmamahal ko kay Jerome ay mababaw kumpara sa pagmamahal niya sa akin. Kasi, ngayon pa lang ay iba na ang tumitibok sa puso ko. Hindi na si Jerome. May iba nang nag mamay ari nito. At natatakot ako na baka ako naman ay karmahin sa sobrang sakit na ibinigay ko kay Jerome.  I don't even know if I deserve to be happy. But then again, I have my baby. He/she will be the reason to make everything worth living.

Ilang minuto ay tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Josh. Agad kong sinagot ito, "Hello, Josh, Asan ka na?"

"Nasa hospital ako, si Hana sinugod dito. Pasensya ka na hindi kita masasamahan." Kinabahan ako. Halata sa boses niya ang galit. "A-Anong nangyari? Saang hospital 'yan?"

Agad sinabi ni Josh ang Hospital, ngunit di niya sa akin sinabi ang dahilan kung bakit naospital ito. Tumayo ako nang hindi namamalayan ang pag sunod ni Jerome sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at hinarap niya ako sa kanya. "Sasamahan kita." Wala akong ibang magawa kundi tumango.

Nagmadali kaming pumunta sa Hospital at nakita ko si Josh na nakatungo. Habang si Jessie naman ay tahimik na nasa tabi nito. Nang nakita kami ni Jessie ay agad siyang napatayo. Halata sa mukha niya ang gulat. Malamang nagulat siya dahil si Jerome ay kasama ko. Hindi ko nalang inintindi iyon. "Anong nangyari?" Tanong ko kay Jessie.

Itiniim niya ang kanyang bagang at sinabing, "Naoverdose sa diet pills. Pero sabi nang doctor buti nalang ay naagapan. Kung hindi... Baka patay na siya." Malungkot na sinabi niya sa akin. Nakaramdam ako ng kirot. Nag didiet pills si Hana? Kaya ba napaka bilis niyang pumayat?

"Nasabi niyo na ba kila Tita?" Tanong ko kay Jessie. "Oo, nasabi ko na. Papunta na din sila dito."

Nilingon ko si Josh na ngayon ay nakasandal ang ulo sa pader habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Tangina. Kasalanan ko ito." Hindi ko makita ang lambot sa salita niya. Sa pagsasalita niya, ay para siyang lalaki.

Nagkatinginan kami ni Jessie.



-
Maiba naman! Hahahaha.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon