Chapter 10

5.8K 140 3
                                    

Kinabukasan gumising ako ng maaga para makapunta agas sa Condo unit ni Jerome at kausapin siya. Siguro kahit papaano may karapatan siyang malaman ang totoo. he deserve knowing the truth, kahit na masakit, kasi lahat ng ito kasalanan ko. Tama si Daniel kahit na hindi ko alam kung papakinggan niya ako, kasi alam kong galit na galit siya sa akin. He hates me so much. Ni ayaw niya ako makita. Masyado ko siyang nasaktan. Kinakabahan ako pero kailangan ko ngang gawin ito. Kaya ko naman diba? Kasi gusto kong malaman niya ang totoo. Hindi ko na kayang isekreto ito sa kanya habang tumatagal kasi lalo ako nahihirapan. Lalong bumibigat yung puso ko, lalo ko lang siya binibigyan ng dahilan para magalit sa akin.

Pagkakatok na pagkakatok ko sa main door ay bumungad sa akin si Nanay Nita. Siya yung naglilinis ng bahay ni Rome every weekends. Simula bata pa lang si Jerome si Nanay Nita na ang nandyan para alagaan siya, kasi laging busy ang kanyang parents. Mabait si Nanay Nita, masayahin at mahal na mahal niya si Jerome, itinuturing niya nga itong anak na. Si Jerome din naman ay tinuturing siyang pangalawang nanay. Wala na kasing pamilya si Nanay Nita, kumbaga ang pamilya nalang niya ang family nila Jerome. They don't just treat her as a yaya, but a family na din. "Oh. Angie. Kamusta ka na? Nako! Aba Angie, Tara pasok ka. Nako matutuwa si Rome anak pag nalaman niyang binisita mo siya! Ang tagal nang hindi kita nakita ah. Ano ba nangyari?" Sabik na tanong niya sa akin. Masaya akong nakita ko ulit siya pero hindi ko kayang matuwa sa tanong niya. Ano nga bang nangyari?

"Nanay naman pano ko masasagot tanong mo sunod suanod?" Pabiro kong na tanong sa kanya. Napangisi naman siya at niyakap ako, at niyakap ko din siyang pabalik, kahit papaano ay nawala ang kaba ko. She's a good distraction, I guess. Pero hindi siya ang pinunta ko dito, kung hindi si Jerome, Habang patagal ng patagal ay para ako nilalamon ng sarili kong konsensya. My Jerome hates me because I hurted him. A lot.

"Nasaan po si Jerome, Nanay?" Bigla nawala yung ngiti niya, na para ba nag aalala siya, "Nag-away ba kayo?" agad na tanong niya sa akin, napansin ko ang paglungkot ng mukha niya kaya naman agad akong napatungo, hindi niya alam ang dahilan? Siguro hindi sa kanya sinabi ni Jerome.

"Si Jerome lagi s'yang naglalasing. Walang araw atang hindi siya umiinom. Lagi lang siyang tahimik. Natatakot nga akong iwan sIya. Kung pwede lang na dito muna ako at huwag magtrabaho sa mansyon baka ginawa ko na. Kaso di ko pwede ipaalam kay madam kung anong nangyayari kay senyorito. Baka magalit si Jerome sa akin. Hindi ko naman ikaw matawagan kasi wala akong numero mo." Malungkot na saad niya. Halata sa mukha niya ang pagaalala sa alaga niya. Hindi ko alam kung paano sagutin o magreact sa sinasabi niya sa akin. How can I tell her that I'm the reason why Jerome became like that?

"Nanay... pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto niya?" Naiilang man ay nagawa kong sabihin iyon sa kanya. Kung hindi ko gagawin ito, kailan pa? Tumango nalang siya bilang sagot. Nagmadali akong pumunta sa tapat ng kwarto niya. Nagbabakasakali ako na pagkatapos nito ay magkaroon kami ng closure. After this, baka kahit kailan man ay hindi na ako kausapin ni Jerome. Baka pagkatapos nito ay maging masaya na siya. Baka pagkatapos nito ay makakahanap na siya ng ibang maghahamal sa kanya. Yung kaya siyang paglaban. Yung kaya siyang mahalin ng todo. Mahal ko siya, mahal niya ako pero hindi ko siya deserve. Merong babae na mas deserve siya kesa sa akin.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay kumatok ako. Isa... Dalawa... Tatlong beses saka niya binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata niya nang nakita niya ako nakatayo sa labas ng kwarto niya. Ang pagkagulat sa kanyang mata ay agad napalitan ng galit, ng pagkamuhi, ang sakit lang tignan siyang ganyan makatingin sa akin. Ang dating maaliwalas na mukha ni Jerome ay nagbago na, para bang hindi siya masyadong natutulog, may balbas at bigote na din siya, nakikita ko din ang pagod sa kanyang mukha. Nang nakita ko siya ay para bang umurong ang lahat ng sasabihin ko sa kanya, gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit. Nang lalapit ako sa kanya ay bigla siyang umurong. "Anong ginagawa mo dito??" Tiim bagang at mariin na tanong niya saka tumingin siya sa akin ng masama. "Sinong nagpapasok sayo na unit ko?!! Ha??!Nanay!!" Nagpa-panic siyang tinawag si Nanay Nita. Nanlamig ako.

Agad na lumapit si Nanay sa amin at halatang naguguluhan sa pangyayari. Magtatanong dapat si Nanay Nita ay bigla ulit nagsalita si jerome. "Paalisin mo yan sa harapan ko! Ayaw ko siyang makita! Bilis!" Inutusan niya si nanay na halatang nagulat miski ako. Hindi kong inakalang sisigawan nya kaming dalawa ni Nanay. HInawakan ako ni Nanay sa braso at sinabing, "Tara na, Angie." Pero agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at lumapit kay Jerome upang yakapin siya pero umiwas siya na para bang nangdidiri sa akin.

"Please hayaan mo akong mag explain, please? Please, Rome?" Hinawakan ko ang kamay niya pero agad niya hinawi ang kamay ko.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan! Kadiri ka!" Nang dahil sa sinabi nya sa akin para akong sinaksak nang madaming beses. Kadiri ka. Kadiri ba ako? Unting unti tumulo ang kanina ko pang pinipiligan na luha. Madumi ba ako para pangdirian niya?

"Jerome. Please naman makinig ka sa akin. Kahit ngayon lang? Sige na? Pagkatapos nito di na kita guguluhin. Promise. Please?" Pagmamaka-awa ko ulit sa kanya.

Nakatingin sya sa akin ng walang bakas ng kahit anong emosyon. "Wala ka na dapat ipaliwanag. Kasi tapos na tayo. Matagal na tayong tapos. Kaya umalis ka na. Di na kita kailangan." Bakit ang sakit sakit na sa kanya mismo nanggaling iyon. Masakit. Para akong nanghihina, kasalanan ko ang lahat nang ito.

"S-Sige... Sorry sa abala..." Suko na ako. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong nangyari. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko siya pero agad siya tumalikod at malakas na isinara ang pintuan ng kwarto niya. Pinunasan ko ang luha sa aking mata at tumingin kay Nanay. At nakikita ko ang awa sa mukha niya. Nagpaalam nalang ako at tumungo habang unting unti umalis sa lugar na iyon.

Parang wala na akong gana sa lahat ng bagay pagkatapos namin mag-usap. Hindi ko alam kung ano na ang mangyaayri sa akin pagkatapos nito, hindi ko na alam kung kaya ko pa siya harapin, kung kaya niya pa ako patawarin. Dadating ba ang panahon na papatawari niya ako sa lahat ng ginawa ko? Umihip ang malakas na hangin at saka nagbagsakan mula sa langit ang mga ulan. Dumamay pa talaga sa akin ang langit. Ang lakas lakas ng ulan. "Hoy! Magpapakamatay ka ba?? Wag kang mangdamay!" Isang malakas na busina ang narinig ko at napatingin ako sa mga taong naabala ko. "S-Sorry po." Narinig ko naman nagsalita sya ng "Tsk. Abala" gusto ko man manghingi ulit ng sorry sa kanya ay hindi ko magawa. Sa sobrang panghihina ko gusto ko nalang umupo sa gitna ng daanan.

"May balak ka magpakamatay? Mas maganda yung uminom ka nalang ng lason para hindi masakit. Sayang kagandahan mo kung magpapabangga ka lang." Napatingin ako sa taong nagsalita sa likod ko. Nagulat nalang ako nang makita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko sa ngayon. "Anong ginagawa mo dito, Nathan?"

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon