Chapter 45

5.3K 108 0
                                    

My mom and dad always tell me how much they love me. I know how unconditional is their love for me. Kaya nga kahit ayokong iwanan si jerome ay ginawa ko. Una, akala ko ang pagpapakasal ko sa taong hindi ko mahal ay dahil lang sa business nila. Ngunit, tinago nila ang totoong dahilan, nang nalaman ko ang totoo na  babagsak na ang company namin, duon ko narealize na napakaselfish ko kung ipipilit ko ang gusto ko. Na bakit hindi ko maisip ang nararamdaman nila mommy? Sobrang sama ng loob ko. Bakit kailangan nilang mag panggap na okay ang lahat? Ganun ba talaga pag magulang? Sasakripisyo mo ang lahat para sa anak mo?

Tinitigan kong mabuti ang aking anak na karga ko. I never felt this happy. Sobrang saya ko nang makita ko siya. I remember when I first woke up, hinanap ko kagad siya. At nang makita ko siya ay naluha ako. Ang anak ko. We decided to name him, Gabriel Angelo, he's like an angel. My Gabby.

Naramdaman ko ang kamay na pumulupot sa aking bewang kaya naman nilingon ko kagad si Nathan. I know how he smells. At parang automatic ang lahat. Kapag siya ang nandyan, nakakaramdam ako ng tuwa... at sakit.

We never talked about Samantha. Pero sa totoo lang, natatakot ako kung anong hihilingin niya. I never wanted a broken family, but that's what I feel like. Parang kahit anong oras itong pamilyang binubuo namin ay pwedeng masira.

Silang lahat ay sobrang saya nung makita nila ang apo nila. Naiyak pa nga si tita at mommy. Alam ko na may ilangan parin kila sila mommy kay Nathan.

"Thank you." Bulong niya sa akin. "Thank you so much." Lagi niya yang sinasabi, alam ko dahil kahit anong problema ay nandito parin ako sa tabi niya. Pero hanggang kailan ko panghahawakan ito? Nakakatakot na baka isang araw ay mapagod ako dahil sa sakit na mararamdaman ko pag kasama ko siya. Nothing is constant when I'm with him.

Inilagay ko si Gabby sa kama kasi tulog na siya at saka hinarap si Nathan na nakatayo parin sa aking tabi. He smiled at me, like assuring me that everything will be okay.

"Sofie... Tumawag si Samantha. Pag di daw ako pumunta sa kanila papa abort niya ang anak namin..." alin langan niyang sinabi sa akin. Nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Sobrang sakit niyang tignan. His words stabbed me.

"Pupunta ka? Sige... Ingat ka na lang." Sabi ko sa kanya. Gusto kong umiyak kasi nakaka-gago nang sinabi niya. Ako ang asawa niya. May anak kami. Pero ano? Nakabuntis siya ng iba. At ang babae na yun ay ang kanyang dating mahal. Hindi malabo na mamahalin niya ito ulit. At hindi malabo na iwan niya kami. Kasi magkaka anak na sila. Gusto ko siyang saktan kasi nasasaktan ako, emotionally.

Kahit anong gawin kong saya ay hindi ko magawa dahil kay Nathan.

Alam kong nahihirapan din siya sa situasyon namin, sobrang sama ni Samantha. Gusto ko siya sampalin. Sobrang kapal ng mukha niya, but then again, magiging nanay na siya. Hindi ko magagawa iyon kasi buntis siya. Hindi kong magagawang saktan siya kasi may inosenteng madadamay.

"I'm sorry. Are you mad?" Malungkot na tanong niya sa akin. Paano ko magagawang magalit sayo? Kung makita kang malungkot ay nasasaktan na ako. Iyan ang gusto ko sabihin. Pero pinili kong tumahimik nalang. Huminga ako ng malalim at sinabi sa kanya na, "Pwede ka nang umalis. Lock mo na lang yung pintuan. Inaantok na ako." Sabay talikod sa kanya at humiga sa kama katabi ang anak namin na mahimbing na natutulog.

Ramdam ko na nakatayo lang siya sa gilid ko. Pumikit ako ng mariin. I choose to ignore him. Nagpanggap akong tulog hanngang sa umupo siya sa tabi ko at hinimas ang aking buhok. Alam ko naman na nahihirapan din siya. Pero malay mo naman, habang patagal ng patagal eh matutunan niya mahalin ito ulit.

Bumuntong hininga siya at saka ako hinalikan sa ulo.

Ilang sandali lang ay tumayo siya at saka sinara ang pintuan ng kwarto namin. Nakarinig nalang ako ng tunog ng kotse. At alam ko na umalis na siya.

Ganito ang naging set up namin araw araw. Umabot ng isang buwan na malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko tanggap ang ginagawa niya.

Isang araw, bumisita sila Daniel dito sa bahay at nagulat ako nang makita ko si Jerome na kasama nila. Halos di ko alam ang gagawin ko nang makita ko siya. Guto kong batukan ang sarili ko, malamang! Kaibigan nila ito. Sobrang awkward. Siguro dahil alam nila ang lahat nang nangyari sa amin. Tuwang tuwa silang tatlo kay Gabby habang ako naman ay nasa kusina at nagluluto nang makakain nila.

"Kamukhang kamukha ni Nathan si Gabby." Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Jerome na nakasadal sa may pintuan. Sa sobrang gulat ko ay napatitig nalang ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Nang makita ko yung anak mo... how I wish na ako na lang ang tatay niya. Kamukha siya ni Nathan pero pag tinitignan ko siya, he reminds me of you."

"Jerome..."

"Hope you don't mind. Alam ko naman na hindi na natin mababalik ang nakaraan. Sobrang saya ko nang makita ang anak mo ngayon. Para ba lahat ng sakit ay nawala nang makita ko si Gabby. He's an angel. Parang worth it ang sakit na naramdaman ko. Sana ako nalang yung tatay niya. Paminsan iniisip ko kung paano kung natuloy ang lahat ng pangarap natin, too many what if's. Sobrang sayang lang." Mahinang sabi niya sa akin. Tumungo nalang ako. We were perfect. I love him endlessly.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. I know how much he love me. I love him too... but in a different way now.

Kasi sa ngayon parang narealize ko na minamahal ko na ata yung lalaking nananakit sa akin ngayon.

"Jerome, alam kong sobrang sakit nang nangyari. You deserve someone else. Someone worth it. Sana alam mong kahit anong mangyari ay mahal parin kita."

Tumango siya sa akin. "But in a different way now." Siya na mismo ang dumugtong sa salitang ayoko sabihin sa kanya. He understand.

"Yeah..." alinlangan kong tugon. Ngumisi siya sa akin. "So... friends? Gusto ko din naman maging ninong ni Gabby. Dapat ako lang ang kunin nyong ninong kasi ako lang pinaka matino sa lahat. The two of them are both losers." Napatawa ako sa sinabi niya. Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko ito.

"Kapag sinaktan ka ni Nathan, wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Ikaw ang kauna unahang babaeng minahal ko ng ganito, binitiwan kita kaya kapag sinaktan ka niya. Asahan mo. Pagtataggol kita." Ngumiti ulit siya sa akin. Nang dahil sa sinabi niya ay napangiti ako ng mapait. Paano ba yan? Sinasaktan na ako ni Nathan.

"Oy oy oy! Bakit ang tagal ng pag kain yaya?" Sigaw ni Aaron nang makarating siya sa kusina. "Ang kupad kumilos! Binabayaran kita di para makipagkwentuhan! Aba kilos! Gutom na ako!" Nang makalapit siya sa amin ay agad ko siyang binatukan nang pagkalakas lakas.

Nanglalaki ang mata niya nang ginawa ko iyon at napasigaw nalang. "Joke lang! Ito naman, di mabiro! Take your time. Aalagaan ko nalang si Gabby!" Napatawa nalang kami ni Jerome habanf si Aaron ay tumakbo palabas ng kusina. Baliw talaga.

--
Pasensya sa katagalan ng pag update. Sobrang busy sa trabaho. Saka pag nauwi na ako ay pagod na ako. Physically at mentally! Kalerkey. Anyways. Thank you soooo much!!!!!!! Love love love!!!! Oha matutulog na ako. Maaga pa ako mamaya. Iyak.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon