Tahimik kaming pa byahe pauwi sa condo namin ni Nathan, hanggang ngayon hindi parin humuhupa ang inis ko kay Samantha. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gusto niya. Bakit kailangan dalawa pa? Hindi ba pwedeng isa lang? hindi ba pwedeng pumili siya?
"Ano bang iniisip mo at kanina ka pa tahimik?" tanong sa akin ni Nathan, at sumulyap saglit sa akin habang pinagpapatuloy ang pagdridrive ng kotse niya. Umiling ako at binaling ang paningin ko sa may bintana. Tumikhim siya at nagulat nalang ako nang inihinto niya ang kotse sa gitna ng highway! "What the! Nathan! Mag drive ka nga!"
"No! Unless you tell me what's wrong."
"Nababaliw ka na ba? Nasa gitna tayo ng highway!" sigaw ko sa kanya! How can he stopped in the middle of a highway? Paano kung may mangyari sa amin. Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinitigan lang niya ako, tinaasan pa ako ng kilay! Mabuti nalang at walang masyadong nadaan dahil sa madaling araw na din naman. Don't tell me hindi talaga siya magdrdrive hanggat di ko sinasabi sa kanya?
"Oh, hell. You're crazy!" inis na sambit ko at nginisihan niya lang ako. "Okay! Nag-usap kami ni Samantha mo. Happy? Now, drive!" inis na sabi ko sa kanya, pero instead na mag drive siya at patuloy siyang nakatingin sa akin at unti unting kumunot ang noo. "Bakit ka niya kinausap?" halos pabulong niyang tanong sa akin. I just shrugged. I don't want to talk anymore. I don't feel like talking to him. Ewan ko ba parang bigla bigla nalang nagbabago mood ko these past few days. "Just drive, please? I'm sleepy."
Napabuntong hininga nalang siya at pinagpatuloy ang pagdridrive. Nang makadating kami sa unit niya ay dirediretso ako papunta sa kwarto ko, nang isasara ko na, ay nagulat ako nang humarang ang kamay ni Nathan. Nang pumasok siya ay tumalikod agad ako para humanap ng damit pangtulog. "Angie, what's wrong?" hinawakan niya ang aking braso at hinapit ako paharap sa kanya. Nakita ko ang nag-aalalang mukha niya ay parang dinudurog ang puso ko. How can he love his brother's fiancé? Bakit pumasok siya sa ganung situation, how could he be so desperate because of her? She's selfish! Hindi niya deserve si Nathan.
"Napaka-selfish niya." Unti-unting lumambot ang mukha niya at hinawakan ang pisngi ko. Di ko napansin na naiiyak na pala ako. "Why are you crying?" mahinang tanong niya sa akin.
"I don't know." I really don't know what's happening to me. Feeling ko napaka emotional ko. Pinunasan niya ang luhang tumutulo sa akin at ngumiti siya. "Please don't cry nang dahil sa akin. Problema ko ito, wag kang malungkot nang dahil sa akin. I can handle this. Don't worry. I want to do the right thing. And that is to let her go. I actually talked to her, kahapon, I told her na itigil na naming ang kailangan itigil. Hindi ko kayang masaktan si Kuya nang dahil sa akin. Thank you kasi binigyan mo nang linaw ang buhay ko. You're right. I don't deserve her. So please stop crying because of me. Magagalit si Jerome niyan sa akin, sige ka." Kinurot niya nag pisngi ko pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Kasi naman eh! Naiinis ako sa kanya! Ang bobo mo lang talaga, pumatol ka sa baabeng 'yun!" natawa siya sa pag-iba kagad ng mood ko. Umiling nalang siya at sinabing "Ano bang nagyayari sayo, at nag-iiba ang mood mo?" nagkibit balikat nalang ako. "Osige na, magshower ka muna tapos matulog ka na kagad. Anong oras na pala." Sabi niya sa akin habang pinagmamasdan niya ang wall clock ko.
"Gusto mo ba? Kanina ka pa nakatingin sa kinakain ko eh." Pero imbis na sagutin niya ako ay nagulat nalang ako nang hablutin ni Hana ang kinakain kong manggang nasa stick na nabili ko sa kanto ng school. Nasa cafeteria kami habang hinihintay ang mga break nila Jessie at Josh. "Uy! Ibalik mo nga yan sa akin! Hindi pa ako tapos kumain eh!" pagmamaktol ko sa kanya. Kung gusto naman niya ay sasamahan ko naman siya bumili ng mangga pa eh! "Tapatin mo nga ako?" napakunot ang noo ko. Anong sinasabi nito? "Anong tapatin?"
"Kailan ka pa nahilig kumain ng mangga?" bakit niya ba tinatanong ito? "Ewan ko, basta nasasarapan ako sa mangga. Can you now give it back to me?" Napailing siya sa sagot ko. Bakit baa yaw niyang ibigay ang mangga ko?!
"Buntis ka ba?'" seryosong tanong niya sa akin. Natigilan ako saglit sa tanong niya, pero hindi nagtagal ay napatawa nalang. "Seryoso ka bas a tanong mo? Paano naman ako mabubuntis?" natatawang tanong ko sa kanya. Pero ni isang ngiti sa kanyang mukha ay hindi ko nakita. Seriously? Ako mabubuntis?
"Seryoso ka talaga sa tanong mo?" tanong ko sa kanya at tumawa nang tuluyan. Hinampas niya ako sa braso. "Nakalimutan mo na ba? Kailan ka huling nagkaroon?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Anong nakalimutan ko na? hindi ko alam, pero biglang pumasok sa akin ang nangyari sa amin ni Nathan, noong gabing nagkakilala kami. That was... two months ago. Two months... at hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadatnan ulit. Parang bigla akong kinabahan at napatahimik nalang habang nakatingin ako kay Hana.
"No way."
Parang biglang nagbalik ang usapan namin ni Daniel...
Malalim ang iniisp. Ang pagiging tahimik nya ang nagpakaba sa akin. "Paano kung buntis ka?" huminto ang lahat sa tinanong niya. Paano kung buntis ako? Ni minsan di ko naisip na baka sa ginawa naming ay may mabuo. "H-Hindi ko alam." Saka... wala naman siguro diba? Wala namang mabubuo.
"Hindi pwedeng hindi mo alam, Angie."
Oh no... No. No way.
"Hana..." parang nagets niya ang tingin ko sa kanya, "Angie, kalian ka huling nagkaroon?"
"Two months ago." Nanghihinang sabi ko sa kanya kaya agad na nanlaki ang mata niya. "Oh my. A-Angie..." Hindi ko alam pero bigla nanaman akong naiyak. Ano ba talagang nangyayari sa akin? I thought everything will be fine now. Hindi pa nga tapos ang isa kong problema ay bibigyan nanaman ako nang panibagong pagsubok. Am I really pregnant?
Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa aking balikat, agad akong napatingin kung sino ito, "Rome."
"Why are you crying baby?" umupo kagad siya sa tabi ko at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik. If I'm pregnant... Paano ko sasabihin kay Rome ito. Paano ko sasabihin na buntis ako. Masasaktan ko nanaman siya.Masasaktan ko nanaman siya nang dahil sa katangahan ko. "Please don't cry mahal ko." Nang dahil sa sinabi niya ay lalo akong napaiyak.
--
Thank you sa mga nag-babasaaa! Saka sa mga nag-vovote! I love you guys! HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...