"So, may exact date na ba kayo kung kailan ang wedding?" tanong ng Mama ni Nathan kila Kuya Paul. Agad naman ngumiti si Kuya Paul at sinabing, "Wala pa po mom pero malapit na. Maybe this year. December? Perhaps?" sabay pisil sa kamay ni Sam. Masaya siya. Gusto ko sumuka ng hinalikan ni Samantha ang pisngi ni Kuya Paul. Nakakagigil.
Mama squealed sabay tawa, Nakita ko ang paglungkot ng mata ni Nathan at itinuon ang pansin sa pakaing nakahain sa harapan niya, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya sa akin pabalik. Nathan is handsome. Siya yung tipong kapag napadaan siya eh hindi mo mapipigilang hindi tumingin. He's hot. Kaya nga siguro di ko din masisisi na may mga babaeng nagpapakatanga sa kanya. They think he's worth it. But the problem is, he cannot fall in love with someone else. Because he is already love someone. Someone who's not worth of his love. "I can't wait! Gusto ko na magka-apo. Si Nathan bawal pa kasi eh, they need to study pa." sabay pout ni Mama sa amin. "Mama naman!" saway ni Nathan sa mama niya. Tumingin ako sa namumulang Nathan at pinisil ko ang pisngi niya. "Ang cute naman ng asawa ko! Mama wag nIyo na pong asarin si Nathan, nahihiya na po ata eh!" sabay tawa at syempre tumawa silang lahat except kay Nathan na namumula parin at sa nakasimangot na mukha ni Samantha, Ha! Serves her right!
"Kawawa naman ang anak ko pinagtutulungan niyo na! Pero Angie, kamusta si Nathan? Nangbababae pa ba?" tanong ng Papa niya na agad na sinang-ayunan ni Kuya Paul. "Dad! Nakisali ka pa! Pinagtutulungan niyo talaga akong lahat." umiiling iling na lang si Nathan. Habang si Samantha ay naka-smirk na nakatingin sa amin.
"Ako, hindi kita pinagtatawanan." Sabi ni Samantha na nakangiti. Oh—-kay? Masyadong papansin kay Nathan. Mabuti nalang at hindi siya nilingon ni Nathan.
"Ayun pala, may kakampi si Nate oh!" sabi ni Kuya Paul na natatawa. Naiinis ako, ang bait ni Kuya para lang lokohin siya ng babaeng yan. Lagi akong nag-iisip ng way, ay paraan ba para masabi sa kanya kung anong ginagawa ng fiancé niya? "Papa, bumait na po si Nathan. Sa totoo nga tinigil na nya ang pakikipagrelasyon sa mga babaeng malalandi na hindi makatiis makahanap ng iba. Buti nga po natauhan si Nathan at tinigilan na ang papatol sa babaeng hindi marunong makuntento po eh. Kung hindi baka napahiya ko nap o yung babaeng ganun po." Si Nathan hinawakan ang kamay ko under the table na para bang pinipigilan ako sa susunod na sasabihin ko.Ngumisi ako pagkatapos ng sinabi ko at halatang natahimik sila, ilang sigundo eh bumalik sa ingay ang mesa. "Mommy para kang si Angie oh! Warfreak." Sabi ni papa kay mama, kinurot naman ni mama ito. "Heh! Di kami warfreak, allergic lang kami sa malalandi. HIrap na, gwapo kaya ng asawa ko." sabay pisil sa pisngi ni Tito. Lahat kami nagtawanan. Ang sweet nila. Kahit alam mong may edad na sila ay nakikita mo sa kanilang mata kung paano sila magmahalan. Sana, pagtanda ko ay ganyan din kami ng asawa ko. Napatigil ako sa pag-iisip, dahil naalala ko na ang asawa ko nga pala ay si Nathan.
Ngumiti si Mama sa akin at sinabing "Pagpatuloy mo yan Angie ah!" at tumango tango naman ako. Binaling ko ang ulo ko sa tahimik na kumakain na si Samantha, "Ate Sam, dapat ganun ka din. Dapat maging allergic ka din sa malalandi. Mahirap na, madami pa naman pong malalandi ngayon. Yung tipong hindi nakukuntento. Ang gwapo pa naman ni Kuya Paul oh. Baka masulot ng iba." Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Oo naman, Angie." Sabi niya sa akin. Plastic! Gusto ko sanag isigaw sa kanya. Halatang halata na napipilitan niya lang sabihin ang mga iyon. Ngunit nagtitimpi siya. Alam kong kinakabahan siya. At ramdam kong alam niyang alam ko na. Tinaasan ko siya ng kilay habang ngumingiti.
"Angie, tama na." bulong sa akin ni Nathan kaya naman napa-irap nalang ako at itinuloy ang pagkain. Nang natapos kaming lahat ay pinagpahinga muna kami nila Mama bago umuwi. Hindi ko na pinansin si Nathan dahil gusto kong mapag-isa kaya naman ay pumunta ako sa pool side at umupo sa may gilid ng pool, inilubog ko ang paa ko sa may tubig at napabuntong hininga nalang. GRabe ang hirap pala magpanggap sa loob ng bahay nila Mama, lalo na kung di mo mapigilan ang sarili mong awayin yung babaeng 'yun! She's not worth it. She don't deserve those warm welcome. Sobrang kapal talaga ng mukha nun. Naramdaman ko ang isang taong papalapit sa akin at nakita ko ang panga niyang nakatagis, nang tuluyan siyang makalapit ay tumayo lang siya sa gilid ko. "Let's talk."
Tumayo ako para mapantayan siya at tinitigan siya, tumikhim siya at sinabing "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ano bang alam mo?"
Tinaasan ko agad siya ng kilay. "Madami akong alam, ano bang gusto mo malaman?" sabay ngiti sa kanya. "Oh, you're such a little bitch, aren't you?" ngumiti siya pabalik sa akin. "Well, I am." sagot ko naman sa kanya nang nakangisi.
"Kung iisipin mong matatakot ako sa mga parinig mo, think again. Walang magagawa yang pagpaparinig mo sa akin. Kasi mahal nila akong dalawa. At ikaw, pinakasalan ka lang niya kasi kailangan niya ng panakip butas. Don't think highly of yourself. Isa ka lang singit sa kwento namin. Mahal ako ni Nathan at wala kang magagawa don! Mahal ko din siya at gagawin ko ang lahat para lang mapasa-akin siya ng tuluyan. Mahal ko silang dalawa at mahal din nila ako!" Seryosong sabi niya sa akin kaya naman agad akong natawa. "Don't you dare laugh at me!" galit na sabi niya at agad akong hinawakan sa pulso ng pagkahigpit higpit.
"Oh. Sorry. Akala ko kasi nagpapatawa ka. Kasi, you look desperate. Two men, eh? At magkapatid pa." agad kong binawi ang aking kamay. No one dares to hurt me. Even my parents, they never tried to hurt me and call me names. "Lakas din ng loob mong magalit sa akin eh, ikaw na nga gumagawa ng mali, at least save yourself from all this mess. You are an actual whore. Ang babaeng hindi makuntento. And wag na wag mo akong takutin, dahil hindi ako natatakot sa babaeng katulad mo. I don't care about you. But I care for this family. And I won't let you get inside this family. Di ko hahayaan na mabulag sila sa kasinungalingan mo." Mahabang lintanya ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"HIndi ko talaga maisip kung anong nakita nila sa iyo. You look like a slut. Oh! Wait. You're really a slut. Pasalamat ka nalang kasi hanggang ngayon ay di ko pa sinasabi na pinatulan mo din yung kapatid ng fiancé mo." Sabay talikod sa kanya para bumalik sa loob ng bahay. I want to go home. I want to pull Nathan away from this house. Kung pwede ko lang talaga sabihin ang baho nang babaeng yun ay nagawa ko na. But I can't take some risks, Nathan is important to me. I don't want to hurt him for his own mistakes. Ayokong magalit sila sa kanya, Kasi alam ko, at alam nating lahat na once malaman ito ng magulang nila ay panigurado akong magagalit sila kay Nathan. Nathan is already broken, and I can't crash it into tiny pieces.
"Hinahanap kita, nasa pool area ka lang pala. Gusto mo na ba umuwi?" Tanong sa akin ni Nathan nang nagkasalubong kami. Agad ko siyang niyakap na pinagtaka niya, at ilang saglit lang ay niyakap niya ako pabalik, "May problema ba?" tanong niya. I need to calm my self bago pa ako sumabog. Umiling lang ako at sinabing, "Wala. Tara uwi na tayo. Paalam na tayo kila Mama mo."
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...