Chapter 23

4.6K 133 3
                                    

Tulala akong napatingin sa maliit na bagay na hawak ko. Ni hindi nagproproseso nang utak ko, ni hindi ngang kaya tanggapin ng pagkatao ko ang bagay na hawak ko. Maliit na bagay na wala naming ginawang masama sa akin. Hindi ko tanggap. Ni hindi kong kayang tanggapin ang katotohanang ito. Pero tila sinasampal na ako nito. Na kahit ilang beses kong ulit-ulitin ay iyon parin...Dalawang linya.

Para akong nanghihina, gusto kong kamuhian at saktan ang sarili ko. Gusto ko nalang mawala sa mundo. Pagod na ako sa paulit ulit na problemang dumadating sa akin.... Isa nga ba itong problema? Napahawak ako sa tyan kong may laman na. Ang tyan kong may lamang buhay.

Nakarinig ako ng malakas na paghampas sa pintuan, "Angie! Angie!" at naalala kong naghihintay pala si Hana sa akin sa labas. Nagmadali akong tumayo at halos hindi ako makatayo ng maayos gawa ng aking panginginig. Oh God. Nagulat ako ng nagbukas ang pintuan at iniluwa sila Hana, Josh at Jessie, lahat sila mukhang nag aalala, agad nila akong nilapitan. Nang makalapit sila ay hindi ko mapigilang hindi umiyak. Inakap ako ni Hana samantalang sila Josh ay nasa gilid ko at inaalalayan ako. "Anong gagawin ko?" humagulgol ako sa harap nila. Ni hindi nila alam kung anong sasabihin nila. "Paano na si Jerome? Anong sasabihin ko kay Nathan?"

"Well, Mrs. Lopez, you're 9 weeks pregnant. Congratulations!" masayang sinabi sa akin ng obstetrician, si Josh, na sumama sa akin sa loob ng room ay nanglalaking matang timingin sa akin, ramdam ko ang saya niya sa sinabi ng doctor, sayang may halong pag-aalala. Marahil sa napansin niyang hindi pa ako ngumingiti. I don't even know what to feel. I feel so numb. Nung pinatahan ako nila Hana, ay nagyaya silang dalhin ako sa hospital, para daw magpacheck up and be sure if it's really true.

Nung makapunta kami sa Ob/Gyn section ng hospital, napansin ko ang mga babaeng malalaki ang tyan kasama ang mga asawa nila na masaya. Ang iba naman ay napatingin sa amin, para hindi kami mahalata ay pinasama sa akin si Josh, kung normal na araw lang ito baka matawa ako sa reation ni Josh, bago pa kami pumila ay bumulong siya ng, "Jusko, kababae kong tao pagpapanggapin niyo akong ama nyan nasa tyan ni Angie. Gosh!"

"Mrs. Lopez, you need to be careful from now on, okay? I'll give you some medicine for you to cake para rin healthy si baby. Pero at the same time, I hope na dapat kang kumain ng mga healthy foods. Tamang exercise din. At higit sa lahat, wag kang maiistress." Malumanay na sinabi sa akin ni Doc. Tumango nalang ako bilang sagot, at si Josh na ang nagtanong tanong sa mga iba pang dapat malaman.

HInimas ko ang tyan ko nang pauwi na kami habang si Hana ang nagdridrive ng kotse ni Josh. Maybe, I'll keep this little thing. No, I'll keep this little thing. Noong nalaman kong buntis ako, malungkot ako kasi, alam kong may masasaktan ako, hindi kong kayang maging masaya kung alam kong may masasaktan ako. Pero naisip ko na wala siyang kasalanan. Walang kasalanan ang baby ko, kaya kahit kalian ay hindi ko ito pababayaan.

"Hoy, Angie! Makinig ka naman sa sinasabi ko, para sa inyo 'to ng inaanak ko, ako na nga lang nakikinig kay Doctora eh!" napalingon ako sa nakabusangot na mukha ni Josh. "Like ewwie. Napagkamalan akong tatay ng anak mo. Ang laki ng sacrifice na ginawa ko tapos di ka makikinig. I wil never do this again. Like kinikilabutan ako!" pagkasabi ni Josh nito ay kaming tatlo ay nagkatinginan at tumawa ng sabay sabay. Inexplain sa akin ni Josh ang mga sinabi ni doc. Nakinig naman ako sa kanya. Ibinaba nila ako sa tapat ng building kung saan ako nakatira, sa unit ni Nathan. Gusto pa sana nila akong samahan pero tumanggi na ako, masyado nang marami ang natulong nila sa akin ngayong araw.

I don't know what to do ng nakita ko si Jerome na nakatayo sa labas ng unit naming ni Nathan. Nang nakita niya akong umiyak kanina ay agad niya akong niyakap, tinanong niya kung anong problema, ngunit wala akong sinabi. Kasi hidi ko alam kung paano sasabihin na buntis ako, at hindi siya ang ama. Si Nathan, na bestfriend niya, na walang ka-alam alam sa nangyayari. Agad siyang lumapit sa akin, "Angie, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sayo, ano bang nangyari? I was so helpless. Can you tell me what's wrong?"

"Jerome... let's break up." Kumunot ang noo niya nung sinabi ko sa kanya iyon. "Angie, Are you okay? Is this somekind of a joke?" hinawakan niya ang kamay ko. Pero tinitigan ko lang siya, "This is not a joke. I am not joking." Umiling-iling siya "No, this is a joke!" parang nagpapanic na mukha niya.

Hinila niya ako para yakapin pero nagpupumiglas ako. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. I need to be strong for my baby. For Jerome, ayokong.... Ayokong lalo siyang masaktan dahil sa akin. But I know this will hurt him like hell. This will hurt me like hell, too. I love Jerome. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko naman hahayaan na akuhin niya ang baby na ito. Kasi panigurado ako na pag nalaman niyang may baby kami ni Nathan, ay okay lang sa kanya. Tatanggapin niya kahit nasasaktan siya. Kasi mahal niya ako. At kilala ko na siya, kilalang kilala.

"You know what? Bukas na tayo mag-usap, mahal ko. Naiistress ka ba? SIge pagpapahingahin kita ngayon. Uuwi na din ako. I love you." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ng mahigpit. How can I hurt this guy?

"Sorry." Sabi ko sa kanya, nang nakalayo siya sa akin. "Sorry, mahal ko. Sorry sa gagawin ko sana patawarin mo ako." Mahinang sinabi ko habang nakita ko syang papalayo sa akin. Doon lang naglakas loob ang mga luha kong muling bumagsak.











-----------

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ah, Halos maiyak ako sa huling part ng chapter na ito, damayan niyo si Author HAHAHAHA.

Love love loveeee!

Comment (naman kayo sa mga nagabbasa, paramdam kayo HAHAHA)

Vote (Wala lang! HAHAHAHA)

Follow? HAHAHAHAHA. Okno.

Oh Sige puro na ako HAHAHAHAHA. try ko mag-update bukas. Wieee!

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon