"Ha? Eh?" Nanlaki yung mata ko nang bigla niya akong hilahin patayo at paalis sa cafeteria. Nagsimulang magbulong bulungan ang mga tao doon. Patay!
"Hoy! bitawan mo kamay ko!" sa sobrang lakas niya kahit hilahin ko ang kamay ko pabalik at kahit anong piglas ko ay hindi ko magawa. Dirediretso lang siyang naglalakad na para bang walang nakatingin sa amin. Na para bang wala siyang pakialam na patayin ako nang mga fans niya. Or rather mga girlfriends niya?
"Oy! Pansinin mo nga ako. Nakakainis ka na ah!" Iritableng sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan. Ano pa nga ba magagawa ko? Eh parang hangin lang ako sa kanya. Huminto nalang siya nang nasa garden na kami ng school. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko.
"Anung nginingiti mo dyan? Gusto mo sapak?" inis na tanong ko sa kanya. Alam ko na purpose ng lalaki na 'to sa buhay ko ayun ay bwisitin ako. Leche siya.
"Eh kasi pinansin mo na ako eh." Nyenye. tinaasan ko siya ng kilay at tumawa naman siya. "So? Anong tinatawa mo diyan? Kanina ka pa ah. Binubwisit mo talaga ako." inirapan ko sya. Nakakaasar to! Dinala lang ba niya ako dito para bwisitin?
"Di ka na galit?" tanong niya sa akin habang paupo kami sa bench. "Alam mo naman ayokong magalit yung asawa ko-" Tinakpan ko yung bibig nya. Tumigil naman siya sa pagsasalita. Agad kong hinilot at sentido ko. Baka pumuti kagad ang buhok ko sa sobrang stress sa kanya. Baka may makarinig!
"Bakit galit ba ako? Ayaw kita!" Nanggigil na sabi ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya. "Anong 'bakit?' Kasi asawa kita! saka wag ka ngang masyadong maingay, akala ko ba ayaw mong may makaalam na may asawa ka na? Pwes kung ako sayo tigilan mo na ako. Aasta akong hindi kita kilala, at sana ganoon ka din sa akin. Ayoko ng gulo." mabilis na sagot ko sa kanya.
"I'm sorry..." Then he looked down. Anong inaarte arte nito? Hindi ko kasi tanggap na may asawa na ako. Ayokong makasal sa taong hindi ko pa nakikilala o hindi ko naman mahal, Ganito ba talaga pag mayaman? Uso ang arrange marriage? Bakit ganto? Ayaw ba nila ako sumaya? Ang importatnte yata sa kanila eh yung kasiyahan nila.
"Sorry din..." bumuntong hininga ako at bigla nanaman syang tumawa. "Ang Epic ng mukha mo. Anyways, Yung text ko sayo narecieve mo ba?" Tinignan ko sya ng masama. Ewan ko ba kung ano gusto ng mga babae dito. Eh napaka panget ng ugali at mukha pang bipolar.
"NAPAKA MO TALAGA! Oo. Narerecieve ko texts mo kaya pwede ba tigilan mo na ako baka kung ano pang isipin nang ibang tao!" Hahampasin ko sana siya ng bigla niyang hinarang kamay niya. Letse siya.
"Oh! Wag kang magalit. Para naman sinasabi mong kinahihiya mo ang gwapo mong asawa? Maswerte ka nga ako ang asawa mo, panigurado pag nalaman ng iba 'yan ay maiinggit sila sayo. You're quite lucky having me." Hambog!
"Talaga?! Lucky na ba ako at asawa kita? Pwes di ako natutuwa! Papatayin mo talaga ako e!"
"Huh? Ano nanaman ginawa ko?" Tinaasan nya ako ng kilay. "Ba't mo ako hinila? Nako naman! Patay na ako sa Fangirls mo! Tapos may paacting-acting ka pa dyan na sorry sorry! Leche ka talaga!" Sabay hampas sa braso nya. Kung marunong lang ako magkarate, kinarate ko na ito kanina pa!
"Fangirls? Wala ako nun. Girlfriends meron. Ayaw mo nun? Ikaw ang kauna-unahang babae na sinabihan ko ng sorry." kinindatan nya ako tapos tumawa. Baliw na ito. Ako daw? Ha! Should I be flattered? Hampasin ko siya ng spaghetti eh. Hindi ko alam kung ilang beses ko na siya sinaktan at pinatay sa utak ko. Hambog na lalaki!
"Anong wala! Meron! Nako! Gusto ko pa mabuhay ng matagal, paano pa kaya pag nalaman nila sa asawa kita? Ang malas malas ko talaga!"
Nakakastress talaga siya. "Para kang baliw" tingin niya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya. "Wow ha! Eh kung ikaw kaya yung dinumog ng mga monster na babae na 'yon?" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...