Padabog na umupo pabalik sa amin si Hana habang si Josh naman ay nakangising nakasunod sa kanya. Agad na inabot sa akin ang pinabibili kong kwek kwek. "Oh. Anong problema mo?" Tanong ko kay Hana habang kumakain. Yum! "Wala akong problema." Halata sa boses niya yung irritation.
"Wala daw. Eh, paano. Naiinggit ata. Kasi may lumapit sa aking Pogi! At hiningi number ko." Kilig na saad ni Josh kaya naman napangiwi nalang kami ni Jessie. Ang landing bakla! Habang si Hana naman ay tahimik lang na umiinom ng shake. "Oy Hana! Wag ka na mainggit. Share tayo sa kanya gusto mo? Ibibigay ko number niya sayo. Wag ka nang magalit." Malambing na sabi ni Josh kay Hana sabay yakap sa kanya. Si Hana naman ay halatang nagulat sa ginawa ni Josh. Nanigas siya at Itinulak niya ng malakas si Josh sabay sinabing, "Wala akong pakialam sa lalaking yan! Isaksak mo sa baga mo!" Tumayo siya at agad na nagpaalam sa amin. Halata sa kanya na may hinanakit siya.
"Anong problema nun? Hati na nga kami eh. Arte!" Sabay irap ni Josh sa kawalan. Anong problema? Ang problema ay nahulog na ata sayo si Hana. Napailing nalang ako at si Jessie. Manhid. Wala siyang kaalam alam na mahal na siya ng kaibigan namin. Saklap lang. Tumayo si Josh kaya naman napabaling kami sa kanya at tinanong kung saan siya pupunta. Seryosong sinagot niya kami na hahanapin niya si Hana.
Kahit alam kong impossible, naniniwala parin ako na kahit papaano eh, kaya pa. Kaya pa niyang maging lalaki. Isang tunay na lalaki.
Pagkatapos ng class namin ay naabutan ko si Nathan na naghihintay sa labas ng room namin. Agad ako nakarinig ng mga bulungan kaya naman napangiwi ako. Bakit ba nandito itong lalaking ito? Hindi ko na hinintay sila Hana at pumunta kagad kay Nathan. "Bakit ka nandito?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Masama bang sunduin ka?" Kumunot din ang noo niya. Nakipagtalo siya ng titigan sa akin kung hindi ko lang narinig ang pagtikhim nila Hana. Agad kong nilingon sila Hana at nakita kong nakangisi sila sa akin. "Una na kami ah!" Paalam ni Jessie sa akin at para bang kinikilig kay Nathan. Ngumuso ako, iiwan ba nila ako? Bakit nila ako iiwan dito sa gunggong na ito? Hindi ba nila alam na baka mahawa nang kapangitan niya ang baby ko? Pero mukhang hindi sila nasisindak at kinindatan pa ako ni Jessie. Samantala si Josh naman ay dumikit kay Hana, na agad namang lumayo sa kanya. Ano kaya nangyari sa usapan nila kanina? Hindi ko na kasi natanong dahil busy ako sa lecture kanina, ilang araw na din akong hindi nakapag-concentrate kaya ngayon palang ako ulit bumabawi sa mga quizzes ko.
Hinila ako ni Nathan papalapit sa kanila sabay tumango sa kanila. "Kukunin ko na 'tong kaibigan niyo ah." Ngumisi siya sa kanila at kinindatan ang mga ito. "Sige ba! Sayo na 'yan! Hihihi!" Agad na sinabi ni Josh. Malanding bakla! Lagi nalang ako pinamimigay nito! Magsasalita pa sana ako nang mabilis nila akong tinalikuran at nagmadaling umalis.
Kinuha ni Nathan ang bag ko mula sa akin at isinuot niya ito sa balikat niya. "Hoy! Bakit ka ba nang aagaw ng bag? Akin na nga 'yan!" Sabay hila sa bag kong nakasabit sa kanya. Pero dahil nga lalaki siya, malakas siya. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak dito. Sa sobrang inis ko ay sumuko na ako.
"Ayoko. Mabibigatan ang misis ko." Humalakhak siya pagkasabi niya nun samantala ako naman ay hindi mapinta ang mukha. "Bakit mo ba ako sinundo? Wala ka bang malandi at ako ang inaabala mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Bakit ba ako iniistorbo ng lalaking 'to? Nakakastress! Baka maapektuhan si baby, baka maging panget katulad niya! Okay sana kung siya si Francisco Laxhowski, baka nahimatay na ako sa sobrang kilig.
"Babae? Babe, nagseselos ka ba sa mga babae ko? Bakit ka ba naiinis? Selos ka 'no? Hayaan mo babe stick to one ata 'tong asawa mo." Ngumisi siya sa akin. Bakit ba ang hilig ngumisi nito? Lagi nalang siya ngumingisi! "Kapal ng mukha mo. Wala akong pakialam sayong gunggong ka. At lalong hindi ako nagseselos sa mga babae mo. Wala din akong pakialam kung magka-AIDS o HIV ka." Bwisit. "Aray naman Hon! Wala kang pakialam sa akin kahit kaunti lang? Eh miski nga ikaw nasarapan sa akin. Kunwari ka pa." Agad na pumula ang mukha ko. Bakit niya pa talaga binanggit yun! Dapat binabaon na niya 'yun sa limot! Isang malaking kasalanan iyon! Tumawa siya kaya naman hinampas ko siya. "Hampas hamapas ka diyan 'yun pala gusto mo lang akong chansingan. Okay lang sa akin Babe. Chansingan mo lang ako. Libre lang ito sayo." Sabay kindat sa akin. "Bwisit ka! Wag mo akong landiin!" Nanggagalaiting sabi ko sa kanya sabay sinabunutan siya. Kapal talaga! "Aray! Amazona naman ng wifey ko." Hinawakan niya ang kamay kong ginagamit pang sabunot sa kanya saka hinawakan ito para makipagholding handa sa akin. Sinusubukan kong hilahin ito pero ayaw niyang bitawan.
Nang nakasakay na kami sa kotse niya ay agad niya itong pinaandar. Tahimik lang kami habang siya ay patuloy na nagdridrive. Ano kaya pumasok sa isip nito at sinundo niya ako? Tatanungin ko sana siya nang napansin ko ang mapupulang pisngi niya at napatitig dito. Bakit ang cute ng pisngi niya? Parang... parang gusto ko kagatin. Inabot ko ito at hinimas kaya naman napatingin sa akin si Nathan na nanglalaki ang mata. "What are you- Aray!" Kinurot ko ito. Aww. Ang lambot. Sarap kurutin! Idiniin ko pa ang pagkurot ko dito dahil tuwang tuwa ako. "Fuck! Bitawan mo nga pisngi ko!" Itinabi niya ang kotse niya sa gilid ng daan at hininto ito. "Ano bang problema mo at bigla bigla kang nangungurot?! Hindi mo ba alam na masakit 'yun?" Nanggagalaiting saad niya sa akin.
Naramdaman ko nalang ang unti unting pagpatak ng luha sa aking mata. Ayaw niyang pahawak sa akin ang pisngi niya? Bakit ayaw niya? Gusto ko ang pisngi niya! "Sof! Why the hell are you crying? Wag ka ngang umiyak!" Natatarantang sabi niya at hinarap niya ako sa kanya para punasan ang mga luha ko pero lalo akong napaiyak. Nagmumura siya! Minumura niya ako! Gusto ko lang naman makurot at makagat ang pisngi niya! Masama siya!
"Oh Gosh! Will you please shut up?!"
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
Ficción GeneralSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...