Pag kagising ko ay agad akong nakarinig ng ingay mula sa labas. Kaya tumayo agad ako para lumabas ng kwarto.
"Nathan?" Hinanap ko si Nathan, na baka siya 'yon? O baka may ibang nakapasok sa unit namin. Pero walang nasagot. Pumunta ako sa kusina nang nakaamoy ako ng mabangong amoy na nakakagutom at nakita ko siya na nakatalikod sa akin at busy-ing nagluluto ng pagkain. "Angie! Nagising ba kita?" Humarap siya sakin ng nakaboxer lang at walang pang taas tapos may apron at hawak hawak ang spatula. Natulala ako sa nakikita ko.
"Tapos ka na tumngin? Baka kasi malusaw ako niyan." mayabang na tanong niya sa akin kaya agad akong napangiwi. "Ha?" ngumisi siya sakin. Agad kong na-realize yung sinasabi nya. "Asa ka!" Umirap na lang ako sa kanya kasi tawa siya ng tawa.Ang yabang talaga nito kahit kailan. Pasalamat siya gwapo siya at hot. Pero asa naman siyang gusgustuhin ko siya. Kahit maghubad pa siya sa harapan ko no waaayy! Wait. Wag nalang pala maghubad. Nangilabot ako bigla sa naiisip ko.
"Bilisan mo nga dyan! Gutom na ako!" Umupo kagad ako sa may stool at hinintay siya matapos gawin ang kung ano mang ginagawa niya. "Opo. Misis, eto na nga oh. Hahanda na." Napa-irap nalang ako dahil sa pinagtatawag niya sa akin.
Agad akong kumian. Napansin ko na timititigan nya lang ako. "Di ko alam hot ka pala." Sabi niya sabay ngisi na kina-bulunan ko. "Tigilan mo ako!" Napaka pervert din nito. Walanghiya! Umagang umaga eh, kung ano ano lumalabas sa bibig niya. Dapat siguro istapler ko ang bibig nito.
"Nang seseduce ka ba?" Lumapad yung ngiti nya. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Kapal ng mukha. Bakit naman ako mangseseduce? At kung may iseseduce man ako ay wala akong balak na siya iyon. Napairap nalang ako. Nasasanay na ata akong umirap dahil sa kanya. Napa iling nalang ako.
Pagtapos namin kumain, nag ayos na kami parehas papuntang school. Nagmadali akong bumaba ng kotse niya. Kasi baka makita ako ng mga girlfriends niya. Ayoko pa mamatay ng maaga. At ayoko nang panibagong gulo.
"Gurl!" hinampas ako ni Josh. "Aray naman! Ba't ka nananakit! Gawin kita dyang lalaki eh!" Inis na sabi ko sa kanya pero Inirapan nya lang ako. "Kahit kailan hindi ako magiging lalake. Kahit iuntog mo ulo ko para mag ka-amnesia!" ay. Taray. Siya na. Hindi ko talag magets kung bakit bading ito. Ang gwapo niya masyado para maging bading. Naalala ko nang una ko siyang makilala, hindi siya ganito. "Eh. Ba't mo ba ako hinampas?"
"Ah! Kasi. May balibalita na ikaw daw ang newest collection ni fafa Nathan!" Newest collection? Ano ako, laruan? Badtrip yung mga chismosa na yun. Mag babalita mali-mali pa. Dapat asawa! Duh. Asawa ako. "Huhu. Binigay mo ba ang bataan mo?! Bakit?" Tapos nag-aacting na kunwari nahimatay. Binatukan ko nga. "Aray!" tunawa ako. "Ah. Ganun ba? Pabayaan mo sila. Isa pa, wag ka nga makinig kinig sa mga chismis na kumakalat. Di ikauunlad ng bansa ang pagiging chismosa nila."
"Eh. Ano ba talaga meron sa inyo?" tapos nag cross ng arms pa siya. Siguro ito na ang tamang oras para sabihin sa kanila ang totoong nagyari. Hinintay ko sila Hana at Jessie para ikwento sa kanila ang nangyari few days ago except yung spg. Kilabutan nga kayo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"ANO?!" para silang nakakita ng multo. "Paano nangyari yun?!" Para silang nagulantang sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa mga mukha nila o iisipin nanaman itong problema ko.
"Paulit ulit? Nalasing kami tapos nagpakasal nga." tapos umact sila ng umiiyak, si josh naman naghalumpisay sa sahig. Adik talaga. "Akala ko pa naman kaibigan ka namin. Huhu. Isa kang taksil." tapos dinuro-duro ako ni Hana. "Kasalanan niyo 'to eh. Kung hindi niyo ako iniwan edi, hindi pa ako kasal sa Fafa niyo!" tapos binatukan ko silang tatlo. Ngumiwi naman sila at tinignan ako ng masama.
"Wah! Hindi ko tanggap! Huhu. Kala ko pa naman ikaw yung huling mag papakasal. Nauna ka pa sa amin!" sabi ni Jessie habang sinasabunutan si Josh. "Aray ha! Sumusobra ka na!" umayos ng upo si Josh tapos umirap kay Jessie."Pero teh! May use din pala tong si Angie eh! " sabi ni Josh sabay pilitik ng kamay. Sayang tagala sya. Promise. Gwapo si Josh. Kung pwede lang gawing lalaki eh.
"Ano naman yun?" tanung ni Hana saka ni Jessie. "Duh! Pag naging close sila edi pwede na natin maging kaibigan sila! kyaaa" nagsitilian sila. Ngumiwi nanaman ako. "Mga user kayo!" pinagbabato ko sila nung chichirya na kinakain ko. Iniisip ko talaga kung worth it ang mga ginagawa nilang pagfafangirl sa mga sikat at hunk na lalaki. Hindi naman sila yayaman. Hindi nga sila pinapansin pero patuloy parin silang kinikilig doon. Isa pa, karamihan doon ay mayayabang at malalandi.
Naglalakad kami sa corridor nang may humarang sa dinadaanan namin. "Hey there, slut." ngumiti sya samin ng pagkatamis. Sino nga ba? Edi yung mga clowns. Hindi ko talaga alam kung bakit sila paharang harang dito sa corridor eh. Ano bang problema talaga ng mga 'to? Pati suot nila may problema eh, kinulang na ata ng tela ang mga ito.
"Ay. Ba't mo naman tinatawag sarili mo?" umakto akong nagulat. Harhar. Hindi ako takot sa kanya eh. Never naman ata akong natakot sa babaeng walang alam kundi mang away nang dahil lang sa lalaki. I don't understand why girls are wiling to be cheap just for a guy. Isa pa hindi naman siya ka ano-ano ni Nathan para magkaganyan.
Sa totoo lang, alam nyo naman siguro na hindi ko gustong intindihin ang mga ito dahil mas may malaki akong problema para intindihin sila. Bakit ko pa dadagdagan ang problema kong napakarami na? Jusko. Di naman sila makakatulong isolve ang sandamakmak na problema ko. Di din naman nila ako bibigyan ng pagkain para humarang sa dinadaanan ko.
"Lumayo ka na kay Nathan. Naiintindihan mo?" lalo syang lumapit sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Si Nathan na walang kamalay malay ay nadamay nanaman. Ano bang pinainom na gayuma ni Nathan sa mga babae niya?
Authors, ba't kayo ganto? Lagi na lang may kontrabida kapag ganto yung story. Sa totoo lang? Pareparehas? hihi. Joke lang mga authors! Kung hindi dahil sa inyo wala kami dito. Mwuah mwuah chup chup. <3
"Hoy. Naiintindihan mo ba sinasabi ko?" tanong niya sa akin, na para bang nangsisindak siya.
"Ano ulit 'yon?" tinanong ko ulit siya, hindi dahil sa nabibingi na ako, gusto ko lang talaga siyang inisin.
"Sabi ko layuan mo si Nathan! Sa akin lang siya!" tinignan nya ako ng masama. Nag iiskandalo na siya at andami nang taong nakapalibot sa akib. Sila Josh naman ay hinihila na ako para lumayo dito sa mga baabeng ito. Dahil ayokong tumulad sa ibang bida na nag papa-api, inirapan ko lang siya. Hay. Ganto ba kasikat si Nathan. Paano pa pag nalaman nila na asawa ko na siya? Kawawa naman ako.
"Hey. Sino ka para pag sabihan sya na lumayo kay Nate? Gumagawa ka ng eksena miss." Natigilan ako nang lumapit sa amin si... Si Jerome? Nanlaki pa lalo ang mata ko nang makita ko siya tumabi sa amin nila Hana.
Kung nakakạlimutan niyo isa siya sa kaibigan ni Nathan at kung hindi niyo pa alam siya ang lalaking ma- "Je-jerome, er. Nilalandi nya si Nathan eh!" Namutla sila at agad na sinabi. Umakto pa sila na ako ang masama pero dahil nga siya si Jerome... Hindi siya bast bastang naniniwala sa taong hindi niya kilala. Hindi siya bastang maniniwala kung alam niyang nagsisinungaling ka. "Wag kang magsinungaling kasi nakita ko." malamig na sabi niya sa mga clowns. Agad naman ako nakaramdam ng kaba ng sinilip niya ako pero agad naman siyang lumingon sa babaeng nasa harap namin.
"Pinagsasabihan ko lang siya, Jerome. Kasi malandi siya." Pagtatanggol niya sa sarili niya. Yumuko ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Yumuko ako hindi dahil hindi ko kaya pagtanggol ang sarili ko. Yumuko ako kasi.... Kasi nasa tabi ko siya. Nakita ko kung paano niyukom ni Jerome ang palad niya.
"Umalis ka na." three words is enough para matakot sila. Nagmadaling umalis yung mga clowns. At agad ko siyang nilingon. "Gurl! Kaloka yung si Nadine. Buti nalang nandyan si Fafa Jerome. Ang gwapoooo." Bulong na sabi ni Josh. Habang kinikilig. Si Hana naman, nagkatinginan kami. Nginitian ko siya, isang fake na ngiti.
Tumingin ako ulit kay Jerome.at tinignan niya ako, isang malamig na titig na agad na nagpakilabot sa akin. Saka tuluyang umalis. Umalis siya. Umalis sa tabi ko. Tuluyang umalis sa buhay ko. Naramdaman ko nalang na tumutulo ang luha sa aking mata.
Bakit ganito? Nasasaktan ako. Nasasaktan parin ako?
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...