Agad akong nagising nang marinig kong umiiyak ang baby ko, pero babangon palang ako ay nakita kong karga karga na ni Nathan ito habang pinapatahan ito. "Shh na baby. Nandito na si daddy oh. Baka magising si mommy mo, alam mo namang wala pa yun tulog na maayos. Gutom ka ba?" Malumanay na tanong niya sa anak namin, kahit hindi naman sumagot ang anak namin at patuloy parin sa pag iyak. Agad na kinuha ni Nathan yung bottle para maka inom si Gabby. At dahil duon ay agad ding tumahimik si Gabby. Napabuntong hininga si Nathan habang pinagmamasdan ang anak namin.
"Mahal kita anak. Kayong dalawa ng mommy mo. Mahal ko kayo." Kumalabog ang puso ko sa narinig ko. Nanatili akong nakahiga para di niya mapansin sa gising ako at pinapanood ko siya habang kinakaisap ang anak namin. Puno ng lungkot ang kanyang boses.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan niyo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag sumuko ang mommy mo sa akin. Mababaliw na ata ako." Hinalikan niya sa ulo ang aming anak nang mapansing tulog na ito. Inihiga na niya muli ito sa higaan ni Gabby. Ilang sandali pang pinagmasdan niya ang anak namin bago siya lumingon sa aking gawi. Kaya naman ay agad kong ipinikit ang mata ko.
Naramdaman ko ang pag lapit niya sa akin, humiga siya sa tabi ko at niyakap akong pagkahigpit. "Wag mo akong iiwan Sof. Sobrang mahal na ata kita
. Please. Wag mo akong sukuan. Hintayin mo ako, aayusin ko ang lahat ng problema ko. Sorry kung nadadamay kayo ni Gabby sa kagaguhan ko." Hinalikan niya ako sa pisngi. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, bakit ang saklap nang nangyayari sa amin? Deserve ba ni Nathan na mapagdaanan ang lahat ng ito?"Miss na miss na kita..." Dugtong pa niya.
Hindi ako naaawa sa sarili ko, naaawa ako kay Nathan, kasi umpisa palang ay alam ko naman na siya ang pinakanahihirapan sa lahat. Galit ang pamilya ko sa kanya. Galit din ang pamilya niya sa kanya. At alam kong iniisip niya na galit din ako sa kanya.
Hindi ako galit sa kanya, galit ako sa situation namin. Kailan ba kami sasaya?
Nakakatakot na dumating ang isang araw na magsawa ako at mapagod dahil sa binibigay niyang sakit sa akin. Nakakatakot na baka iwan ko siya.
Mahal ba talaga niya ako?
Ang sarap sana pakinggan nito kung wala kaming problema. Ang sarap pakinggan na mahal din pala ako nang taong mahal ko. Pero... Hindi ko magawang maniwala. Baka kaya niya nasabing mahal niya ako kasi ako lang yung nandyan tuwing nahihirapan siya.
Naramdaman ko ang mabigat na hininga sa aking tabi. Tulog na siya. Muli kong inimulat ang mata ko, pinagmasdan ko siya habang natutulog siya nang mahimbing sa aking tabi. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sa akin kaya agad kong tinakpan ang aking mata gamit ang unan. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng kalabog mula sa baba kaya tumingin ako sa orasan, 11 am. Nandyan pa siya? Kumunot ang noo ko, dapat sa mga oras na ito ay nasa office na siya. Hindi ba siya pumasok?
Bumangon na ako at saka bumaba, dumiretso ako sa kusina para makita si NThan na nagluluto habang si Gabby naman ay nasa gilid ng mesa at nakaupo sa pang batang upuan na binili namin. "Sana magustuhan ito ng mommy mo no, baby?"
Tumikhim ako kaya naman agad niya akong nilingon. "Sof! Nandyan ka pala. Kanina ka pa ba?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Wala kang pasok?" I choose to ignore his question.
Umiling siya at sinabing, "Hindi ako pumasok." Kumunot nanaman ang noo ko. Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso iniba niya kagad ang usapan at sinabing umupo muna ako, hintayin ko nalang daw at matatapos na daw ang niluto niya.
Nakangiti niyang inihain ang pagkain namin habang ako naman ay nanatiling tahimik. Tumikhim siya at saka umupo sa harapan ko para kumain na rin, "Diba favorite mo iyan? Kaya yan ang niluto ko." Ngumiti ulit siya habang ako ay patuloy na kumakain. Siguro kung normal na araw ito ay baka kinakausap ko siya ng masaya. I wanted him to stay with us. But the thing is, I can't and he won't do it. May ibang responsibilities pa siyang kailangan asikasuhin bago kami.... Na pamilya niya.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...