Epilogue

8K 164 17
                                    

Nakangiti ako habang nakatingin sa altar, napakasayang tignan ang mga ito mula sa inuupuan ko, iniisip ko, kung kami kaya ang nagkatuluyan, ganyan kaya siya kasaya?

Agad akong umiling sa naiisip ko nang lingunin ko ang batang naglalakd patungong altar, ang aking anak.

I saw how everyone look at him, and it makes me proud. Sana pag laki niya hindi siya katulad nung ama niyang pasaway at mahilig mangbabae. Sana hindi siyang lumaking heart breaker.

Tumawa ang lalaki nang makalapit sa kanila si Gabby. Nang pagkaabot ng singsing ay agad niya akong nilingon at tumakbo papunta sa akin. Nang makalapit siya ay agad ko siyang binuhat. Gabby is already 5 years old. "Tito Jerome looks so inlove with his future wife!"

Nagulat ako sa sinabi niya, I mean, he's just five! "How did you know, baby?" Nakita ko ang pagngiti niya sa akin. "Because I used to see Daddy looking at you. And how he tells you he loves you. That's what Tito Jerome looks like right now." Sabay humagikhik. Natawa nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.

Lumingon ulit ako sa harap nang sinabi ng pari na they may kiss. Nagpalakpakan ang lahat ng tao samantala sila Nathan, Aaron at Daniel ay tumayo sa kanilang upuan at nagsigawan. Sumasayaw pa sila. "Mga hijo wag kayong tumayo sa upuan." Sabi nung pari gamit pa ang microphone. Nagtawanan ang lahat at bumalik sila sa upuan. Sumigaw pa si Aaron ng 'Peace Father!' Mga baliw!

Napailing si Jerome at hinarap kaming lahat.

Five years had passed, ang daming nagbago. Ang daming nangyaring magaganda. Simula nung kinasal kami ulit ay tuluyan nang naayos ang pamilya namin. Si Jerome ay nakausap ko na, nakita ko kung paano siya umiyak nung kinasal kami ulit ni Nathan. He's a mess. Umiyak siya sa harapan ko habang sinasabing bibitawan na niya ako at tinatanggap na niya ang lahat nang nangyari sa amin. I told him that there comes the time where he will find someone who's better than me. Yung tipong mamahalin niya higit sa akin. Sobra akong nasaktan para sa kanya. Hindi niya kasi deserve lahat ng sakit na naranasan niya mula sa akin, ang tangi lang naman niyang ginawa ay mahalin ako. How can someone loves that much? I maybe his first love but I believe that he will meet his true love. The right one.

Just like Kuya Paul is already married. Married sa babaeng pulis, Nakita ko kung paano nagsimula ang lahat at ito ay napaka unexpected. Siguro nga kapag siya iyong tamang tao para sayo ay hindi mo ito maiiwasan, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para kayo ang magkatuluyan. Gagawa at gagawa ito ng paraan para mahanap mo ang tamang taong itinadhana para sayo.

Si Samantha ay nakapanganak ng maayos and she decided to stay in France with her daughter. Paulit ulit siya humingi ng patawad sa amin nila Kuya Paul. Pati sa mga magulang namin, kahit na parehas naming alam na may hininakit parin sila kay Samantha. Matagal ko na siyang napatawad, lahat naman ng tao may nagagawang kasalanan, miski ako. At alam ko na mahirap na ang napapagdaanan niya, hindi ko siya masisisi sa mga desisyon niya. Kasi nagmahal lang naman siya, yun nga lang, sobra ito at nakakasama na. Love can be both selfless and selfish. You may love someone selflessly and you may hurt the other selfishly. Nang makalaya ang tatay nung anak niya ay alam kong sinundan siya nito sa France. Mula nun ay nawalan ako ng communication sa kanila. Hindi ko na alam ang nangyari, marahil ay nahihiya siya sa amin, lalo na nung sinabi niyang ayaw na niya kaming guluhin. Ayoko man, tinanggap ko ang desisyon niya, siguro sa tamang panahon ay makakapag usap kami ulit.

Daniel and Aaron are still single. Ewan ko ba diyan sa dalawa. Si Aaron ay malandi. Hindi ko alam kung bakit nag aaway parin sila ni Jesie. Para silang mga aso't pusa. Samantalang si Daniel ay masyadong busy sa company nila. One day I know that they will meet someone who can change them. Maybe not for now, but someday!

Hana and Josh... Are in a relationship. Can you believe that? Nasabi ko na bang lalaki na si Josh? Tawa ako ng tawa ng nalaman ko na sila na. Pati si Jesie ay nagmaktol, sinasabi niya pa na bakit daw ngayon lang sinabi, kung tutuusin ay tinutungan daw namin sila na marealize yung mga feelings nila sa isa't isa. Siguro nga mapaglaro ang tadhana. Hindi porket mahal mo siya ay agad agad na makukuha mo siya. Sa pagmamahal hindi required na mahalin mo pabalik ang taong nagmamahal sa iyo. Sa pagmamahal kusa mo siyang mamahalin kahit hindi ka niya mahal. Because love is all about sacrifices.

When you love, you just love.

And, as for me and Nathan, we still and always love each other. Sobrang napakabilis nang pangyayari nung kinasal kami, matagal na pala niyang inihanda iyong kasala at hinihintay nalang niya ang sagot ko. Napangiwi ako nung sinabi niya sa akin na wag daw kaming magkita ng isang linggo bago kami ikasal kasi bawal daw iyon, bawal daw magkita ang bride at groom. Napaka OA niya. Eh kung tutuusin ay matagal na kaming kasal. Pero pinagbigyan ko siya. Sabi niya kasi ayaw daw niya g di matuloy ang kasal namin. Napailing ako habang inaalala ang mga panahon na iyon.

Naramdaman ko na may tumabi sa akin at paglingon ko si Nathan na ito na nakasimangot. Yumakap siya sa akin habang si Gabby naman ay pilit siyang pinapaalis sa pagkayakap sa akin, "Daddy! Alis ka! Ako lang yakap kay mommy!" Nakakunot ang noo ni Gabby habang sinasabi iyon kay Nathan. "A-yo-ko. Ako ang yayakap kay mommy mo." Sabay nagdila pa kay Gabby.

"Mommy oh!" Nakita ko na paiyak na si Gabby kaya naman kumawala ako kay Nathan. "Nathan tumigil ka nga diyan!"

"Ayoko nga, eh kasi kanina pa kayo magkasama ni Gabby tapos ako nandun sa kabilang side!" Nagmaktol pa.

"Malamang dito babae at doon lalaki. Saka diba kabilang ka sa groom's men." Paalala ko sa kanya, umiling siya. "Ah basta! Umalis na nga katabi mo para magpapicture oh! Kung ano ano kasi iniisip mo eh, tara na sa harap at magpapicture na para makapaghoney moon tayo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hinampas siya. Baliw talaga! Nasa harapan namin si Gabby at ganun pa ang sinasabi niya!

"Heh! Tigil tigilan mo ako!"

"Joke lang! Ito naman! Pakasal tayo ulit? Naiinggit ako eh!" Sabay halik sa akin. "Kakapakasal lang natin 5 years ago. Kung ano ano nasa isip mo! Umayos ka nga!"

"Edi sa silver anniversary natin pakasal tayo?" Tanong niya ulit. Ang kulit talaga!

"Oo na. Ang tagal tagal pa nun!" Sabay batok ko sa kanya.

"Sus Angie! Wag mo nang pakasalan ulit yan!" Sabat ni Aaron nang makalapit sa amin habang si Daniel naman ay malakas na tumawa. "At bakit?!" Inis na tanong ni Nathan sa kanya.

"Malay mo may mahanap pa si Angie na matinong lalaki kesa sa iyo." Pang aasar pa ni Daniel. Sumama ang tingin ni Nathan sa kanila at naghabulan sila sa loob ng simbahan.

"Hoy mga ulol! Ako lang mamahalin niyan! Wala nang iba! At hindi ako papayag na may iba siyang magustuhan! Ako lang!" Sigaw niya habang patuloy ang paghabol sa dalawa.








------

Thank you guys!!!!!!! Love you so muccchhhhhh!!!! ❤️❤️❤️❤️❤️

At!!! See you guys sa susunod na stories ko kung sakali! Salamat sa pasensya niyo habang ako ay matagal na nag uupdate. Grabe nakatapos din ako nang story! Akalain niyo yun! Haahahahaha.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon