Chapter 19

5.2K 108 1
                                    

Sabi nila kapag nagmamahal nagiging tanga ka na, pero sa tingin ko mali iyon, para sa akin, tanga ka kaya ka nagmamahal. Miski naman ako inaamin ko sa sarili ko na tanga ako. Tanga lalo na sa pag-ibig, siguro isa iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili ako sa tabi ni Nathan. Nathan... is so fragile, Para siyang babae kung masaktan. He loves her to the extent he can ruin everything for her. His love for her is too toxic. And right now I don't even know how to comfort him... how to make him feel better.

Inangat ko ang kamay ko upang punasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mata. Hindi siya umiimik, nananatili siyang nakatingin sa akin kaya naman sinuklian ko ang mga tingin niya, "Nathan, hindi ka ganito... wag mong hayaan na maging ganito ka lang. You deserve someone better. Yung hindi ka option. Yng babaeng hindi ka lang gagawing second choice." mahinahong sinabi ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Isinandal niya ang ulo niya sa aking balikat and started to cry again... a cry with no sound. Niyakap ko siya pabalik at dahan dahang hinimas ang likod niya, ng huminahon siya, binitiwan niya ako at sumigaw ng "Shet! Ang bading ko!" at ngumisi.

Tinignan ko siya at itinuon niya ang pansin sa harap, napabuntong hininga nalang siya at lumingon sa gawi ko. "I'm sorry about what happened a while ago. It's just naiinis lang ako na bakit hindi mo man lang sinabi na kayo na ulit ni Jerome. Kung hindi ko pa naririnig ang mga usap-usapan na kayo na pala, ay hindi ko malalaman. Of all people, you're the only person na ayokong magsinungaling sa akin, not because I'm your husband but because I don't want to ruin something, especially when I comes to anything related to you. Jerome might be my bestfriend but you're my wife... who's currently in love with my bestfriend. Don't worry, I won't tell it to our moms and dads, eto yung kapalit ng pagsekreto mo kung ano mang bagay ang tinatago ko. At masaya akong nagkabalikan kayo, I saw how devastated Jerome is. And how he's been wrecked. And I don't want that to happen again."

Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya nanatili akong tahimik, "Ang hirap kasing ipagdamot nang mga bagay na umpisa palang ay alam mong hindi sa'yo." Dugtong niya sabay inandar na ang sasakyan. Nakatitig lang ako nang sinabi niya iyon. Siguro nga mahirap magmahal nang isang tao kung alam mo sa simula pa lang ay hindi na sayo.

Pagkatapos ng nangyari napagdesisyonan naming umuwi na lang ni Nathan, ni hindi siya umiimik habang nasa byahe kami, miski ako, ano nga ba dapat kong sabihin sa kanya?

Nsng makarating kami sa unit niya pinigilan ko siyang tuluyan makapasok sa kwarto niya "Nathan!" huminto siya at lumingon sa akin. "Thank you." halos pabulong kong pasalamat sa kanya, sapat na iyon para marinig niya, ngumiti siya sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Itinuon ko ang oras ko sa loob ng kwarto hanggang sa nakatulog ako. Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kalampag sa labas kaya naman ay agad akong tumayo para lumabas sa kwarto, bumungad sa akin ang naka-upo sa lapag na si Jerome habang pinupunasan ang bibig niyang may dugo habang si Nathan ay nakatayo sa harap niya. Nanlaki ang mata ko, sinuntok niya si Jerome?! "Anong ginagawa niyo?!" agad silang napalingon sa gawi ko.

"Oh! Wifey! Kala ko natutulog ka eh." Tumatawang sabi niya. Agad na kumunot ang noo ko at lumapit kay Jerome.. Inalalayan ko siyang tumayo at hinarap si Nathan. "Bakit mo siya sinuntok?!" Galit na tanong ko sa kanya pero para siyang hindi naaapektuhan.

Tumawa ulit siya at sinabing "Chill wife!" lalapitan ko dapat si Nathan kaso pinigilan ako ni Jerome, "Nag usap lang kami ni Nate, don't worry mahal ko." Lumingon ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. "Pero sinapak ka niya! May usap bang may kasamang sapak?!" Inis kong sabi at tanong sa kanya. Tinignan ko si Nathan na nakangisi lang sa amin. Ayan nanaman yung ngisi niyang mukhang aso!

"Don't worry about me. I'm fine." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ito kaya lumingo ako sa kanya ng nakanguso, bakit wala lang sa kanyang sinapak siya ni Nathan? May sugat tuloy siya! "Langya. Bakit kasi di mo sinabi sa akin brad na may girlfriend ka eh. Edi sana wala tayong problema." Singit ni Nathan habang umuupo sa couch. Upong mayabang! Naguguluhang nilingon ko ulit siya. Ano ba talagang nangyayari?

Hinila ako paupo ni Jerome sa tabi niya at muling hinawakan ang aking kamay, "Baby, Nathan is helping us."

"What do you mean helping us? Eh sinapak ka nga niyang gunggong na yan eh!" Ngumiwi naman si Nathan pagkarinig ng 'gunggong'. "Babe, wala lang yung sapak na yun. At sinapak ko din naman siya kaya wag kang mag alala." Lumingon ako kay Nathan at tinitigan siyang mabuti. Nakita ko kagad ang galos sa kanyang pisngi. Boys and their punches. Ngumiwi ako. "Tinutulungan niya tayo. He will keep everything a secret at di na natin kailangan magtago sa public kasi si Nathan na daw ang bahala." Nakangiting saad ni Jerome sa akin. Nanlaki mata ko at tumingin kay Nathan na umiinom ng tubig. "What?" tinaasan niya ako ng kilay. Oo alam kong isesekreto niya kung ano mang alam niya tungkol sa amin ni Jerome pero hindi ko inexpect na tutulungan niya kami. Ngumiti ako at lumapit sa kanya para yakapin siya, He stiffened at pinilit makawala mula sa yakap ko. "Thank you!" masiglang sabi ko sa kanya at niyakap siyang mula. Ang saya lang!



"Anything for you, wifey." Bulong niya. Nginitian ko siya. Lumingon ako kay Jerome para ngumiti at nakita ko siyang nakatingin sa amin, nang napansin niya ito, ngumiti siya sa akin. Si Nathan, hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya, pero one thing is for sure that I know about him... he's simply good. Hindi siya masama, nagmamahal lang siya.




I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon