Chapter 13

5.5K 130 4
                                    

Nang makapasok kami sa restaurant ng mismong hotel, nakita namin ang pamilya naming masayang nakikipag-usap kay Kuya Paul at sa isang babaeng hindi ko pa nakikita o nakikilala. Nagulat ako nang bigla nalang huminto sa paglalakad si Nathan sa di malamang dahilan. Nakita ko kung paano niya niyukom ang kanyang palad na tipong nagagalit siya sa kanyang nakikita. Kung hindi pa kami napansin nila Mama baka di pa kami aalis sa kinakatayuan namin.

"Nate! Angie! Halika na kayo. Ano pang tinatayo niyo dyan?" Inaya kami ni mama ni Nathan para saluhan sila sa table.

Ngumiti ako at hinila si Nathan papalapit sa kanila. "Sorry po late kami." Hinalikan ko sa pisngi sila Mommy, Mama, Tito at Daddy sabay umupo sa silyang bakante. Si Nathan umupo sa tabi ko kaharap yung mestisang babae samantala ako, katapat ko si Kuya Paul. Ngumiti siya sa akin, kaya naman ngumiti ako pabalik sa kanya. Ang gwapo talaga niya!

"Nga pala Angie hija, Siya si Samantha. At Samantha hija, siya naman si Angeline." Siya pala si Samantha, ang fiance ni kuya Paul. Ngumiti ako kay Samantha. At ngumiti naman syang pabalik, pero bakit parang pilit? HInayaan ko na lang iyon nang nagsalita si Nathan.

"Mom, ano pong meron bakit nagkaroon ng family dinner?" Tanong ni Nathan sa kanyang ina. Isang seryosong tanong. Ni hindi ko alam kung bakit ang sama ng aura ni Nathan sa table, hindi naman dahil ito sa nangyari kanina diba? Impossible yun. Si Nathan, pagkasama niya family niya, masaya siya. Pero sa tuwing lilingon ako sa kanya, parang ang stiff ng kilos niya. Lumingon ako pabalik kay Samantha at nakita ko kung anong klaseng titig ang binibigay niya kay Nathan. Napakunot ang noo ko.

"Hindi ko din alam. Si Kuya Paul mo nagyaya magkaroon ng family dinner. Ano bang sasabihin mo, Paul anak?" sagot ng mama ni Nathan at sabay lingon kay kuya Paul.

"Mom, mamaya ko na po sasabihin. Kain muna tayo." Kaya kumain muna kami pero nandoon parin ang tensyon kay Nathan. Ang tahimik nya. Ako naman, di makasabat kasi di ko maintindihan pinag-uusapan nila. Hanggang sa tumayo si Nathan at sinabing mag-ccr muna siya. Wala pang 5 minutes tumayo si Samantha at sinabing may nakalimutan syang kunin sa kanyang kotse. Ako naman dahil naiihi na ako. Nagpaalam na din ako. Saka busy naman sila mag-usap tungkol sa business. Di ko din naman maiintidihan ang mga iyon. At wala akong balak malaman kung anong meron tungkol doon.

Nang marating ko ang cr, may narinig akong dalawang taong nag-uusap at napasinghap na lang ako sa nakita ko. Nakatalikod si Nathan  sa akin samantala si Samantha ay nakayakap sa kanya, kaya hindi nila ako napansin. Si Nathan... At si Samantha? Bakit?

"Nate, please? Baby? Don't be mad at me." Sabay hawak ni Samatha sa mukha ni Nathan. "Mahal na mahal kita. Di ko kayang mawala ka sa akin. Okay lang na maging kabit ako! Okay lang sa akin. Promise kong di makakarating 'to kay Paul. Baby please. I love you." sabay yakap kay Nathan na nakatitig lang sa kanya. Agad kong tinakpan ang bibig ko, takot na makagawa ng kahit anong ingay.

Totoo ba itong naririnig ko? May... May relasyon sila? Paano? Niloloko ba nitong babaeng 'to si Kuya Paul?

"I can't continue this relationship knowing that we'll hurt my brother! Diba sinabi ko naman sayo na pumili ka nang isa! Hindi yung pinagsasabay mo kami. Before I can handle being your secret lover. But now? No. I can't. I can't even look at you when you're with him. I can't. It hurts. Why did you agree on marrying him? Fuck. We need to stop everything-"

Nanlaki mata ko sa sunod na nangyari. Hinalikan ni Samantha si Nathan, una parang di pa gumalaw si Nathan, pero di nagtagal hinalikan nyang pabalik si Samantha na parang wala siyang pakialam sa mundo kasi kasama niya ang taong mahal niya. Hinahalikan n'ya ang fiance ng kuya niya. Isinandal niya sa pader si Samantha at ipinulupot ni Samantha ang kanyang kamay sa leeg ni Nathan. Napaatras ako at dahang dahang tumalikod habang iniiwasang makagawa ng kahit anong tunog at naglakad pabalik sa table namin. Di ko masikmura ang nakikita ko. Nakita ko kung paano nila pagtaksilan ang kuya n'ya sa likod niya.

"Oh hija, namumutla ka ata?" Hinipo ni mommy ang noo ko na para bang tinitignan kung may sakit ako.

"Ahh. Wala lang po ito mommy." Uminom nalang ako ng tubig at napatitig kay Kuya Paul. Hindi ko alam pero naawa ako sa kanya bigla. He have the looks, money, intelligence at power. Di lang 'yun. Mabait din s'ya. Kaya paano pang may nagtataksil sa kanya?

"Angie, tikman mo ito. Baka magustuhan mo." Ngumiti sya sabay isusubo sa akin yung nasa fork niya na cake kaya napalayo naman ako. Natawa naman siya. "Bilis. Nangangalay si Kuya." Nakangiting sabi niya.

"Matagal na talaga gusto ni Paul magkakapatid na babae. Pero wala eh." Sabay tawa nang matatanda.

Kaya sinubo ko yung pagkain na iyon. "Wow. Masarap!" pilit kong pinasaya ang aking boses. Masaya ako kasi mabait sa akin si Kuya Paul pero, paano ako matutuwa kung may nalaman akong secretong sobrang nagpagalit sa puso ko. Hindi ko masikmura.

Nagulat ako nang may padabog na umupo sa tabi ko kaya naman napalingon ako dito. Yung taksil. Kasabay nun ang pagdating nung malandi. Oo masamang manghusga pero napaka sama nila! Paano nila nasisikmura umacting nang parang walang nangyari. Na parang hindi sila naghalikan!

"Nawala lang akong saglit mukhang close na kayo ah." Bulong sa akin ni Nathan.

"Syempre. Ang bait kaya ni Kuya Paul." Mabait siya. Di katulad mo. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Di nagtagal nakita ko kung paano sila magtitigan ni Samantha.

Kung wala lang akong pinag-aralan baka ngayon palang sinabi ko na sa kanila kung anong ginawa nila sa likod ni Kuya Paul. Mga walang puso. Kung noon, kala ko mabait si Nathan ng kahit kaunti, ngayon... Hindi ko na alam. Nagbago na isip ko tungkol sa kanya. Naiinis ako. Lalo na diyan kay Samantha na 'yan!

"Nga pala, bago namin makalimutan, ano nga pala yung sasabihin mo, Paul?" Tanong ni papa.

"Ah. It's about our wedding. Maaadjust s'ya. Baka next year na lang ang kasal namin, hindi na next month." parang gusto kong mahimatay sa naririnig ko.

"Ha? Bakit? May nangyari ba? Bakit n'yo pa pinapatagal?" Tanong ng mama nya.

"Mom. It's our decision. Kasi parehas kaming busy. Ako sa expansion ng business natin samantalang si Sam, yung career n'ya as a designer." Busy? Busy kasi siyang makipaglandian sa kapatid mo! Ayun iyon! Di ko alam kung matutuwa ba ako na di matutuloy kasal nila o magagalit dahil nakita kong kong nakangiti si Nathan.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon