Chapter 29

5K 116 6
                                    

Isang lingo. Isang linggong di nagpaparamdam si Nathan. Nakikita ko siya sa school pero hindi na siya nauwi dito sa unit niya. Nagagalit ako pero hinahayaan ko na siya. Di na ako makikialam. Naisip ko kasi si Kuya Paul. Gusto kong sabihin, gustong gusto. Pero it's not my story to tell. Lalo na alam ko na sobra daming tao ang maapektuhan.

Pagkalabas ko sa gate ng school ay nakita ko sa kabilang kalsada. Kumunot ang noo ko ng makita siyang nakasandal sa kotse niya nang magtama ang aming mga mata ay umayos siya ng tayo na para bang ako ang hinihintay niya. Tinitigan niya ako kaya naman lumingon lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya, sa huli ay dumiretso ako sa kanya.

"Kuya Paul?" Ngumiti siya sa akin nang makalapit ako sa harapan niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap. "Kamusta ka na bunso?" Tanong niya sa akin habang yakap yakap pa ako kaya naman napangiti ako at niyakap siyang pabalik. "Okay lang naman ako, Kuya. Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya pagkabitaw ng yakap sa akin. "May meeting kasi ako dyan sa hotel eh, tapos on the way na din naman ako pauwi sa bahay. Kaya naisipan kong dumaan dito. Tinawagan kita pero di ka sumasagot." Mahabang paliwanag niya sa akin at tumango tango nalang. Niyaya niya akong kumain kaya naman sumama na ako sa kanya.

Masaya kaming nag uusap hanggang papuntang mall. "Saan mo pala gusto kumain?" Napaisip kagad ako kung saan kami kakain, "Kuya parang gusto ko ng pizza." Iniisip ko pa lang ay agad akong natakam. Agad niya akong hinila sa isang restaurant pero tumigil siya saglit para sagutin ang tawag sa kanya, pinauna niya ako ngunit agad akong huminto nang mapatingin ako sa dalawang tao sa loob ng restaurant. Kinabahan ako nang maisip ko na nasa labas lang ng restaurant si Kuya Paul. Kaya naman nagmadali akong lumabas ng restaurant nagtakang tumingin sa akin si Kuya Paul. Pagpatapos niyang makipag usap ay hinarap niya ko. "Angel, bakit ka lumabas?"

"Ayoko na pala doon. Mas gusto ko ng fast food Kuya. Ang mahal kasi dyan eh." Pagsisinungaling ko sa kanya. "Ako naman magbabayad eh. Tara na." Hinila niya ako papasok pero naagapan ko kagad. "Kuya! Ayoko dyan. Tara na! Sige ka, iiwan kita dito. Gusto ko sa Mcdonalds!" Kaya naman napahinto siya. "Sure ka?" Tumango naman ako at madali siyang hinila.

Pagkapasok namin sa Mcdonalds ay napansin kong agad na napalingon ang ibang babae sa kanya. Sino bang hindi mapapalingon, matangkad siya at gwapo. Mukhang professional din. Isinisigaw ng pananamit niyang mamahalin ang mataas na position, kahit na nakatupi hanggang siko ang kanyang stylish plain white polo at black pants. Ang gwapo lang niyang tignan.

"Angel, anong oorderin mo?" Lumingon siya sa akin habang nakapila kami. "Chicken and spaghetti. Tapos cokefloat pala ahh." Tumango siya sa akin at sinabing maghanap na daw ako ng upuan namin. Agad akong sumunod sa kanya. Buti nalang at may nakita akong magandang pwesto at agad na umupo doon at hinintay si Kuya Paul.

"Angel, eto na oh." Sabi ni Kuya Paul nang umupo siya. Kumunot nanaman ang noo ko. "Kanina ka pa 'Angel' ng 'Angel', Kuya ah. Anong meron?" Napangiti naman siya. "Wala naman. Napansin ko kasi kung hindi, "Angje" "Sofia" "Angeline at "Sof", ang tawag sa iyo. Para maiba lang." Ngumisi siya. Natawa naman ako. Sabagay. Para maiba nga naman.

"Kamusta na kayo ni Nathan, Angel?" Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Isang seryosong Kuya Paul ang nakita ko. Ngumiti ako ng tipid at sinabing okay lang. Napabuntong hininga siya ng tinanong ko kung kamusta sila ni Samantha. "Angel... You don't need to lie. You don't need to pretend na wala kang alam. It's okay." Nanlamig ang mga kamay ko. He knows?

"Kuya.... Paano?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paanong alam niya?

Ngumiti siya ng malungkot sa akin. "I love her, Angel."

"Pero, Kuya--" napuutol ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang mukha niya. Tila ba ay naiiyak siya. Nagmadali akong umupo sa tabi niya at niyakap niya ako. "Angel, mahal ko siya. Ayoko siyang mawala kaya kahit alam kong masakit ay okay lang sa akin. Kasi alam ko naman na ako ang pakakasalan niya sa huli. Pero these past few days... Umiiwas na siya sa akin. She even broke up with me. That's when I realize she love him more than she loves me. I don't know what to do anymore..." Nanghihinang sabi niya sa akin. Sa sobrang inis ko ay napa-yakap ako ng mahigpit sa kanya. Sobra na siya. Sobra na ang pananakit niya sa tao sa paligid niya. She don't deserve to be love! Or ro loved! Masama siyang tao. Sinasayang niya ang mga taong nagmamahal sa kanya. Inaabuso niya. "Ano bang dapat kong gawin, Angel?" Tanong niya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Kuya Paul, kung masyado ka nnag nasasaktan... Tama na. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Wag kang maging bulag. Kuya, you deserve someone better. Ang bait mo, gwapo, matalino, mayaman, halos lahat na nasa iyo. Wag mong sayangin dahil sa iisang babae. Masyado kang mabait para sa kanya. Isipin mo naman ang sarili mo kuya." Di ko namalayan ang pag tulo ng mga luha sa aking mata. Naawa ako kay Kuya.

"Hindi madali. Lalo na kapatid ko pa yung... yung mahal niya. Hindi ko kaya, Angel. Kung sakali mang hindi kami magkatuluyan.... Hindi ko kaya na sila ng kapatid ko ang magkatuluyan. Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na masira ang pamilya niyo. Di ko hahayaan na madadamay ang pamangkin ko." Lumayo siya ng onti sa akin habang ako naman ay nagulat. Nagtaka. Paano niya nalaman?

Hininto niya ang kotse niya nang nasa tapat na kami ng condominium, napabuntong hininga nalang ako. "Sorry kung nagulat kita sa mga sinabi ko. Wala na kasi akobg masabihan. Pasensya na." Nilingon ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Kuya, wag kang mag sorry, please? Ang gusto ko lang isipin mo ang sarili mo. Mas mahalin mo ang sarili mo, please? Don't be so selfless. You deserve better, Kuya. Tandaan mo na lagi lang ako nandito para sa iyo. Kapag kailangan mo ako, nandito ako para makinig sa iyo, Kuya. Don't be sad na. At thank you dahil di mo pa sinasabi sa iba ang tungkol kay baby."

Inalalayan niya ako pababa ng kotse. At nagpaalam kagad ako sa kanya. Bago siya umalis ay niyakap ko siya. Binulungan ko siya na magiging okay din ang lahat. Wrong person, right place. That's life. Pero alam kong magiging okay din siya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob ng building nang nakita ko si Nathan na masamang nakatingin sa akin. Nilagpasan ko siya at dirediretsong sumakay ng elevator, sumunod din siya. "Tagal niyo palang magyakapan ng Kuya ko?" Mapang akusang sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makapasok kami sa loob ng unit nita.

"Ahh! Di lang pala nagyayakapan. Hinalikan ka nga din pala niya, diba?" kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito? "Ano bang problema mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nagulat ako nang isandal niya ako a pader at ikinilong gamit ang mga kamay niya na nasa gilid ng katawan ko. Sobrang lapit niya sa akin.

"Ang problema ko? May asawa kang tao, nanglalandi ka pa. Ang lakas ng loob mong sabihan ng malandi si Samantha, yun pala ikaw din palihim na nilalandi ang kuya ko. Baka gusto mo mag exchange nalang tayo para 'happy happy'?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang naubos at ang laman lang ng isip ko ay sampalin siya ng sobrang lakas. Umusbong ang galit ko sa kanya. "How dare you! Alam mo kung walang ibubuka yang bibig mo, itikom mo na! Diba wala nang pakialamanan? Wag kang makialam sa buhay ko! Wag kang makialam. Kasi wala na akong pakialam sa iyo! Wala akong pakialam kung magsama kayo ng babae mo! Pero tandaan mo, never kong inisip na patulan ang kuya mo! Di ako kasing landi nang babae mo! Di na ako magtataka kung isang araw kasama naman niya si Kuya Paul sa sobrang kati niya!" Nilakasan ko ang loob ko dahil akala ko ay susuntukin niya ako. Nagulat ako nang naramdaman ko ang pagsuntok niya sa pader sa gilid ko. "Fuck it!"

Nanlaki ang mga mata nang hinalikan niya ang nang sobrang diin. Isang halik na sobrang sakit. Hinawakan niya ang batok ko at mas lalong idiniin sa kanya.

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon