Chapter 41

5K 121 0
                                    

Naghihintay kaming lumabas ang doctor sa kwarto ni Hana, tahimik kaming lahat habang si Jerome ay nasa tabi ko parin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, "Wag ka nang masyadong mag isip, bawal ka mastress diba?" Mahinahong sinabi niya sa akin. Pero di ko magawa ang sinasabi niya. Masyado akong naiistress sa nangyayari. Lalo na't may nangyaring masama kay Hana. Di ko alam kung dapat ko bang sisihin si Josh. Sobra na siya sa pakikitungo niya kay Hana. Oo niloloko niya si Hana, inaasar, pero nasasaktan din ang tao.

Nilingon ko si Jesie na nakatayo sa gilid ko. At si Josh na nakatungong nakaupo. Nang lumabas ang doctor ay lahat kami ay napalapit sa kanya. "Kinausap ko lang siya. She's okay na. Kailangan niya lang magpahinga. You can visit her pero avoid stressing her." Nagpasalamat kaming lahat at pumasok sa kwarto. Nakita kong si Hana na nakahiga at nakatingin sa kabilang direction. Pero alam kong alam niya na pumasok kaming lahat. "Hana." Saad ni Jesie nang nakalapit siya sa kama.

"Guys. Iwan niyo muna ako. Gusto kong magpahinga." Malamig na sinabi niya sa amin, ngunit hindi niya parin kami nililingon. Nagkatinginan kami ni Jesie nang lumapit si Josh sa kanya. At dahil doon, ay napagdesisyonan naming umalis sa room.

"Ihahatid ko na kayo pauwi." Sabi ni Jerome nang makalabas kami. Magsasalita na sana ako nang nakarinig ako nang isang pamilyar na boses. "Ako na maghahatid sa kanila." Nilingon ko ang isang seryosong Nathan. Naka tiim ang kanyang bagang. Halatang hindi niya gusto ang nakikita niya. Lumapit siya sa amin at hinawakan ang kamay ko, inilapit niya ako sa kanya.

"Oh, bro. Nandito ka na pala." Nakangising bati sa kanya ni Jerome. Habang si Nathan ay nanatiling seryoso ang itsura. Napakunot ang noo ko nang tumawa si Jerome. "Pathetic." Sabi niya sabay ngisi ulit habang nakatingin siya sa aming dalawa ni Nathan.

"Anong sabi mo?" Naramdaman ko ang pagdiin sa paghawak ni Nathan sa akin. Alam kong galit na siya. "Wala." Ngumiti sa amin si Jerome at saka naglakad palayo.

Napabuntong hininga ako. "Tara na." Seryoso paring sabi ni Nathan sa amin. Nang mahatid namin si Jesie ay lalong naging tahimik ang byahe namin pauwi. He's mad. Pero bakit? Dahil kay Jerome?

Agad niyang pinark ang kotse niya sa garahe namin at nagmadaling pumasok sa loob nang bahay namin habang padabog na binuksan ang pintuan namin. Agad akong sumunod sa kanya. "Uy. Nathan."

"What?" Iritang nilingon niya ako. Kumunot ang noo ko. Anong kinagagalit niya?

"Anong problema mo?" Nilapitan ko siya. Napasinghap siya at saka ginulo ang sarili niyang buhok. Lalong napakunot ang noo ko. "Hoy. Ano bang problema mo?"

"Are you dense? Bakit kasama mo siya?! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkita kayo? Bakit nandoon siya? Nagkita ba kayo?" Sunod sunod na tanong niya. He looks frustrated. But why?

"Bakit naging problema si Jerome?"

"Sofia naman! Tinatanong pa ba iyon? Mahal ka nung tao!" Inis na sinabi niya sa akin.

"Pero wala na kami-"

"Mahal mo siya! Kahit wala na kayo. Mahal mo siya! Ayun ang problema! Ngayon nagkita na kayo, ano na? Iiwan mo ba ako? Sasama ka na ba sa kanya?" Nakita ko ang pagpula nang kanyang ilong.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kung ano anong pinag iisip mo. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Meron." Itiniim niya ang kanyang bibig.

"Meron pala e. Bakit ka nagkakaganyan?"

"I just... Just don't trust Jerome! Wag ka nang lalapit sa kanya. Isa pa, kapag lalabas ka magpasama ka sa mga gurards natin. Ayoko nang ulit makita kang makasama siya o makausap." Seryosong sinabi niya sa akin. Mabait si Jerome. Ako ang masama. Kami ang masama kasi umpisa palang, kami ang nanakit kay Jerome. All he ever did was to love me. Kung sakaling galit si Jerome sa amin ay tanggap ko iyon. Pero kahit ganoon, ay alam kong mapapagkatiwalaan si Jerome. Mabait siyang tao. Itinago niya lahat nang alam niya. Hindi niya pinagkalat ito sa iba, I know he won't because he cared for us.

"Geez! He's your bestfriend-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko, "You love him. And I can't risk anything. Hindi malabong magkabalikan kayo!" Napailing nalang ako sa kanya. Ayoko nang makipag usap sa kanya. Walang mapapala 'tong usapan namin. Lalagpasan ko na sana siya nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

"Please Angie? Wag ka nalang umalis sa bahay pag hindi ako kasama, please?" Malungkot na sabi niya. "Natatakot akong agawin ka niya sa akin. Kasi umpisa palang ay siya na ang nagmamay ari sayo. At ngayong nagbalik na siya... Paano na ako? Natatakot akong iiwan mo ako, Sof."

I stiffened. Natatakot siyang mawala ako? Bakit? Mahal na ba niya ako? Agad kong inalis sa isip ko ang ideyang iyon. Alam ko naman kung bakit ayaw niya ako mawala, kasi ako na lang ang nandyan para sa kanya. Kasi lahat nang tao sa paligid niya ay galit sa kanya. Lumambot ang puso ko, gusto ko sana magalit sa kanya, kasi mali ang naiisip niya. Hindi ko na mahal si Jerome. Kasi... Siya na ang mahal ko.

Umikot ako para harapin siya at hinawakan ang kanyang pisngi, "Wala ka dapat ikatakot. Kasi hindi kita iiwan. Lagi lang akong nandito para sayo." Sabi ko sabay nigiti sa kanya.

Tinitigan niya ako, titig na may halong saya. Kumikislap ang kanya mga mata. "Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung pati ikaw mawawala sa akin Sof."

I'm Married to Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon