Babala: Madaming violent words ang ginamit sa chapter na ito. Too vulgar. Thank you sa mga nagbabasa!
-----"Hoy. Angie!" niyugyog ako ni Josh. "Huh? Ano yun?" tanong ko sa kanila, "Kanina pa kami salita ng salita dito. Gusto mo na bang umuwi? Kasi parang wala ka sa sarili mo." ngumiwi si Hana. "Hahatid na lang kita." dugtong niya. Nakakaabala lang ako kaya agad akong umiling.
"Ah. Wag na. Ako na lang uuwi mag-isa." sabi ko sa kanila at pinilit ngumiti. Pero mukhang hindi ata sila nadala. Malungkot silang tumingin sa akin. Malungkot parin. Alam ko na sa ngayon eh mas naaawa sila sa akin. Alam nila angbbuong nangyari. Alam nila kung paano ako nasaktan. At alam nila kung paano ko nasaktan si Jerome. It's been months. Pero alam kong sobra ang galit sa akin ni Jerome. Sinubukan niya ako suyuin pero binalewala ko iyon. Nagpanggap akong walang pakialam sa kanya. Sobra siyang nasaktan. "Sigurado ka?" tanong ni Jessie sa akin. Sabay hawak sa noo ko. "Ang init mo! Sigurado ka ba na ikaw na lang mag isa? Hatid ka na namin!" Alalangsabi niya na miski sila Josh ay tumango. Umiling ako sa sinabing, "Uwi na ako. Kaya kong mag isa, at meron pa kayong class! Wag kayo umabsent nang dahil lang sa akin. Bye guys. " agad na tumayo ako at lumayo mula sa kanila.
Hilong hilo ako nang pagkauwi ko sa bahay, gusto kong magpahinga. Sobrang sakit ng ulo ko kaya dumiretso ako sa aking kwarto para magpalit ng damit. Ni hindi na ako namili. Sinuot ko kagad ang damit na nakuha ko sa cabinet. I just want to rest.
Bigla akong naalimpungatan ng narinig ko yung tawanan sa labas. May kasama siguro tong si Nathan. Sino naman kaya ito? Nagtatalo ang isip ko kung lalabas ako o hindi, dahil sobrang laki ng chansa na nandyan siya. Nandyan si Rome. Napahawak ako sa aking bibig nang may naamoy akong mabaho. Ano iyon? Amoy mabahong pagkain. Gusto kong sumuka. Anong gagawin ko? Hilong napahawak ako sa may pader ng aking kwarto. Dahil di ko na pigilan sumilip ako sa labas. Wala sila, malamang nasa dining room na silang lahat. Ganito ako tuwing nilalagnat nasusuka. Tumakbo ako papunta sa CR. At isinuka halos lahat nang kinain ko. Nanghihinang napaupo ako sa lapag ng banyo. Ngayon naman iniisip ko kung paano ako makalabas ng hindi mahuhuli. Nandito si Rome at paano nalang kung makita niya ako. Ganun nalang ang takot ko nang bumukas ang pintuan nang banyo at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Hindi ako makakilos. Tila ba ay napako ako sa kinauupuan ko. "So...sofia?" Naguguluhang tanong niya na para bang gulong gulo siya kung bakit ako nasa loob ng banyo. Nanlaki mata ko nang malakas niyang tinawag si Nathan. "Nathan!" sigaw ni Aaron. Kahit na nahihilo ako ay pinilit kong tumayo at pigilan siya. Anong sasabihin niya kay Nathan? Kinakabahang nilapitan ko siya. "Aaron... Please tumahimik ka. Wag kang maingay." Pakiusap ko sa kanya. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay para na akong papatayin.
Nagmamadaling pumasok si Nathan sa banyo, "Anong problema?" nanlaki mata ni Nathan nang nakita niya ako. "Sht Angie. Bat ganyan suot mo?" inis na tanong niya sa akin at agad akong nagtaka sa suot ko? Masyado akong nahihilo para marinig ang sunod niyang sinabi.
"Sofia. Anong ginagawa mo dito?" kumunot noo ni Aaron. Hindi ko alam ang sasabihi ko. Sobrang kabado ako yumuko at para hindi makita ang seryosong mukha ni Aaron. Lumapit si Nathan sa akin at tinago niya ako sa likod nya. Ang palabirong Aaron ay sobrang seryoso. "You know her?" Tanong ni Nathan sa kanya. "Tangna! Di mo kilala yan? Di mo siya kilala? G@go ka ba?" Inis na saad ni Aaron. Napakapit ako sa damit ni Nathan. Natatakot ako. Sobra akong nanginginig.
"Bakit ka ba nagagalit?" Naguguluhang tanong ni Nathan sa kanya sabay baling sa akin. Naramdaman niya siguro na nanginginig ako. "Angie, are you okay? You look pale!" Sabay hawak niya sa mukha ko.
"Pare! What the hell are you doing!! Why are you with her?"
"Oy! Ba't ang tagal niyo dyan? Kanina pa namin kayo hinihinta-" nanlaki mata si Daniel ng nakita niya ako. Kung... Kung nandito din si Daniel ibig sabihin- napatingin ako sa gilid niya. Nandun si Rome. Si Rome... Nandito siya. Nakatingin sa akin, para akong napapaso sa tingin niya kaya napatungo nalang ako. "Jerome pare!" Nagulat si Aaron nang makita niya si Jerome sabay tingin niya pabalik sa akin. "Anong nangyayari?"
"Ba't ano bang meron? Bakit napaka seryoso niyo?" Naguguluhan parin na tanong ni Nathan. Pero tila ba bingi kami. Seryosong nakatingin sa akin ang tatlo. Nagbabadyang tutulo ang luha ko kaya lalo kong hinigpitan ang kapit ko kay Nathan.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Nathan. Nag-nod ako. Ayoko na magtagal pa dito. Feeling ko sumisikip yung dibdib ko. "Liar. Magbihis ka muna. Tapos kakain ka kasama namin. Nagluto si Aaron." Sa ngayon gusto ko na umalis dito sa harapan nila.
"Ano?! Nate pinagloloko mo ba ako?" Tanong ni Aaron, sabay hinila ako papuntang sa kanya. "Aaron!" sinaway siya ni Nathan. Gusto ko kumawala pero sobrang higpit ng pagkakapit niya sa akin. Lumapit si Daniel para hilahin ako mula kay Aaron. "Nathan! Pinagloloko mo ba ako? Di mo ba siya kilala?" Mariin na tanong ni Aaron. Napatingin ako kay Jerome. Ano na ang iisipin niya? Pinagpalit ko siya sa kaibigan niya pa?
"May nakalimutan akong gawin. Sige mga bro. Alis na ako." Ni hindi man lang niya ako tinignan. Malamig. Isang malamig na Jerome ang umalis mula sa harapan namin. "Sige ingat ka." sabi ni Nathan. Dirediretso siyang lumabas ng unit ni Nathan. Tumingin sa akin si Daniel na sobrang disappointed. Gusto kong magpaliwanag. "Aaron. Daniel. Please. Magpapaliwanag ako." Napailing kagad si Aaron.
"Di mo alam kung gaano kawasak siya. Di mo alam."
Nagmadali akong umalis sa lugar na iyon. Kasi baka maabutan ko si Jerome. Gusto ko siyang maabutan. Ano nalang ang iisipin niya sa akin. Galit si Aaron at paniguradong si Daniel din. Nananalangin akong maabutan ko siya. Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit gusto ko siyang habulin, ang alam ko lang ay kailangan ko. Paglabas ko ng unit nakita kong nakasandal sa pader si Jerome na parang pagod na pagod. Agad akong tumingin sa kanyang kamay. Napansin kong nagdudugo yung right hand niya... Nagulat ako nang sinuntok niya ulit yung pader.
Bigla akong naiyak at pinuntahan siya. "Jerome. Tama na." pinigilan ko siyang suntukin ang pader. Masasaktan siya. Umiyak ako nang makita ko ang puot sa mukha niya.
"Ba't ka nandito?!" kitang kita sa mata niya yung galit at pagkalungkot. Galit siya sa akin.
"Siya ba?! SIYA BA YUNG DAHILAN?? Tangna naman Line! Sa dinami dami bat yung Bestfriend ko pa!" wala akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak. Sobrang galit siya. "Sagutin mo ako!!" Gigil na saad niya sabay hawak sa balikat ko nang napaka diin. "ANO. IIYAK KA NA LANG DYAN?? At nasa pad ka pa niya ha. Ano. Naikama ka na ba niya?! Hah! Unbelievable." Pumikit siya ng mariin at nang imulat niya ang mata niya ay tumingin siya sakin na para bang nandidiri. Tapos nun ay tumalikod na siya sakin.
Hinawakan ko yung braso nya. "Rome..." Nanghihina kong tawag sa kanya. Sorry. Sorry sa lahat.
"Bitawan mo ako! Tangna. Wag na wag kang lalapit sa akin." nanghihina ako. Binitawan ko na yung kamay niya. Ang sakit. Hindi ganyan si Rome na minahal ko. Ibang iba na siya. Ang sakit lang isipin na ang taong mahal na mahal ako ay sobra na akong kinamuhian. Ano bang nagawa ko?
NATHAN'S POV:
Anong meron? Tahimik na nakaupo sa sala sila Aaron at Daniel samantala ako namanay palipat lipat ang tingin sa kanila. "Fuck you!" Madiin na sabi sa akin ni Aaron.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang ginawa ko at galit na galit ka?" Inis na tanong ko. "Hindi mo siya kilala? Siya si Angie! Siya si Line!" Gigil na sabi ni Aaron at agad akong natigilan. No this can't be happening. Agad akong tumayo at mabilis na lumabas sa aking unit. Siya si Angeline ni Jerome? Siya ang babaeng nanakit sa kaibigan ko? Siya ang babaeng naging dahilan para masaktan ng husto si Jerome? Paano? Siya...
Papunta na sana ako sa may elevator ng bigla kong narinig sumigaw si Jerome. Galit na Jerome ang nasilayan ko ng nakita ko si Angie na umiiyak. Kaya nagtago ako sa may gilid. Pilit kong intindihin ang usapan nila. Napako ako sa kinatatayuan ko nang marining ko ang sinabi ni Jerome. Sht. Is this true? Agad akong natulala. Paano nangyari ito? Hindi maaari.
BINABASA MO ANG
I'm Married to Mr. Heartbreaker
General FictionSofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the sake of her family. But one night, she accidentally met someone who had a same scenario as her, Nath...